Kabanata 5 – Ang Pagpapahiya kay Howard Lincoln

1713 Words
Maaaring hindi sahod bilang empleyado ng bangko ang dahilan ni Linda Lowry, kundi oportunidad…. Oportunidad makilala at mapalapit sa mga mayayaman. Ang isang high class na restaurant tulad ng pagmamayari niya ay maaaring magmukhang kumikita ng malaki pero wala pa din ito sa harap ng isang tunay na mayaman at maimpluwensyang pamilya kung ikukumpara. Ang mga taong sineserbisyuhan niya sa Stamen bank ang mga tunay na mayayaman at maimpluwensya. Kailangan lang niya ay makapingwit ng isang mayaman at may seguridad na agad ang pagkakaroon nila ng mataas na estado sa buhay. Kaya siguro mala babaeng mababa ang lipad ng kanyang pananamit sa bangko. Matapos ko isipin ang mga ito ay bumalik na ako sa aming suite para kumain at maghanda para sa kasiyahang paparating. Si Chris, na katabi kong kumakain, ay sobrang nagaalala at walang gana kumain. Matapos ang isang oras kung kailan patapos na ang lahat sa pagkain ay nakahanap ng dahilan si Chris para hatakin ako at kausapin. “Freddie, sigurado akong napakamahal ng lahat ng ito, tama ba?” Aniya ni Chris habang nakatingin sa akin. “Oo, mahal ang aabutin nito.” “Hindi mo dapat ako pinilit na gawin ito.” Bumuntong hininga si Chris matapos ako abutan ng isang bulto ng pera. “Kunin mo to”. Yumuko ako para tignan kung ano ang iniabot ni Chris. Sa dami ng inabot na pera niya sa akin ay halo halo ito ng mga perang papel na iba iba ang halaga. Sigurado akong ito ang buong ipon ni Chris. “Chris, bakit mo ito ginagawa?” Tinignan ko siya habang napapaisip sa kanyang dahilan. “Tinutulungan lang kita kahit sa maliit na paraan. Okay na din ito kaysa hindi ka makapagbayad ng buo kapag dumating na ang bill ng mga inorder mo. Kung hindi mo man kayang bayaran ang bill, ibigay mo na lamang ito kay Howard. Matagal na tayong mahirap. Hindi na bago sa atin ang mapahiya.” “Chris, salamat sa tulong mo, pero hindi mo na kailangan magbigay ng pera. Totoo ang sinabi ko na mayroon akong sapat. Oo nga pala, sa hinaharap, tutulungan kita maging bilyunaryo.” Taos puso kong sinabi sa kanya. “Bilyunaryo?” Napailing na lang si Chris habang natawa ng kaunti. “Nabaliw ka na talaga siguro matapos ang nangyari sa inyo ni Lina. Kalimutan mo na ito. Bumalik na lang tayo at kumain. Kumain na lang tayo ng hanggang sa kaya natin para masulit ang gabing ito.” At bumalik na kami ng suite matapos mag-usap. Subalit, bago pa man kami makapasok ay may napansin akong magandang pigura na pumasok sa suite. Ang taong iyon ay si Linda Lowry. “Chris, huwag muna tayong pumasok. Panoorin natin ang magaganap na kasiyahan mula sa labas.” Sabi ko kay Chris habang hinahatak siya. Kahit na walang ideya si Chris kung ano ang nangyayari ay sumunod pa rin siya sa akin sa labas. Tumingin kami sa nagaganap sa loob ng kuwarto habang nasa labas. Hinanap ako ni Lindy sa loob ng suite pero hindi niya ako nakita. “Nasaan ang host? Bakit wala siya dito?” Matapos ito marinig ng waiter ay itinuro niya agad ang host na kilala niya.”Miss Lowry, ito po ang host.” Tumayo si Howard at ngumiti, “Kumusta Miss Lowry. Ako ang host. Maraming salamat sa pagtanggap sa amin. Nasiyahan kami sa pagkain dito.” “Ikaw ang host? Ikaw ang kumain ng mga pagkain?” Tumingin si Lindy sa lamesa at tumingin ng malupit kay Howard. “Tama, ako ang host.” Matikas na sagot ni Howard. Lalong lumupit ang paningin ni Lindy matapos niya marinig ang mga salita ni Howard. Dali dali siyang lumapit kay Howard at sinampal siya. “Sino ka sa akala mo para magpanggap na ikaw ang host?!!” Malakas ang pagkakasampal sa kaniya ni Lindy. Sa lakas ay natahimik ang lahat ng nasa suite. Nagtaka si Howard, “Bakit mo ako sinampal? Ako ang may apelyidong nagsisimula sa “L”. Wala akong ginagaya na sino man!” “Ang lakas ng loob mo na patuloy na magpanggap?” Itinaas muli ni Lindy ang kamay niya akmang sasampalin siya ulit. At sa puntong ito, napansin ako ni Lindy sa pinto. Biglang naging tuwa ang galit na nararamdaman niya. Tumakbo siya papunta sa akin habang tinatawag ang pangalan ko. Nagulat ako sa kinilos niya at tinitigan siya bigla ng masama para matigil siya. “Sundan mo ako palabas.” Pabulong kong sinabi kay Lindy. “Sige, andiyan na ako.” Malambing na sagot ni Lindy. Walang bakas ng galit niya kanina. Nagulat ang lahat sa biglang pagbabago ng emosyon ni Lindy. Hindi nila maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagtrato niya kay Howard at kabaliktaran nito pagdating sa akin. Bukod sa pagiging maamo, may bakas din na tila sumisipsip siya. … Dinala ako ni Lindy sa reception matapos kami umalis ng suite. Magalang niyang sinabi, “ Mr. Chairman, bakit hindi na kayo dito magpalipas ng gabi? Maganda ang kwalidad ng soundproofing ng aming kuwarto sa itaas. Maaari mong gawin sa akin ang kahit anong gusto mo.” Mapangakit na mungkahi ni Lindy habang kagat kagat niya ang kanyang labi. “Tigilan mo na ang pagaasam sa akin.” Sinampal ko ang matambok niyang puwet. “Pero dahil sa ganda ng ginawa mo ngayon, hindi na kita bibigyan pa ng problema. Pero kapag sinubukan mo akong akitin muli, sisiguraduhin ko na babalik ka sa pagiging tagalinis ng mga kubeta.” “Ang ibig mong sabihin ay hindi na ako tagalinis ng mga kubeta?” Gulat na sagot ni Lindy na may kasamang tuwa. “Oo. Tatawagan ko si Tito Quinn tungkol dito para makabalik sa ka na sa dati mong posisyon.” “Maraming salamat Mr. Chairman, sobrang maraming salamat talaga!” Tuloy tuloy ang pasasalamat ni Lindy at sobrang saya na parang bata. “Babalik na ako.” At matapos iyon, bumalik na ako sa suite. Pero bago iyon, may ideyang biglaang sumagi sa isip ko. “Siya nga pala, siguraduhin mong may magdadala ng bill sa suite mamaya. Siguraduhin mo din na walang discount kahit na magkano.” “Bill? Discount?” Napaisip si Lindy, “Mr. Chairman, hindi ka dapat magbiro ng ganiyan. Isang malaking karangalan na ang pumarito ka para kumain. Paano kong maaatim na singilin ka?” “Tumahimik ka at sundin mo na lang ang utos ko.” Hindi ko na binigyan ng pa ng pansin ang pagsubok ni Lindy na kumapit sa akin. Kumaway na lang ako sa kanya habang pabalik sa suite. Pagbalik ko sa suite, tapos na ang lahat kumain. Nagkukwentuhan na lamang sila habang hawak ang kanilang mga busog na tiyan. Mukhang ako ang pinaguusapan nila. “Freddie, ikaw ba talaga ang may apelyidong nagsisimula sa “L”? Nagtatakang tanong ni Chris pagpasok ko ng suite. “Oo, ako un.” Pagamin ko sa kanya. “At kilala mo din iyong magandang mayari nito?” “Wala iyon. Tinulungan ko lamang siya dati.” “Naiintindihan ko na.” wika ni Howard matapos maintindihan ang sitwasyon. “Nagtataka ako kung paanong ikaw na mababa ang estado sa buhay at nagkaroon ng pagkakataong makilala siya. Sapagkat tinulungan mo siya dati. Pero hindi pa din nito binabago ang sitwasyon mo na mahirap ka pa ding bastardo ka.” “Kailangan mo ba talaga ipaliwanag ng ganiyan?” sagot ni Chris bilang pagtatanggol sa akin. At sa puntong iyon, bumukas ang pinto ng suite. Pumasok ang waiter dala dala ang bill. “Narito na po ang bill para sa private suite. Ang suma total ay umaabot ng one hundred fifty-two thousand and eight hundred.” Matapos iround off, ito ay one hundred fifty-two thousand dollars. Maari ko bang malaman kung kanino iaabot ang bill?” One hundred fifty-two thousand dollars. Nagulat ang lahat ng nakarinig kung magkano inabot ng bill. Lahat sila ay napatingin sa akin. “Freddie, bayaran mo na ngayon ang bill!” One hundred fifty-two thousand? ‘Parang mababang halaga lang’ sa isip isip ko. Inilabas ko ang bag ko na puno ng cash at sa harap ng lahat ay inihagis ko ito patungo sa waiter. “Nandiyan ang pera, ikaw na ang bahala kumuha.” “Ako na ang kumuha?” Mukhang unang beses ng waiter ang makaranas ng ganitong sitwasyon sapagkat natigilan siya sandali bago kinuha at binuksan ang bag. “T*ng ina, ang dami! Punong-puno ng pera!” “Tama pa ba ang nakikita ko? Paano magkakaroon ng ganitong kalaking halaga ng pera si Freddie? Hindi kaya ay puro ito mga counterfeit?!” “Grabe!” Ang mga kaklase kong kanina lamang ay nililibak ako, ngayon ay bukang bibig na nakatitig sa akin. Kung titignan mabuti, maaaring magkasiya ang itlog kapag ipinasok ito sa mga bibig nila dahil sa gulat. Mas matindi ang gulat dito ni Chris. “Freddie, nagnakaw ka ba sa bangko?” “Hindi ako nagnakaw sa bangko. Nagkataon lang na giniba ang bahay ko at nagkaroon ako ng pera dahil doon.” Gawa-gawa kong dahilan sa kanila. “Napakasuwerte mo naman Freddie.” Sagot ni Chris na may bakas ng inggit. Hindi nagpatinag si Howard matapos ko magpakita ng malaking halaga ng pera. Painggit siyang nagsalita, “ Sa tingin mo sapat na ito para makonsidera kang mayaman? Masasabing panggagantso lamang ito. Ang pamilyang tulad ko lang nag masasabing tunay na mayaman.” “Tama nga naman.” Gatong ni Lacey. “Hindi ko kailanman maintindihan ang mindset ng mga nouveau riche.” Isa isang sagot ng mga kaklase ko habang kapansin pansin ang pagiging sarcastic nila pero may kasama pa din itong inggit. Nakangiti ako habang pinapanood sila. At ng patapos na sila, binanggit ko na , “Howard, nakaksigurado akong hindi ako kasing yaman mo. Pero hindi ba oras na para ibigay mo ang cash gift nilang lahat?” “Cash… cash gift?” Nainis si Howard matapos ko itong ipaalala sa kanya. “Ibibigay ko ang mga cash gift nila matapos ko bumalik. At sisiguraduhin kong mas malaki ito sa ginastos mo!” “Bumalik? Kailangan pa ba iyon? Hindi ba at maliit na halaga lamang ito? Hindi kaya’y hindi mo kayang magbigay ng ganitong kaliit na halaga? Hindi naman siguro ganoon ang sitwasyon mo? Hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD