Kabanata 3 – Singyaman ng Isang Bansa

1756 Words
Singlaki ng isang soccer field ang vault at laman nito ay gabundok na bulto ng pera. Kung titignan sa malayo ay mukha itong silid aklatan. Lahat ng kagamitan at salapi ay masinop na nakaayos at nakapalibot. Sa ganitong pagkakataon ko naintindihan kung anong ibig sabihin ng maging singyaman ng isang bansa. Napalunok ako at sabay tanong kay Vincent, “Tito Quinn, puwede ko ba talaga gamitin ang lahat ng ito anong oras ko man gustuhin?” “Oo. Kahit magkano pa ang kunin mo, kahit anong oras basta pirmahan mo lamang ang kontrata. Hindi mo na kailangan dumaan sa iba’t ibang mga proseso. Sapat na ang iyong mukha bilang matibay na patunay.” At pagkatapos nito ay iniabot niya muli sa akin ang kontrata. Hindi na ako nagdalawang isip pa matapos masaksihan ang lahat ng yaman sa loob ng vault. Pinirmahan ko na gamit ang aking pangalan sa may tuldok na linya. Matapos ko pirmahan ang kontrata, nagsabi ako kay Vincent, “Tito Quinn, tulungan mo ako kumuha ng isang milyon dolyar na cash para madala ko sa pagalis.” “Masusunod. Sandali lamang.” … Napatigil ako matapos ko lumabas sa vault. Blangko ang aking isip habang tinitignan ko ang paligid. Hindi ko alam kung anong oras na at kung nasaan ako. Ng makita ni Vincent na kakaiba ang kinikilos ko, sinubukan niya akong pakalmahin. “Young Master, okay lang yan. Sa harap ng ganito kalaking salapi ay nagawa mong maging kalmado sa buong proseso. Kung ako ang magmamana ng lahat ng ito’y, marahil hinimatay na ako sa tuwa.” Alam kong sinusubukan niya akong pakalmahin, ngumiti ako sa kanya. “Okay lang ako, Tito Quinn. Kaya kong ayusin ang nararamdaman ko. Matanong ko lang, hindi ba dapat marami akong dapat gawin matapos pirmahan ang kontrata?” “Tama, marami nga, pero hindi mo na kailangan magmadali sapagkat napirmahan mo naman na ang kontrata. Dapat ka na muna umuwi para magpahinga. Tatawagan na lang kita para sa iba pang mga detalye. “Sige. Uuwi na ako.” … Pakiramdam ko isang buong buhay ko na ang lumipas matapos ako magpaalam kay Tito Quinn. Kinurot ko ang hita ko para lang masigurado na hindi ako nananaginip. “Limpak limpak na salapi. Ni hindi ko alam kung paano ito gagastusin lahat…” bigla ko naramdaman ang bigat ng isang milyon sa bag ko. Tila unang beses ko naranasan sa buong buhay ko ang maisip na nagpapasalamat ako at nabiyayaan ako ng problema. Sa dinami dami ng maaari kong gawin, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nakaugalian ko na kuhanin ang phone ko at tignan kung may mga missed calls or mga mensaheng hindi ko pa nababasa. May isang mensahe na galing sa aking kamagaral at matalik na kaibigan, si Chris Waller. “Freddie, nasaan ka na ba? Ngayong tanghali ang unang klase natin. Wala ka naman sigurong plano na bumagsak hindi ba? “Okay. Papunta na ako.” Isinilid ko ang pera sa pamasok kong bag at tumawag ng taxi para madali akong makabalik sa paaralan. Kahit na wala ng silbi ang pumasok o di kaya’y kumuha ng graduation certificate, naantig ang puso ko sa ipinakitang malasakit ng aking kaibigan. Naalala ko ang mga panahong tinulungan niya ako noong ako’y walang wala. Mukhang makakaganti na ako sa kabutihan ng kaibigan ko bilang unang gastos ko sa pagiging mayaman. Habang iniisip ko ito, paganda ng paganda ang mood ko. Natapos na ang kalahati ng klase matapos ko makarating. “Humihingi po ng pahintulot pumasok.” Tumayo ako sa harap ng pinto at humingi ng pahintulot pumasok. Tila hindi ako narinig ng aming guro. Hindi niya ako binigyan pansin at hinayaan sa pinto. Hindi naman ako nagmamadali kung kaya’t ginamit ko ang pagkakataong ito na pagmasdan kung gaano kaakit akit ang pigura ng aming guro. Patuloy niya akong pinapaalalahanan at pinagsasabihan. Subalit, pasok sa kabilang tenga labas sa kabilang tenga ang naganap. Amoy na amoy ko ang halimuyak niya. Dati rati ay kadalasan akong yumuyuko sa tuwing ako’y mag pagkakamali at ako’y nanliliit. Pero ngayon, ako na ang tagapagmana ng Stamen Group, nakaramdam na ako ng pride at pagmamalaki. Nagkaroon na ako ngayon ng tapang na titigan mata sa mata ang aming guro habang ako’y pinagsasabihan at pinapaalalahanan. “Tama na ito ha. Huwag mo na itong uulitin muli.” Hindi napansin ni Cherry na nagbago na ako. Pinabalik niya ako sa klase matapos niya akong pagsabihan. Sa puntong nakaupo na ako, nilapitan ako ng isang ikalawang henerasyon na tagapagmana, si Howard Lincoln at nagpakita ng kasuklamsuklam na ngiti. “Freddie Lang, mag get-together dinner kaya tayo mamayang gabi?” “Get-together?” Nakaupo si Chris sa tabi ko at narinig ang usapan namin. Gusto na niya tumanggi para sa akin pero pinigilan ko siya. Alam ni Howard Lincoln na wala akong pera, pero inimbita pa din niya ako sa get-together dinner. Halatang may binabalak siyang masama. “Sino-sino ang mga iimbitahan natin sa dinner?” “Siyempre mga nagagandahang mga babae. Magsasama iyong mga lalake sa klase naten at mga babae doon sa music major class. Music major? Naintindihan ko na ang binabalak niya matapos ko itong marinig. Ang dati kong kasintahan, si Lina Holden, na nagpahiya sa akin, ay kabilang sa music major class, na ngayon ay pinaplano ni Howard na imbitahin. Halatang halata ang kanyang binabalak. Gusto niya ako sumama sa get-together dinner para paglaruan muli nila at maging sentro ng kahihiyan. Pero, lingid sa kanyang kaalaman, hindi magtatagumpay ang kanyang plano. Ako nga naman ay bilyonaryo na ngayon. Napagisip isip ko, at pangiting sinabi. “Sasama ako, pero may 2 akong kundisyon.” “Kami ang magbabayad ng dinner at gusto mo ikaw ang magbibigay ng kundisyon?” kontra ng isa sa mga alalay ni Howard, si Larry Zane, na hindi natuwa sa kanyang narinig. “Okay lang yan. Pakinggan natin kung anong mga kundisyon niya.” Sagot ni Howard at kitang hindi siya natinag sa winika ko matapos niya iwalang bahala ang sinabi ni Larry. “Mayroon akong dalawang kundisyon. Una sa lahat, ako ang magbabayad ng para sa get-together dinner tonight.” Sabi ko habang nakangiti. “Ikaw ang magbabayad?!” Lahat ng nakarinig ay nanigas at nagulat sa aking mungkahi. Alam nga naman nilang lahat na kuripot ako. Kailanman hindi nila narinig na nanglibre ako o sumama sa kanilang mga aktibidades. Paanong hindi sila magugulat matapos ko sabihin na gusto ko na ako ang magbayad para sa dinner? “Freddie, nababaliw ka na ba or nakajackpot ka kung saan?” aniya ni Howard habang napapaisip siya. “Hindi na mahalaga iyon. Ang kailangan mo lamang sabihin ay kung payag ka ba sa unang kundisyon ko.” “Anong dahilan para hindi ako pumayag? Ano naman ang ikalawang kundisyon mo?” “Ang ikalawang kundisyon ko ay cash mong ibibigay bilang regalo para sa lahat ng dadalo sa dinner ay singhalaga ng kung magkano man ang magagastos ko ngayong gabi.” “Cash gift?” Nagulat si Howard pero tumango at tinanggap pa din niya ang kundisyong ito. “Walang problema sa akin, pero mayroon ka ba talagang sapat na pera para bayaran ang dinner?” “Problema ko na iyon, wag mo nang isipin pa.” “Paano kung hindi mo kayang bayaran? Ganito na lang… kung hindi mo kayang bayaran, maghuhubad ka sa harap ng maraming tao. Payag ka ba?” Winika ni Harold habang lihim na nakangiti. Base sa itsura niya ay nakasisigurado siyang hindi ko makakayang magbayad at inaantay niya lamang akong mapahiya ngayong gabi. “Okay. Walang problema.” Pumayag agad ako. “Paano naman kung ikaw ang hindi kayang magbayad?” “Edi ako ang maghuhubad sa harap ng madaming tao!” Kumpiyansa si Howard na sumagot. Lingid sa kaalaman niya ay siya ang nahulog sa aking patibong. “Okay. Deal.” Ngumiti ako at tinignan si Howard ng may kinang sa aking ngiti. Hindi ako makapaghintay para sa dinner mamaya. … Dumating kami ni Chris sa restaurant na nagngangalang Sicily, na matatagpuan sa labas ng aming paaralan , alas siyete ng gabi. Ito ang pinakamagara at pinakamahal na restaurant na malapit sa paaralan at kilala sila sa aming mga kaibigan. Balibalita nga ay malalaki ang sahod ng mga chef nila sa ibang bansa. At lahat lahat ng kinuha ay galing sa mga Michelin-star na restaurant. Katangi tangi ang mga pagkain na niluluto nila at high class. Ang restaurant na ito ay paboritong pag ganapan ng mga salu-salo at party ng mga mayayaman na nakatira malapit. Hindi ko lubos akalain sa buong buhay ko na makakakain ako dito ngayon, higit pa na ililibre ko ang buong klase ko. Isa isang nagdatingan ang aming mga kaklase at sabay sabay kami pumasok. Sandali pa lamang kami naglalakad at ang isa sa mga lalaki kong kaklase ay agad na nabighani sa maganda babae sa reception. “Wow, hindi ba’t napaka suwerte natin makatagpo ng napakagandang babae sa lugar na ito?” “Napakaganda nga niya. Mamamatay akong masaya maikama ko lang siya.” Lumingon ako para tignan kung sino ang pinagbubulungan nila. Tunay nga na maganda ang babae sa reception. Nakasuot siya ng maikling jean shorts at black t-shirt. Casual ang dating ng kombinasyon ng damit niya pero sapat nitong naihighlight ang mga kurba ng katawan niya. Ang nakalantad niyang mga binti ay tamang tama lang ang pagkabilugan, payat at tunay na nakakatukso. Subalit, yumuko agad ako matapos ko siyang makita. Sapagkat kilala ko ang babaeng ito. Ito ang babaeng nagmakaawa sa akin para ikama siya kaninang umaga sa bagko, si Linda Lowry. Napansin ng mga kaklase ko na nakayuko ako at dali dali nila akong kinutsa. “Tignan mo si Freddie. Ni hindi niya man lang matignan ung babae.” “Hoho, ang isang walang kwentang kagaya niya ay walang karapatan tumingin sa isang napakagandang babae.” Kumento ng isa sa aming mga kaklase. Natawa ako ng patago sa aking puso matapos nila ako kutyain. Ni hindi ko siya matignan man lang? Hindi ko lang gusto ipakilala kung sino na ako ngayon. Ang isang kalapating mababa ang lipad na tulad niya? Kung gusto ko siya ikama, kailangan ko lamang tawagin siya gamit ang isang daliri at ihahanda na niya agad ang puwet niya sa akin. Wala ng foreplay foreplay pa. Anong ginagawa niya dito? Nagkataon lang ba na kakain din siya ng dinner dito? Naging palaisipan ito sa akin. Hindi ko mawari kung bakit siya naparito, pero, hindi ko na lamang ito inisip masyado. Kasi nga naman, wala ng dating pa ang babaeng katulad niya sa aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD