Kabanata 4 – Nagkita Kami Muli Ni Linda Lowry

1735 Words
Pumasok na kami sa suite habang patuloy nila akong nililibak. Hindi nagtagal at nagdatingan ang mga naggagandahang mga babae galing sa music major class. Pito silang magaganda at sexy. Tunay na kaakit akit. Nabigo ako at hindi kabilang sa kanila si Linda Holden. Pero hindi na rin masama. Ang kasama sa kuwarto na si Lacey Yates, ay kabilang sa kanilang grupo. Kasama siya noong mga panahong “umamin ako ng pag-ibig” kay Lina. At isa siya sa mga tumawa ng malakas sa pagkakapahiya sa akin. Hindi man ako makapag higanti kay Linda, okay na rin ito. Maaari ko naman simulan ang paghihiganti ko kay Lacey. Napansin ako ni Lacey matapos niya umupo at natuwa siya. “Howard, mukha nga at nakumbinsi mo si Freddie Lang na dumalo sa dinner.” “Oo naman. Paano kong maaatim na hindi tuparin ang kahilingan ng pinapangarap kong babae?” Sagot agad ni Howard. Halata na nagpapakitang gilas siya kay Lacey. “Siya nga pala, bakit nga ba gustong gusto mo na imbitahan si Freddie na dumalo? Ano ba ang meron sa kanya?” Tanong ni Howard habang napapaisip ng dahilan. “Hindi mo ba alam? Umamin siya ng pag-ibig niya kay Linda kahapon at dahil doon, nawalan ng tatlong milyon si Master Zane.” Ikinuwento ni Lacey kay Howard ang naganap ng nakaraang araw na tila isa lamang itong biro. Natigil ang lahat matapos nila marinig ang kuwento. Kasunod nito ay biglaang pagtawa nila. “Isang walang kwentang lalaki ang umamin ng pag-ibig kay Lina? Nag nanasa siya sa taong hindi kailanman mapapasakanya.” “Oo nga, sobrang nakakatawa. Wala siyang pagasa kay Lina.” “Ito na ata ang pinaka nakakatuwang biro na narinig ko sa mga nakalipas na buwan!” Lahat sila ay sobrang tuwang tuwa na umabot pa sa punto na naluluha na sila kakatawa. Kahit ang matalik kong kaibigan na si Chris, nababalisa na para sa kahihiyan ko. Yumuko na lang siya ang hindi umimik. Naupo ako at nanatiling kalmado. Kinuha ko ang phone ko at naglaro na lamang habang kalmado at hindi natitinag sa mga pinaguusapan nila. Matagal na nanatili ang tawanan nila bago kumaway si Howard. “Tama na yan. Paano na lang kung umalis siya sa galit? Sino na lang ang magbabayad ng dinner natin?” “Ano? Siya ang magbabayad ng dinner?” Natulala si Lacey sa sinabi ni Howard. “Hindi naman siguro tig-i tig-isang pakete ng ramen lang ang bibilhin niya para sa atin?” “Anong malay ko? Basta ang alam ko, siya ang magbabayad ng dinner natin, at kung hindi niya kaya magbayad, nangako siyang magiistriptease siya sa harap ng lahat para sa kasiyahan natin.” “Ano pa ang inaantay natin? Halina’t para masimulan na niya ang paghuhubad niya! Hindi pa ako nakakakita ng lalaking nagstriptease,” patawang sinabi ni Lacey. Hindi ko binigyan pansin ang panghahamak ni Lacey at tinawag ko na ang waiter para umorder. “Ano pong maipaglilingkod ko?” Tanong ng waiter matapos yumuko. “Gusto kong umorder ng....”, pasigaw kong sinabi. Tumahimik silang lahat matapos nila marininig na oorder na ako. Lahat sila ay nakatingin at tila hindi humihinga sa pagaantay. “Anong mga pinakamurang pagkain dito?” tanong ko sa waiter. “Ang mga pinakamurang pagkain ay…” Sinabi ng waiter ang 5 sa pinaka murang pagkain. Hindi na masaya ang lahat ng nakikinig sa akin sa puntong ito. “Freddie, kung hindi mo kaya bayaran ang dinner, hindi mo na kailangan gawin ito. Madami kami dito, sa tingin mo makukuntento kami sa kakaunting pagkain lamang?” “Oo nga. Bakit hindi na lang tig-i tig-isang pakete ng ramen ang bilin mo para samin?” Patuloy sila sa pagiging sarcastic. Hindi ako nagpaapekto at tumuloy sa pag-order,”Nailista mo na ba ang lahat ng order ko?” “Opo. Nailista ko na. Ito lang po ba ang inyong oorderin?” Tanong ng waiter. “Hindi. Gusto kong orderin lahat ng maroon kayo maliban sa limang iyon!” “What!?” Natulala ang waiter. Akala niya ay mali siya ng narinig at tila unang beses itong naganap sa tagal na niya sa serbisyong ito. “Sir, daan daan po ang pagkain namin dito,” mabait na paalala sa akin ng waiter. “Oo, tama ang narinig mo. Lahat. Gusto kong orderin ang lahat.” “Masusunod po. Sandali lamang po at ipapaalam ko na sa kusina ang inyong mga order.” Dali-daling umalis ang waiter matapos matanggap ang order. Samantala, ang mga nangungutya at nanghahamak sa akin ay natahimik. Medyo natagalan bago sumimangot at nagsalita si Howard, “Freddie, mayroon ka bang sapat na pera para bayaran lahat ng inorder mo?” “Problema ko na iyon. Pero ikaw… sapat ba ang pera mo para bayaran ang cash gift ng lahat? Kung hindi, simulan mo na kaya ang magstriptease?” “Tumigil ka sa pagyayabang!” sigaw ni Howard habang namumula siya sa galit. Lumabas siya panandalian ng may kausap sa phone niya. Marahil ay humihiram siya ng pera para sa cash gift. Kahit na mayaman siya, malaki ang pagkakaiba nila tulad ni Young Master Logan at Young Master Zane. … Napatunayan ng restaurant na Sicily na sila ay “cut above all the rest”. Kahit na may ilang mga problema sa pag organisa ng mga order, maayos pa din nila itong nagagawa. Matapos lamang nag labing dalawang minuto ay isa isa na nilang dinadala ang mga inorder ko sa aming suite. Cheese-baked lobster, French pan-fried foie gras, Russian black caviar, Wellington beef, at maraming klase ng salad at mga espesyal na soup na hindi ko alam ang tawag sa kanila… Karamihan sa mga dumadating na pagkain ay kalimitan ko lamang nakikita sa telebisyon. Ang sarap sa pakiramdam, pero kasabay nito ay napaisip ako. Ilan sa mga dinala nilang pagkain ay hindi kabilang sa mga inorder ko. Mukhang napansin din ito ni Howard. Itinuro niya ang isang bowl ng Beef bourguinon sa lamesa at tinanong ang waiter. “Mali ata kayo ng inihandang pagkain? Wala nito sa menu ninyo dati.” Tinignan muli ng waiter ang listahan ng mga inorder kong pagkain at ipinaalam sa amin na, “Tama po ang lahat ng dumating. Ang lahat ng inihahanda namin ay nakareserba lamang para sa mga VIP. Kung kaya’t hindi sila matatagpuan kadalasan sa menu.” “Pang VIP lang?” kinuwestiyon ito ni Howard. “Sigurado ko at para dito talaga ang order na ito? “Maari ko bang tanungin kung sino na inyo ang may apelyidong nagsisimula sa “L”? “Ako.” Tango ni Howard sa tanong ng waiter. “Tama naman. Ipinahanda ito ng mayari ng restaurant para lamang sa iyo. Nabanggit din niya na dadaan siya dito para makipag-toast sa iyo.” “Toast sa akin?” “Tama. Sabi sa amin ng mayari na isang malaking karangalan ang pumarito ka para sa dinner kung kaya’t dapat na pagbutihin namin ang pagbibigay sa inyo ng serbisyo.” “Naiintindihan ko na.” sagot ni Howard matapos marining ang paliwanag ng waiter. Matapos iyon ay yumuko ang waiter at umalis na. … Nagkagulo bigla matapos umalis ang waiter. Lahat sila napatingin kay Howard ng may halong gulat. “Howard, kahanga-hanga na kilala mo ang mayari ng restaurant na ito.” “Hindi lang niya basta kilala kung hindi makikipag-toast din ito sa kanya. Parang hindi niyo narinig ang sinabi ng waiter. Siguro nga ay mataas talaga ang respeto nito sa kaniya.” “Howard, hindi ko akalain na may tinatago ka pala.” Sambit ni Lacey na may halong paglalandi. Ngunit, tapat na sumagot si Howard. “ Sa totoo lang, hindi ko kilala ang mayari nito.” “Tama na pagbibiro Howard.” Sagot ni Lacey sapagkat hindi siya naniniwala sa pag-amin niya. “Dalawa lang ang may apelyido na nagsisimula sa “L” sa suite na ito. Kung hindi ikaw, sa tingin mo si Freddie?” Nagtinginan ang lahat sa akin matapos itong sabihin ni Lacey. At tulad ng inaasahan ko, nagtawanan silang lahat. “Huwag ka magbiro ng ganyan. Imposibleng si Freddie.” “Oo nga. Sa hitsura pa lamang ay hindi na kanais nais. Kahit pa ang humawak sa mamahaling sapatos ay wala siyang karapatan.” “Howard, sa tingin ko ay namukhaan ka ng mayari kahit na nakalimutan mo na siya. Kadalasan nga naman na busy ang mga mayayaman.” Muntik na akong matawa sa mga naiisip nilang dahilan. Subalit, naniwala at tinanggap ni Howard ang lahat ng mga papuri nilang nabanggit at tumawa na lamang. “Sa totoo lang, nagbibiro lang ako sa inyo. Tinuruan ako ng ama ko na dapat “low profile” lang kami. Hindi ko sinasadyang itago ito sa inyo.” “Howard, napakapilyo mo talaga,” patuloy na panlalandi si Lacey. Masyado akong nalibang sa mga ideya nila. Hindi ko man alam kung kailan pa ako nabuking, alam ko na na ako ang tinutukoy na may apelyidong nagsisimula sa “L” na binanggit ng waiter. Hindi Howard Lincoln, kung hindi ako, si Freddie Lang. Kung ganoon lamang kahusay or kalaki ang reputasyon ni Howard, bakit pa siya magiging tahimik na tagasunod at alalay ni Young Master Logan at Young Master Zane? Patuloy kong iniisip kung paano nadiskubre ang itinatago kong lihim. May kinalaman kaya ito kay Linda Lowry? Naalala ko nakita ko siya bago ako pumasok sa restaurant. Sa isip isip ko ay nahanap ko na ang sagot. … Hindi ko binigyan pansin habang patuloy nilang pinupuri si Howard at gumawa ng kadahilanan para makaalis. Gusto kong tuklasin kung tama ba ang hula ko. Natagpuan ko ang sagot matapos ko magtanong sa isang waiter. May kinalaman nga ito kay Lindy, pero iba ito sa inaasahan kong sagot. Hindi ko lubos akalain na si Lindy Lowry pala ang mayari ng restaurant?! Para itong isang malaking kahibangan. Itong babaeng ito na mayari ng isang high-end na restaurant ay nagtatrabaho pa din bilang normal na empleyado sa Stamen Bank? May mali ba sa pag-iisip niya? Dahil dito, naalala ko ang naganap kaninang umaga sa bangko noong sinubukan niya akong akitin at magmakaawa sa harap ko. Tinignan ko muli itong high-end restaurant sa harap ko at napabuntong hininga na lamang ako. Naisip ko na lang na napakadaming baliw sa mundong ito. Ito ba talaga ang masasabing kasiyahan ng mga mayayaman sa panahong ito? Pero hindi nagtagal at naintindihan ko kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD