Kabanata 123 – Talumpati

1663 Words

Kasama ko sina Chris at Andy pabalik sa meeting room ng hotel. Bago kami pumasok sa kuwarto, may naisip ako bigla. Sinabi ko sa kanilang dalawa, “Mamaya na siguro kayo pumasok. May importante akong aasikasuhin at kailangan ko ang tulong ninyo. Bantayan ninyo ang pintong ito para sa akin at huwag ninyong hahayaan na may makatakas.” “Magiging okay ka lang ba kung magisa ka, Freddie?” nagaalalang tanong ni Chris. “Hindi naman ako makikipaglaban. Huwag kayong magalala sa akin.” “Sige. Babantayan ko ang pinto at sisiguraduhin na walang makakaalis.” Taos pusong sagot ni Chris. “Okay, aalis na ako!” Matapos ko bigyan ng utos sina Chris at Andy, binuksan ko ang pinto at pumasok sa meeting room. Nagbubulungan ang lahat pagpasok ko dito. Pakiramdam ko hindi sila mapakali at nagaalala. Ang ten

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD