Kabanata 6 – Gubat na Puno ng Pagnanasa

1950 Words
Tumingin ako sa aming mga kaklase matapos ko paalalahanan si Howard. “Guys, hindi maliit na halaga ang paghahatian ninyong one-hundred and fifty thousand dollars. Hindi ba dapat kumbinsihin ninyo din si Howard?” At tulad ng iniisip ko, madami ang nakumbinsi sa sinambit ko. Bukod pa doon, ang isang ikalawang henerasyong tagapagmana tulad ni Howard ay kalimitan na nagyayabang sa klase namin dahil lang sa may kaunting yaman ang pamilya niya. Maraming hindi nasiyahan sa ganitong pag-uugali ngunit wala silang magawa dahil sa kawalan ng pagkakataon at dahil na rin sa mga alalay niyang mapanupil. Kibit balikat na lamang nila itong tinanggap. Ngayon at nagkaroon sila ng pagkakataon na gumanti, ang mga hindi nasiyahan sa pag-uugali ni Howard ay nagsimula ng gumatong sa aking nasambit. “Howard, hindi naman sa gusto ko talaga makuha iyong pera pero, natupad ni Freddie ang parte niya sa kasunduan ninyo, hindi ba dapat tuparin mo rin ang parte mo?” “Sa tingin ko din. Hindi naman problema ang pera. Hindi ka dapat magpatalo kay Freddie ng basta basta Howard.” “Tama nga naman. Ang one-hundred and fifty thousand ay katumbas lamang ng ilang araw mong allowance hindi ba? Kayang kaya mo ito bayaran agad agad, hindi ba?” Tuloy ang pagsagad nila kay Howard. Wala siyang pagkakataon para takasan ito. Nautal siya sa pagsagot sa kanila habang bakas ang kahihiyan sa mukha niya, “Maliit na halaga lang yan… hindi ako isang nouveau riche lang na tulad ni Freddie. Hindi ako nagdadala ng malaking halaga ng pera ng basta basta kahit saan ako pumunta.” “May ATM machine sa restaurant,” pagpapaalala ko sa kanya. “Alam ko, malamang, pero naiwan ko ang wallet ko sa bahay. Bigyan mo ko ng oras, uutusan ko ang driver ko na kumuha ng cash para sa akin.” At matapos iyon ay lumabas si Howard para may tawagan sa phone niya. … Matagal na nawala si Howard. Humigit na sa sampung minuto na nawala si Howard ng may nakapansin na nasa baba ng suite si Howard, “ Tignan ninyo, bakit inaabot ni Howard ang susi ng kanyang kotse sa iba?” “Huwag ninyo sabihin na ibinebenta niya ang Land Rover niya? Hindi kaya ibig sabihin nito ay wala siyang one-hundred and fifty thousand?” “Huwag natin ilantad itong sikreto niya. Bibigyan na nga niya tayo ng cash gift eh.” Bumalik si Howard sa suite matapos ang ilang minuto. Nagkunyari siyang parang wala lang sa kaniya ang pagbigay ng cash gift. Ngunit, alam ng lahat na si Howard Lincoln ang nagmukhang payaso sa gabing ito at hindi ako. … Matapos ang mga naganap sa get-together ay isa isa ng nagalisan ang aming mga kaklase. Ako naman ay bumalik na sa nirerentahan kong bahay sa labas ng school. Sa dami ng part-time jobs na nagkaroon ako, napilitan ako mag-apartment na lang sa labas ng school sapagkat hindi na rin ako nakakauwi sa dorm. Kahit na hindi ko na kailangan pa magtrabaho, sa tingin ko mas maganda ang piliin ko muna na umuwi dito. Sa dami ng posibleng pinaguusapan nila tungkol sa akin , sa isip isip ko ay kung babalik ako ng dorm, sisipsip lang sila sa akin. Mas pinili ko umuwi na lamang sa apartment para sa katahimikan ko at sa ayaw ko din ipaliwanang ang sitwasyon ko. Matapos ko magligpit para sa gabi at maghanda para matulog, nakatanggap ako ng tawag mula kay Tito Vincent. “Young Master, nasaan ka ngayon?” “Nasa apartment ko sa labas ng school. May problema ba?” “Ganito kasi… naghanda ako ng sorpresa para sa iyo. Okay lang ba na sunduin kita ngayon?” “Okay lang. Bakante naman ako ngayon.” Matapos lumipas ang sampung minuto, dumating na si Tito Vincent kung saan ako tumutuloy. Dali dali niyang binuksan ang pintuan ng Maybach para sa akin. “Young Master, tuloy po kayo.” “Sige.” Tinignan ko ang interior ng Maybach matapos ko sumakay at bago nagtanong, “Tito Quinn, medyo gabi na. Ano itong sorpresa na hindi maipagpapabukas?” “Young Master, may mga bagay na sa gabi mo lamang maieenjoy!” Misteryosong sagot ni Tito Vincent. “Ano ba talaga iyon?” “Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon.” … Mahigit sa sampung minutong pagmamaneho at nagparking kami sa loob ng isang luxury resedential district na may villa sa gitna. Narinig ko na ang tungkol sa lugar na ito. Ang mga pinakamayayaman lamang ang may kayang tumira sa lugar na ito. Isang bagay lamang na hindi ko maintindihan, ay kung bakit ako dinala ni Tito Vincent dito. Tumingin ako sa aking kapaligiran at lumingon kay Tito Vincent. “Tito Quinn, hindi mo naman siguro iniisip na regaluhan ako ng villa, tama ba?” “Young Master, ang lahat ng villa dito ay pagmamayari mo. Ang ginawa ko lang ay ang tulungan ka pumili. Nagalala ako matapos ko malaman na sa isang apartment ka lang tumutuloy kung kaya’t napili ko itong villa ngayong gabi.” Nagbigay siya ng mga susi sa akin matapos itong sabihin. Ngunit, hindi ko ito tinanggap. “Okay lang, puwede mo na kalimutan ang villa. Kuntento na ako sa apartment ko. Ito ba ang tinutukoy mo sa sorpresa?” “Isa ito sa mga sorpresa ko. Kung hindi mo ito gusto, may iba pang mga sorpresa. Sundan mo ako, Young Master.” At dinala niya ako sa ikalawang palapag ng villa. Matapos iyon ay binigyan niya ako ng ginintuang maskara. “ Isuot mo ito, Young Master.” “Tito Quinn, ano ba talaga ang nangyayari?” wari ko habang napapaisip. “Buksan mo ito at malalaman mo rin.” Binigyan niya ako ng remote control para sa kurtina. Nagulat ako! Mga naggagandahan na mga babae! Mga nakahubad na naggagandahan mga babae ang pumuno ng espasyo sa likod ng kurtina. Lahat sila ay taas dibdib na nakaharap sa akin. Tila naging gubat ng mga nakahubad at naggagandahang kutis na mga babae ang living room. Napalunok ako habang nagtatanong kay Tito Vincent, “Anong ibig sabihin nito Tito Quinn?” “Huwag akong tignan mo, sila ang tignan mo.” Nakangiting sagot ni Tito Vincent. “Ito ang sorpresang inihanda ko para sa iyo Young Master. Nagustuhan mo ba?” “Ano…” Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Masyado akong nagulat sa maluwalhating tanawin sa harap ko. Kitang kita ko ang mga mukha nila habang nakatayo ako sa second floor ng villa. Naggagandahan ang bawat isa sa kanila. Mapuputing mga balat at tila mga model ang hubog ng kanilang mga katawan. Kitang kita ko ang kulay pink na mga u***g ng mga nakatayo sa harapan pati na rin ang kanilang mga bulbol. “Young Master, iyo silang lahat para sa gabing ito. Maaari mo silang gamitin bilang kasiyahan mo sa kahit na anong paraan.” At matapos ito, yumuko si Tito Vincent para umalis. “Sandali lamang,” pigil ko sa kanya. “Saan mo sila nakuha? Maliban doon, ano ang ibig mo sabihin sa lahat ng ito?” Hindi maalis sa aking isipan nay may kakaibang nangyayari sa gabing ito. Kailangan ko malaman ang dahilan ng mga ito. “Young Master, hindi sa hindi ko gusto ipaliwanag ito, kung hindi dahil sa pinagbawalan ako ipaliwanag ito. Pero hindi ka dapat magalala. Lahat sila ay galing sa mga malilinis na pamilya. Naipacheck ko sila sa mga medical professionals at nakakasigurong malinis at malulusog sila.” “Hindi ito sapat, dapat mo ito ipaliwanag pa.” “Young Master, hindi po talaga ako maaaring magsabi pa ng bukod rito. Pumili ka na at nangangako akong ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat kinabukasan.” “Hindi ko na kailangan pumili. Wala akong gusto sa kanila.” “Kahit isa?” Gulat na tanong ni Tito Vincent. “Young Master, higit sa trenta ito sa mga pinakamagagandang mga babae sa buong lungsod natin. Samut sari sila at may kanikaniyang mga kawili wiling mga ugali at katangian. Wala ka ba talagang plano pumili kaiht isa lamang?” “Wala akong plano pumili. Ang maikama ang isang babae na wala kang nararamdaman para sa kaniya ay walang pinagkaiba sa pagkama ng s*x doll.” “May pagkakaiba ito. Itong mga babaeng ito ay mainit at buhay na tao. Handa ka pagsilbihan sa kahit papaano mo gusto. “Okay na ako. Sabihin mo na lang kung ano ba talaga ang gusto mo sabihin.” “Sige, pero huwag mo sana akong masisisi para sa mga ito. Lahat ito ay kagustuhan ni Tandang Logan bago siya pumanaw. Ito ay para subukin ang karakter mo bilang tao.” “At ano naman ang resulta? Pagngiti ko kay Vincent. “Tulad ng inaasahan ni Tandang Logan, hindi ka isang klase ng tao na mauuwi lang sa maluho at immoral na pamumuhay matapos lang mabiyayaan ng pagkakataong magkaroon ng mataas na estado sa buhay. Kung kaya't maaari ka mapabilang sa board of directors ng walang pagaalala. Bukod pa doon, may dalawa pang parte ng last will and testament. Maaari ko na itong ibahagi sa iyo.” “Mahigit sa isa ang last will and testament ni Tandang Logan?” “Oo. Ang una niyang will and testament ay sana manatili kang ikaw pagkatapos mo matanggap ang pamana at hindi ka mauwi sa immoral at maluhong buhay. At dapat mo din matapos ang iyong pag-aaral.” “Maliban pa doon, pinagbilinan kami na hindi dapat namin isiwalat ang pagkakakilanlan mo para na rin sa iyong kaligtasan.” “Naiintindihan ko. Sisiguraduhin ko na matutupad ko ang last will and testament ni Tandang Logan.” Ano ang ikalawa?” “Ang ikalawa ay ang pagkakaroon ng mga anak. Hindi nagkaroon si Tandang Logan ni isang anak sa buong buhay niya kung kaya’t kahilingan niya na maipagpatuloy mo ang iyong lahi. Ilang beses na rin ito napagmeetingan ng mga board of directors ang pagkakaroon mo ng mga anak. Lahat kami ay naniniwala na ang pagkakaroon ng tagapagmana ay napakaimportante sapagkat dito nakasalalay ang kinabukasan ng kumpanya. Para sa kinabukasan ng kumpanya, dapat ka na magkaroon ka na ng anak sa lalong madaling panahon. Mas marami, mas maganda! Mamimili kami ng pinakakwalipikado para maalagaan at maturuan ng tama. “Sandali lang. Wala pa nga akong asawa at gusto ninyo na ako agad magkaroon ng mga anak? Hindi ba masyadong mabilis ang mga nagaganap na ito?” sagot ko habang nawawala na sa sarili. “Huwag kang magalala , Young Master. Kasalukuyan na kaming namimili ng mga may potential na maging asawa mo. Nakakasiguro kami na pinakamaganda at pinakamabait ang iyong magiging asawa sa buong mundo. Ito lamang ang paraan para makasiguro kami sa kwalidad ng susunod na henerasyon.” “So makina lang ako na tagagawa ng susunod na henerasyon para sa inyo?” “Young Master, lahat ng ito ay para sa kinabukasan ng kumpanya. Bukod pa doon, kami lamang ang namumuno sa pagpili. Ikaw pa din ang may huling sabi para may kasiguraduhan ang resulta.” “T*ng ina. Pinaglalaruan ninyo lang ba ako? Ayaw ninyo na malaman ang pagkakakilanlan ko pero gusto ninyo mabihag ko ang puso ng pinaka magandang babae sa buong mundo? Sa tingin ninyo ba ay may pagasa ako magtagumpay?” Wala akong masabi sa puntong ito. Napakaimposible nito. “Young Master, naniniwala kami sa kakayahan mo.” Patawang sagot ni Tito Vincent. “Oo nga pala, kung hindi mo plano ang kumuha ng kahit isa sa mga babae sa baba para ikama, uutusan ko na silang umalis.” “Paalisin….” Gusto ko na sana silang paalisin agad pero, bago pa man ako matapos magsalita ay may napansin akong dalwang pamilyar ang mukha. P*ta, anong ginagawa nila dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD