bc

Kuripot Noon, Mayaman Ngayon

book_age18+
detail_authorizedAUTHORIZED
8.9K
FOLLOW
110.4K
READ
revenge
HE
second chance
bisexual
bold
ambitious
male lead
realistic earth
poor to rich
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Anong pakiramdam ng magising ka na lang isang araw at malaman mong napamanahan ka ng bilyun-bilyon? Villa? Magarang kotse? Mga bagay na pinapangarap buong buhay ng mga mahihirap ay nasa kamay ko na.

Hindi lang iyon, mayroon din kaibig-ibig at walang muwang na kapitbahay, inosente at matikas na pinakamagandang babae sa paaralan, ang magandang guro na malamig at mayabang, at iba pang mga babaeng na pinagaawayan ako.

Walang bagay na hindi kayang masolusyonan ng pera. Kung meron man, handa akong magbayad ng doble.

chap-preview
Free preview
Kabanata -Ako ay isang mahirap na nagngangalang Freddie Lang
Nagmukha siguro akong pulubi na nakayuko sa isang sulok sa kalye, habang kumakagat ng burger. Sa totoo lang, may dumaan na isang maybahay na naghagis ng barya sa harap ko habang nilalakad ang kanyang aso. Hindi ko lubos naisip na ako, si Freddie Lang, ay magmumukhang pulubi sa paningin ng mga dumadaan. Sobrang pagod ko lang talaga galing sa mga part- time kong trabaho at gusto ko lamang kumaen kung saan maginhawa. Nagtatrabaho ako ng araw at gabi na parang baliw sa mga panahong ito para kumita ng sapat na pera para makabili ng regalo at magpahayag ng aking damdamin para sa babaeng pinapangarap ko. Walang maniniwala dito pero hindi man ako biniyayaan ng pera o kapangyarihan, ang campus belle na si Lina Holden, ay naging interesado sa akin. Niyaya pa niya ako na makipagkita sa kanya sa maliit na kagubatan sa likod ng paaralan mamayang gabi. ... Naubos ko na lahat ng ipon ko para makabili ng bagong iPhone 13 kaninang hapon. Hindi ko mapigilan ang aking tuwa at dumating ako sa maliit na kagubatan ng 3 oras ng maaga para antayin siya. Nagantay ako doon, nagmukha akong istatwa. Habang nagaantay ako, hindi ko mapigilan isipin kung gaano siya matutuwa sa matatanggap niyang phone. Kami ang magiging pinaka cute na couple pagkaraan ng araw na ito. Biglang nagring ang phone ko sa bulsa. Akala ko ay tinatawagan ako ni Lina kaya dali dali kong sinagot ang tawag. "Hello, ito ba si Young Master Freddie? Ako ang iyong future butler. Maari mo akong tawagin na Tito Quinn. Mayroon kang pamana na kasalukuyan ko ng hawak para sayo at kailangan mo na itong tanggapin. Maari ko bang tanungin kung anong oras kumportable sa iyo para kolektahin ito?" Pamana? Ang una kong naisip ay iscam ang tawag na natanggap ko. Isa akong ampon. Paano ako magkakaroon ng pamana? Pero, sa mga oras na ito ay wala akong ginagawa kaya naisip ko na masaya makipaglaro sa kausap ko. "Oh? Para sa akin? Bakit di mo sabihin kung magkano ang pamanang ito? "Young Master, ang pamanang natanggap mo ay nasa triliones ang halaga, pero ang eksaktong numero ay nangangailangan pa ng kalkulasyon para makumpirma. "Triliones? Hahahaha.... Mga scammer ba sa panahong ito ay walang matinong mga trabaho? Kung ganyan at napakalaking halaga nito, angkinin mo na para sa sarili mo!" At pagkatapos nito, ibinaba ko na ang phone. Palala ng palala mga scammer sa panahong ito. Ni hindi sila makapagsinungaling ng maayos. Bigla na lang mga sasabi ng triliones sa simula pa lang. Anong akala nila? Sila mayari ng bangko? Hindi manlang nila naisip na magsaliksik muna bago mang iscam ng iba. Pati ako na mahirap sinsubukan nilang iscam... Nakalimutan ko din ang tawag ng nagfocus ako sa paghihintay sa babaeng pinapangarap ko. Sa wakas at gabi na. May isang magandang pigura ng babae ang nagpakita sa aking harap. "Lina. I... I..." Tinignan ko ang kanyang kabighabighaning mukha at biglang kinabahan. Nautal ako ng ilang sandali at hindi ako makapagsalita. Sa huli, dikit ipin akong lumuhod bigla sa lupa. "Gusto kita. Please pumayag ka na maging girlfriend ko! Ito ang bagong iPhone 13 na binili ko para lamang sa iyo." Kabado akong yumuko matapos ko sambitin ang mga salitang iyon. Hindi ko sinubukan titigan siya sa mga mata. Ngunit, tila maraming ilaw ang nakapaligid sa akin at biglaang lumiwanag ang paligid. Sa mga sandaling ito rin ay nakita ko ang tunay na ekspresyon ng kanying mukha... Hindi ito ang mahiyain at mapagbirong na iniisip ko. Ang mukhang ito ay puno ng pangungutya at panunuya. Nakaramdam ako ng matinding balisa dahil sa biglaang pagbabago ng sitwasyon. Sa mga oras na ito, sa likod ng mga nakakabulag na ilaw ay nakarinig ako ng mga sipol at panunuya. "P*ta, p*ta, yung baliw umamin talaga ng nararamdaman niya para kay Lina. T*ng *na. Natalo allowance ko ng pang isang buwan!" "Hahaha, nanalo si Logan! Congrats Logan! Mabuhay si Lina!" Tinakpan ko ang mga mata ko na nasisilaw sa liwanag. Sa oras na ito ay napagtanto ko na hindi ko napansin na mga magagarang kotse pala ang mga nakapalibot sa akin. At para sa mga taong nasa tabi ng mga magagarang kotse na nakapalibot sa akin, sila ang mga ikalawang henerasyog mga tapagmana ng kanilang mga pamilya na nakatira sa malapit. Bigla akong nakaramdam ng matinding takot ng marinig ko ang mga pinaguusapan nila. Lumapit ako kay lina ng may bahid ng takot."Lina Holden, anong nangyayari?" "Tumahimik ka! Lumayo ka sa akin hampaslupa!" Lumayo si Lina sa akin habang nakasimangot at nagpapaypay ng mukha na tila ako'y nagamoy basura. Panandalian akong natigil. Hindi ko matanggap na ang maganda at mabait na si Lina Holden ay kayang magpakita ng ganitong ekspresyon. "Hoho, hindi mo ba maintindihan baliw? Ako ang campus belle. Paano ako magiging interesado sa basurang kagaya mo? Isa ka lang laruan na pinagkakatuwaan at pinagpupustahan." Mapanglait akong tinignan ni Lina, may bahid ng panunuya sa kanyang mukha. "Si Young Master Logan na kasintahan ko, nakipagpustahan kay Young Master Zane. Pumusta sila kung aamin ka ng pag-ibig sa loob ng isang linggo. Isa ka lang instrumento ng kasiyahan. Kung hindi dahil sa pustahang ito, imposible na magkaroon ka ng pagkakataon na makausap ako sa buong buhay mo." Pagkatapos niya akong kausapin, mapangakit niyang niyakap si Terry Logan sa braso habang mahiyain niyang sinambit, "Terry, nabigyan kita ng magandang panalo, hindi ba?" "Napakaganda, napakagandang pagkapanalo. Isasama kita para mag shopping spree mamaya. Nararapat lang na bigyan kita ng premyo!" Napaungol si Lina matapos siya hatakin papalapit at lamasin ang kaniyang mga s**o. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Si Lina Holden, na laging nagbibigay ng dating na babaeng mayabang at arogante. Na hindi kailanman papayag na bastusin o yurakan ang kanyang pagkatao. Ngayon ay nakalupot kay Terry na parang pokpok. Biglang naguho ang mundo ko. Lagi kong iniisip na basta mabait ako, masikap sa trabaho, makukuha ko ang puso ng babaeng pinapangarap ko. Pero ngayon, natauhan na ako. Galing kami sa magkabilang mundo. Ang isang hampaslupang kagaya ko ay kadalasang nagiging laruan nila. Nagalit ako sa pagkakapahiya sa akin. Ng biglang sinampal ako ng isang balumbon ng pera. "Hoy pare, ang galing mo. Heto ang premyo mo." Tumingala ako habang nanginginig sa galit. Itong mga basurang to, kung tratuhin ako ay hindi na parang tao! Nang napansin ni Lina na hindi ako gumagalaw, tinulak niya ako."Anong tinutulala mo diyan? Dapat mong pasalamatan si Terry!" Nanginginig ako sa galit pero sa puntong iyon, may napagtanto akong kalunos lunos. Natukso ako sa pera... Simula't sapul ay mahirap ako kaya alam ko ang isang balumbong ng pera na iyon ay sapat na para mairaos ako ng isang taon. Ngunit nanaig ang pagmamalaki ko kaysa sa kagusutuhan kong kunin ang pera. Sinipa ko papalayo ang pera at dinuro ko sila. "Kayong mga tao ang tunay na basura. Balang araw, sisiguraduhin kong pagsisisihan niyo ang mga pinaggagagawa ninyo ngayon." At matapos ang eksenang ito, tumakbo ako papalayo sa maliit na kagubatan ng hindi lumilingon habang naririnig ko ang mga tawanan at panunuya nila. Matapos kong mawala sa paningin nila, umupo ako sa gitna ng kapunuan,gulong gulo ang isip. Hindi ko na alam kung papaano babalik sa normal kong buhay. Sa puntong ito, biglang may abiso na dumating sa phone ko. "Naideposit na ang USD 5,000,000.00 sa iyong bank account na nagtatapos sa mga numerong 2567. Ang laman ng iyong account ay USD 5,000,017.00." Natanga ako sa nabasa ko. P*tang *na, nababaliw na ba ako sa galit? Umiling iling ako at binasa muli ang abiso pero hindi ito nagbago. Wala ako sa aking sarili dahil sa mga naganap. Bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa scammer kaninang hapon. Sa pagkakataong ito, sinagot ko ang tawag. "Mr. Freddie Lang, naniniwala ka na ba na hindi ako scammer?" Kapareho ng boses na narinig ko kaninang hapon. "Ikaw ba nag nagdeposit ng pera sa account ko?" "Tama, dineposit ko nga. Kung hindi ka naniniwala, maaari naman ako magtransfer ulit ng isa pang limang milyon sayo!" "Hindi na kailangan." Chineck ko ang bank account ko at sinigurado kong tama ang natanggap ko ng halaga habang nasa tawag. Natuklasan ko na mayroon na may lamang limang milyon na nga ang account ko. Walang scammer na magtatransfer ng ganitong kalaking halaga kung kaya't naniwala na ako sa kanya. Tinanong ko siya, "Anong ba talaga itong pamana na tinutukoy mo? Mayroon ba talagang pamana na nagaantay sa akin?" "Ganito na lang gawin natin? Pumunta ka sa ika-walong palapag ng Stamen Bank bukas ng alas diyes ng umaga. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat sa puntong iyon." "Sige." ... Dumating ako sa bangko ng nine-thirty ng umaga. Isang high-end na bangko ang Stamen Bank kung saan ang mga kliente nito ay mga miyembro ng mataas na lipunan. Usap-usapan nga na ang minimum na laman dapat ng savings account ay hindi babababa ng sampung milyon. Kung kaya't lahat ng mga customer na palakad lakad sa paligid ay mga nagtagumpay sa buhay. Nakatayo ako sa isang tabi, mukhang pulubi dahil sa punit punit kong pananamit. Nagmukha akong out-of-place sa magara nilang lobby. At tulad ng inakala ko, nang pumasok ako sa loob, may isang magandang babae na nakaunipormeng itim ang pumigil sa akin. "I'm sorry pero hindi kami nagpapapasok ng basta basta at ng kung sino sino dito." Nahiya ako pero ipinaliwanag ko na, "Naparito ako para sa trabaho". Naisip ko na ang pag claim ng pamana sa akin ay maituturing trabaho. "I'm sorry pero ang bangko namin ay may VIP na bibisita ngayong 10 ng umaga. Lahat ng trabaho namin ay ipinatigil para sa paghahanda ng pagdating nila. Maari ka ng lumabas. "VIP? Ng ten?" Nagulat ako sa narinig ko. Napangiti ako naisip ko na, "Ako yata ang tinutukoy mo na VIP." "Ikaw?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ng may paghamak."Sir, hindi po ito magandang biro. Please, wag ninyo po istorbohin ang aming trabaho." At matapos nito ay tumalikod na siya at hindi na ako binigyan ng pansin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO'S Naughty Daughter

read
55.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook