Kabanata 32 – Makapagpakasal Nga

1578 Words

Bukas na ang araw na magpapakasal ako kay superstar Layla Owens. Hindi ako halos makatulog sa tuwa pero ang isa pang dahilan dito, naninibago pa ako sa bagong bahay. Nagising ako ng alas siyete ng umaga. Kinailangan ko magjogging paikot sa bagong distrito para mabawasan ang kaba at tuwang nararamdaman ko. Pero hindi pa din ito nabawasan. Matapos ko magjogging, umuwi na ako para maligo. Tumawag ng alas diyes si Layla. “Labas ka na. Nasa entrance ako ng distritong tinutuluyan mo. Huwag mong kalimutan na magsumbrero at magsalamin bago ka lumabas ng bahay.” Wala akong masabi halos sa utos ni Layla, “Ikaw ang superstar, hindi ako. Bakit kailangan ko magbalatkayo?” “Kung may plano ka pa na pakasalan ako, sundin mo na lang ang utos ko. Nakasakay ako sa itim na Mercedez Benz na nakapark sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD