Chapter 3: Groupmates From Hell

1542 Words
"Life has a funny way of bringing two opposite people together. Sometimes, all it takes is one unexpected assignment." --- Bellamy's POV Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak. First day pa lang ng college... Napahiya na ako sa buong klase. At mas masaklap pa ro'n? Seatmate ko ang lalaking halos ayaw magsalita. Tahimik ang buong classroom habang nagsisimulang magsulat si Professor Villanueva sa whiteboard. INTRODUCTION TO ARCHITECTURE "Before we officially start our lesson," ani ni Sir habang inilalapag ang marker, "I want to remind everyone of one thing." Lahat kami ay napatingin sa kanya. "Architecture is not just about drawing beautiful buildings." Dahan-dahan siyang naglakad sa gitna ng classroom. "It's about solving problems." Tahimik ang buong klase. "Every architect starts as a beginner." Ngumiti siya. "So don't be afraid to make mistakes." Hindi ko napigilang mapangiti. Parang para sa akin ang sinabi niya. Lalo na pagkatapos ng nakakahiya kong introduction. --- "Now..." Pumalakpak si Professor Villanueva. "Let's have our first activity." Nagkatinginan ang buong klase. "Activity agad?" Mahinang reklamo ni Sammy. Narinig iyon ni Sir. "Mr. Sammy." "Yes, Sir?" "You don't like activities?" "Gusto ko po..." Tumigil siya sandali. "...basta hindi graded." Nagtawanan ang buong klase. Pati si Sir ay napailing. "Unfortunately for you..." Isinulat niya sa whiteboard ang salitang: 10 POINTS Biglang napaungol ang lahat. "Sir naman!" "First day pa lang!" Ngumiti lang si Professor Villanueva. --- "Here's your task." Kumuha siya ng isang bond paper. "Draw your dream study space." Napakunot-noo ako. "Simple lang po pala." "Not yet." Napangisi si Sir. "You'll do it..." Sandali siyang tumigil. "...with a partner." Biglang naging maingay ang classroom. "Yes!" "Uy, tayo na!" "Pare, partner tayo!" Napangiti ako. Lumingon ako kay Emely. Pero bago pa kami makapag-usap... Narinig namin ang sumunod na sinabi ni Sir. "No choosing of partners." "..." "..." "Random draw." Napasinghap ako. Sana naman... Huwag lang— "Mr. Cyrus Thorne." Tahimik na tumayo si Cyrus. "Your partner is..." Napapikit ako. Please. Kahit sino. Huwag lang siya. "...Miss Bellamy Frost." "..." "..." "...Ha?" Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Baka mali lang ang narinig ko. Pero hindi. Ngumiti si Palmer. Natawa si Sammy. Habang si Emely naman ay napapikit na lang. "Bell..." Mahina niyang sabi. "Good luck." Lord... Ano bang kasalanan ko? "Sir." Nagtaas ako ng kamay. "Yes, Miss Frost?" "Pwede pong magpalit ng partner?" "No." "Sir naman." "No." "Kahit once lang?" "No." --- "Sometimes, the worst partner turns out to be the person who changes your story." --- Bellamy's POV "Lord..." Mahina kong bulong habang nakatitig sa bond paper na nasa harapan namin. First day pa lang ng college... At heto ako. Nakapareha sa pinakasupladong lalaki sa buong St. Aurelius University. Napabuntong-hininga ako. Sa gilid ng mata ko, nakita kong tahimik na inilalabas ni Cyrus ang mga gamit niya. Isang mechanical pencil. Isang ruler. Isang eraser. At isang maliit na sketchbook na halatang laging ginagamit. Lahat ng galaw niya ay maayos. Organized. Parang kahit ang bag niya ay may sariling sistema. Samantalang ako... Tatlong beses ko nang nahulog ang ballpen ko sa sahig. "Aray..." Napayuko ako para pulutin iyon. Pag-angat ko... Nakita kong nakatingin sa akin si Cyrus. Hindi galit. Hindi rin natatawa. Blanko lang ang mukha niya. --- Professor Villanueva: "You have thirty minutes." "Design your dream study space." "Remember..." "There is no right or wrong answer." --- Agad na naging maingay ang buong classroom. May nagtatalo na. May nagtatawanan. May nagsisimula nang mag-drawing. Pero sa mesa namin... Tahimik. Sobrang tahimik. Hindi ko na kinaya. --- Bellamy: "So..." Walang sagot. --- Bellamy: "May idea ka na ba?" Tahimik pa rin. Patuloy lang siyang nagsusulat ng maliliit na linya sa bond paper. Napairap ako. --- Bellamy: "Alam mo..." Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. --- Bellamy: "Kapag hindi ka nagsasalita, parang mas lalo kang nakakatakot." --- Cyrus: "Good." --- Napakurap ako. "Ha?" --- Cyrus: "At least tahimik ang paligid." --- Nanlaki ang mata ko. --- Bellamy: "Excuse me?" --- Cyrus: "Pwede bang huwag kang maingay?" --- Napabuka ang bibig ko. --- Bellamy: "Ako?" --- Cyrus: "Ikaw." --- Bellamy: "Hindi pa nga ako nagsasalita nang marami." --- Cyrus: "Pero mukhang malapit na." --- Napasinghap ako. Grabe. May award ba ang pagiging suplado? Kasi sure akong panalo siya. --- Sa kabilang mesa... Halos mapahawak sa tiyan si Palmer sa kakatawa. --- Palmer: "HAHAHAHA!" "Sabi ko na nga ba!" --- Sammy: "Ano'ng nangyari?" --- Palmer: "Sinabihan agad ni Cyrus!" --- Sammy: "Ano?" --- Palmer: "'Wag kang maingay!'" --- Biglang nagtawanan sina Sammy, George, at Katherine. Napailing lang si George. --- George: "Five minutes pa lang." --- Katherine: "Bagong record." --- Napairap ako. --- Bellamy: "Ang sasama ng ugali n'yo." --- Palmer: "Hindi..." "Tuwang-tuwa lang kami." --- Bellamy: "Ba't parang kasalanan ko?" --- Palmer: "Hindi kasi nagsasalita si Cyrus sa kahit sino." --- Napalingon ako sa katabi ko. Tahimik ulit siyang nagdo-drawing. Parang walang nangyari. --- Bellamy: "Ganito ka ba talaga?" --- Hindi siya sumagot. --- Bellamy: "O galit ka lang sa mundo?" --- Huminto ang lapis niya. Dahan-dahan niya akong tiningnan. --- Cyrus: "Tapos ka na ba?" --- Napakunot-noo ako. --- Bellamy: "Ha?" --- Cyrus: "Sa interview." --- Hindi ko napigilang mapatawa. --- Bellamy: "Hindi." --- Napabuntong-hininga siya. --- Cyrus: "Akala ko." --- Napangiti ako. Hindi dahil mabait siya. Kundi dahil... Mukhang kaya naman pala siyang kausapin. Kailangan mo lang talagang habaan ang pasensya mo. At lakasan ang loob mo. --- Inilapit ko ang bond paper sa kanya. --- Bellamy: "Sige." "Work tayo." "Gusto kong maraming halaman." --- Hindi siya tumingin. --- Cyrus: "Why?" --- Bellamy: "Mas presko." "Mas peaceful." "Tsaka..." Ngumiti ako. "Masaya tingnan." --- Sandaling natahimik si Cyrus. Pagkatapos ay nagsimula siyang gumuhit ng isang malaking bintana sa papel. Malinis. Diretso. Eksakto. --- Bellamy: "Ang ganda." --- Hindi siya sumagot. --- Bellamy: "Ikaw ba gumawa ng mga drawings sa sketchbook mo?" --- Cyrus: "Oo." --- Bellamy: "Pwede kong makita?" --- Huminto siya. Unti-unti niyang isinara ang sketchbook. --- Cyrus: "Hindi." --- Napasimangot ako. --- Bellamy: "Ang damot mo." --- Cyrus: "Oo." --- Bellamy: "Inaamin mo pa?" --- Cyrus: "Oo." --- Hindi ko napigilang matawa. Hindi dahil nakakatawa siya... Kundi dahil seryoso niyang sinasagot ang lahat ng tanong ko. At sa isip ko... Mukhang mahaba-haba pa ang laban ko sa taong ito. --- Hindi ko alam kung bakit... Pero habang tumatagal, mas lalo kong gustong asarin si Cyrus. Siguro dahil ang seryoso niya. O siguro dahil gusto kong makita kung kaya ba talaga niyang ngumiti. Nakayuko pa rin siya habang maingat na gumuguhit ng malalambot na linya sa bond paper. Hindi ko napigilang mapalapit. --- Bellamy: "Ang linis mong gumuhit." --- Hindi siya tumingin. --- Cyrus: "Practice." --- Bellamy: "Practice lang?" --- Cyrus: "Araw-araw." --- Napatingin ako sa sketchbook niyang nakapatong sa mesa. Halatang luma na. May mga gasgas na ang cover. Pero maingat niya pa ring inaalagaan. --- Bellamy: "Kaya pala ang galing mo." --- Hindi siya sumagot. Pero napansin kong bahagya niyang itinulak ang ruler papunta sa akin. --- Cyrus: "Ikaw naman." --- Napakurap ako. --- Bellamy: "Ha?" --- Cyrus: "Ikaw ang maglagay ng plants." --- Napangiti ako. --- Bellamy: "Aba... marunong ka rin palang mag-share." --- Napatingin siya sa akin. --- Cyrus: "Huwag mong sirain." --- Napasimangot ako. --- Bellamy: "Grabe ka naman." --- Palmer's POV Hindi ko na talaga kaya. Sa lahat ng pwedeng ipares... Sila pa talaga. Napasandal ako sa upuan habang pinapanood sina Bellamy at Cyrus. Mukhang aso at pusa. Pero... Nakakatuwa. --- Sammy: "Ano'ng tinitingnan mo?" --- Palmer: "Future." --- Sammy: "Ha?" --- Palmer: "Future headache ni Cyrus." --- Napatawa si Sammy. --- Sammy: "Feeling mo?" --- Palmer: "Sigurado." --- Biglang lumingon si Cyrus sa direksyon namin. Isa lang ang tingin niya. Tahimik. Pero sapat na para manahimik kaming dalawa. --- Sammy: "...Nakakatakot talaga." --- Palmer: "Sabi ko sa'yo." --- Emely's POV Napangiti ako habang pinapanood si Bellamy. Kilala ko ang best friend ko. Kapag mas makulit siya sa isang tao... Ibig sabihin... Interesado siyang makilala ito. Hindi romantically. Curious lang. At sa tingin ko... Si Cyrus naman... Kahit hindi niya ipinapakita... Hindi na rin niya tuluyang ini-ignore si Bellamy. Kanina pa sila nag-uusap. Maiksi nga lang ang sagot ni Cyrus. Pero... Sumasagot pa rin siya. Para kay Cyrus... Malaking bagay na iyon. --- Bellamy's POV Matapos naming matapos ang drawing, inilapag namin ito sa mesa ni Professor Villanueva. Isa-isa niyang tiningnan ang mga gawa ng bawat grupo. Nang makarating siya sa amin... Napangiti siya. --- Professor Villanueva: "Interesting." --- Napatingin ako kay Cyrus. Tahimik lang siya. --- Professor Villanueva: "Who thought of the plants?" --- Bellamy: "Ako po." --- Tumango si Sir. --- Professor Villanueva: "It gives warmth." --- Napangiti ako. --- Professor Villanueva: "And the window?" --- Cyrus: "I did." --- Tumango ulit siya. --- Professor Villanueva: "Good." "Natural light." "Simple." "But functional." --- Tahimik ang buong klase habang tinitingnan ang drawing namin. --- Professor Villanueva: "This..." Iniangat niya ang bond paper. "...is a good example of balance." --- Napatingin ako kay Cyrus. Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya nagsalita. Pero... Sa unang pagkakataon... Tumango siya nang bahagya sa direksyon ko. Parang sinasabing... "Good job." Hindi niya kailangang sabihin. Naintindihan ko. At hindi ko rin namalayang... Napangiti ako. Siguro... Hindi naman pala imposibleng makasundo ang isang taong katulad ni Cyrus. Mahirap lang talaga siyang kilalanin. At baka... Ito pa lang ang simula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD