Kabanata 2 – Ako Ang Tagapagmanang si Freddie Lang

1726 Words
May halong pagkabalisa ang kagustuhan kong alamin ang tungkol sa pamana. Hindi ako susuko dahil lang sa mga sinabi niya. Tumakbo ako papuntang elevator habang hindi siya nakatingin. “Tigil! Ano bang problema mo?!” Tila napansin ng magandang babae na nakauniporme ang aking plano at hinabol niya ako sa kabila ng naka high heels siya. Tumawag siya ng security habang hinahabol ako. “Security, security, pigilan siya dali! Kapag nakabangga niya ang VIP sa kanilang pagdating, lahat tayo malilintikan.” Subalit, nakasakay na ako ng elevator bago pa man nila ako mahabol. Pinindot ko agad ang button patungong eight floor. … Sa pagdating ko sa eight floor, napansin ko na isa lang ang opisina dito. Sa puntong iyon, may isang nakatatandang lalaki ang yumuko at bumati sa harap ko, “Nakarating ka din, Young Master Lang.” “Ikaw ba ang tumawag sa akin sa phone?” Wari ko habang dahan dahan ko siyang inoobserbahan. Pambihira ang itsura niya sa gray suit. Isang tingin ko lang at masaasbi ko na matagal na siya sa mataas at makapangyarihan na posisyon. “Tama, ako iyon. Hayaan mo akong magpakilala. Ako si Vincent Quinn, at ako ang punong tagapamahala ng Stamen Group. Maliban doon, ang pinakaimportanteng trabaho ko sa kasalukuyan ay ang maging personal butler mo.” wika niya habang nakangiti. “Ang pamanang nabanggit mo kahapon… Ano ba talaga ang nangyayare?” “Pahintulutan mo akong ipaliwanag. Naaalala mo ba si Tandang Logan? Tinulungan mo tatlong taon na ang nakalilipas? Inalagaan mo siya ng isang buong buwan.” “Matandang nagngangalang Logan?” Sinubukan kong alalahanin ang taong ito. Mahilig akong lumangoy kung kayat madami na rin akong nailigtas mula sa pagkalunod. Mayroon akong nasagip na matandang nagngangalang Logan at inalagaan ko din ng matagal. “Oo, naaalala ko na. Ano naman ang kinalaman niya dito?” “Nakaraang linggo, pumanaw na si Tandang Logan mula sa sakit. Naisulat niya sa kanyang huling habilin bago siya mamatay na ipamana sayo ang lahat ng kanyang ari-arian sapagkat wala siyang mga anak.” “Ano?!” Nawala ako sa sarili ko. Hindi ko napigilang itanong, “Magkano ba talaga ang lahat?” “Sa kasalukuyan, mayroong 127 na kompanya ang under ng Stamen Group. Napapabilang sa 13 na nakalista dito ay Stamen International Bank, Stamen Trust, Stamen Real Estate at marami pang iba. Ang suma total nilang halaga ay umaabot ng bilyun-bilyon. Maliban doon, marami ding ari-ariang lupain, mga painting, mga antigo, mamahaling bato at iba pa. Oo nga pala, may vault sa baba na may ilang mamahaling mga bato at pera. Iilan lang ang nandoon, mga ilang bilyon lamang. Nakadeposit ito doon para lang sa pang araw araw na gastusin.” “Ilang bilyon lang? Sobra naman ata ito at allowance ko lang ito?” Nanginig ang boses ko matapos ko itong marinig. “Sigurado ka na lahat ng ito ay dapat kong manahin?” “Oo naman. Kung hindi ka naniniwala, maaari mo nang pirmahan ang mga dokumento.” Nagpakita ng kontrata si Vincent matapos niya itong banggitin. Nanginginig kong kinuha ang kontrata. “May mga kundisyon ba na nakatali sa pagtanggap ko ng mana?” “Wala. Sa puntong pirmahan mo ito, sa iyo na agad ang lahat. Pero kung gusto mo na kumuha ng pera, kailangan namin ang iyong fingerprint at iris.” “Puwede ko bang tignan ang vault ngayon?” Masyado akong nasabik noong naimagine ko na may isang vault na punong puno ng salapi at sa akin iyon lahat. “Oo naman. Pero kailangan ko muna sabihin sa iyo na may mga nakaiskedyul na proseso. Sandali lamang.” Yumuko si Vincent at umalis. Matapos siyang umalis, yumuko ako para basahin ang kontrata. Pagkaraan ng ilang sandali, biglang bumukas ang pintuan ng elevator patungong eight floor. Ang babaeng nakauniporme na nagbigay ng problema sa akin ay pumasok kasama ang madaming security guards. Dali dali siyang sumigaw.” Siya iyon! Siya ang gumagawa ng gulo. Dakpin siya agad! Hindi niya puwedeng makabangga ang VIP natin ngayon.” Bago ako makaiwas, ilan sa mga security guard ang dumagan sa akin. “Anong ginagawa ninyo?! Bitiwan ninyo ako!” Pakiramdam ko kanina ako na ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo, ngayon, nasa sahig ako habang dinadaganan ng mga security guard. Nakaramdam ako ng galit sa kahihiyang ito. “Anong ginagagwa namin? Ikaw itong naghahanap ng gulo!” Buntong hiningang sinabi ng magandang babae. “Hindi ako naghahanap ng gulo, naparito ako dahil sa trabaho. Ako ang VIP na inaantay ninyo.” “Ikaw? Iyong VIP? Tumawa siya sa mga sinabi ko. “Tumingin ka muna sa harap ng salamin at tignan ang punit punit mong damit. Paano ka magiging VIP?” “…” Bukambibig sana akong aangal pero napansin ko ang anggulong kinahihigaan ko at kitang kita ko ang nasa ilalim ng kanyang palda. Mukhang matino at maayos itong magandang babae pero nakasuot siya ng nakakabighaning purple lacy na panty. Inisip ko kung sino ang balak niyang akitin. “Saan ka nakatingin? Bastos!” Napansin niya kung saan ako nakatingin at dali dali niya akong pinagpapalo at pinagsisisipa. Napansin ng security guard sa tabi niya na hindi na dapat ito patagalin pa at sinubukan siyang pigilan. “Miss Lowry, sumosobra na ata tayo? Paano kung siya talaga ang VIP?” “Bulag ka ba? Tignan mo nga siya. Paano siyang magiging kliente? Wag mong kalimutan na ilang beses tayo pinaalalahanan ng boss natin na napakaimportante ng ating bisita. Kailangan natin iwelcome siya ng maayos at walang problema. Kaya ninyo bang panagutan kapag naistorbo niya ang VIP?” Nanahimik ang mga security guard sa nasambit niya. At saktong sakto, may boses kaming narinig. “Anong ginagawan ninyo?” Nabosesan ko siya. Boses ito ni Vincent. Ang magandang babaeng nakauniporme at dali daling umatras para magpakitang gilas. “Mr. Quinn, kakahuli lang namin sa isang naghahanap ng gulo at ipapatapon na namin siya sa labas. Huwag po kayong magalala! Habang nandito ako, si Lindy Lowry, hindi ko pahihintulutang gumawa siya ng gulo o istorbohin ang ating VIP.” “Naghahanap ng gulo?” Tumingin sa akin si Vincent matapos niya itong marinig. Mula sa kaibuturang pagkabigla ang naramdaman ni Vincent matapos niya akong makita. “Mr. Chairman, okay ka lang ba?” Dali dali niya akong nilapitan. “Halika, tumayo ka.” “Mr. C-chairman?” Tila tinamaan ng kidlat sa gulat si Lindy Lowry matapos niya itong marinig. “Mr. Quinn, anong itinawag mo sa kanya?” “Siya ang bagong chairman ng Stamen Group. Ano sa tingin mo ang itinawag ko sa kanya?” Pagalit na sinambit ni Vincent. “Siya talaga ang VIP?” Nanigas si Lindy. Nagblangko ang isip niya ng ilang segundo bago siya napaupo. “Mr. Chairman, humihingi ako ng dispensa para sa naganap ngayon lamang. Huwag niyo sana akong sisihin. Patawad.” “Mr. Chairman, paano natin ito aayusin? Tanggalin na ba natin siya?” Tanong ni Vincent habang nakatingin sa akin. Lalong natakot si Lindy ng marinig niyang matatanggal na siya sa trabaho. Dali dali siyang lumuhod at gumapang papalapit sa akin, yumakap sa aking binti at nagmakaawa. “Mr. Chairman, naagmamakaawa ako, huwag ninyo akong tanggalin sa trabaho. Gagawin ko ang lahat. Kahit ano. Wag ninyo lang akong tanggalin sa trabaho.” Pagkasambit niya ng mga salitang iyon, ipinakita niya sa akin ang kaniyang cleavage para subukin akong akitin. Bahagya akong yumuko para tignan siya. Kitang kita ko ang lalim ng cleavage niya mula sa kinatatayuan ko. Kung tutuusin, magandang babae si Lindy Lowry. Malaman ang mga s**o, matambok ang puwet at mahalimuyak ang alindog ng pagiging mature na babae. Isang bagay na hindi maikukumpara sa mga mas batang babae sa paaralan. Subalit, sa puntong ito, kasuklamsuklam ang naramdaman ko para sa kanya dahil sa bilis magbago ng ugali niya mula sa pagiging arogante papunta sa pagmamakaawa. Tinignan ko siya mula sa mataas kong posisyon at pangisi ngising sinabi, ”Gagawin mo ang lahat?” “Oo, lahat. Handa akong gawin ang lahat. Magaling ako sa kama.” Wika niya. Itinapon na niya ang kanyang pride umayon lang sa kaniya ang sitwasyon. Marahil ay sa tingin niya. Kapag naikama niya ako, magiging pabor na ang sitwasyon sa kaniya. Giginhawa na ang buhay niya at gaganda ang kaniyang kinabukasan sa Stamen Bank. “Sige, hindi ka matatanggal sa trabaho. Pero ikaw na ang mamumuno sa paglinis ng mga kubeta mula ngayon.” Nakangiti kong pagbigkas. “Ano?!” Napatigil si Lindy. Hindi ko na siya binigyan pa ng pansin at tumingin kay Vincent. “Tito Vincent, tapos na ba tayo sa mga proseso? Maaari ko na bang tignan ang vault ngayon?” “Sundan mo ako, Mr. Chairman.” Matapos siya magsalita ay hindi na rin niya binigyan pa ng pansin si Lindy na nakaluhod sa sahig at tila wala na sa sarili. Sinundan ko si Vincent at ginamit namin ang personal na elevator ng presidente ng kumpanya at bumaba kami patungo sa ground floor at lumampas dito ng dalawang palapag. Matapos mapatunayan ang finger prints at irises ko ng limang beses, ilang mga makakapal na bakal na pinto ang nagbukas. Matapos ang ika-anim na patunay, isang vault na sinlaki ng soccer filed ang nagpakita sa akin. “Mr. Chairman, ito ang iyong personal na vault. Halika’t libutin natin habang ipinapakita ko sayo ang mga laman nito.” “Sa kaliwang bahagi, ay mga nakareserbang ginto. Bawat isang piraso ng ginto ay may timbang na 250g. Ang kabuuan ng na nakareserba dito ay 10 tonelada. Sa iyong kanan ay mga mamahalin at magagarang mga relo, hindi ko alam kung anong brand ang mas gusto mo kung kaya’t inihanda ko ang iba’t ibang brand galing sa iba’t ibang panig ng mundo. Suma total, mayroon dito na 2000 piraso ng relo. “Maliban doon, sa harap mo ay ang iyong reserbang pera. Sa kanan nito ay local currencies at sa kaliwa naman at foreign currencies. Karamihan dito ay galing sa mainstream currencies tulad ng British Pounds at Euros. May mga reserbang pera din galing sa mga maliliit na bansa. Ang suma total nilang halaga ay mga nasa…” Tahimik ako at di makapag salita habang nakikinig ako sa pagpapaliwanag ni Vincent. Alam ko na madami ang laman nitong pera at kanina ko pa inihahanda ang aking sarili bago pa man pumasok dito. Subalit, Lubha akong nabigla sa maluwalhating tanawin sa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD