Kabanata 7 – Ang Sikreto ng Isang Magandang Titser

1875 Words
Nagulat ako noong nakita ko sila. Tinawag ko agad si Tito Vincent. “Sandali lamang, saan mo sila nakuha?” “Lahat sila ay taga rito. Ilan sa kanila may mga white-collar na trabaho. Ilan sa kanila mga estudyante at mga titser mula sa school. Lahat sila ay umattend sa Escort Club na ito dahil sa matinding pangangailangan ng pera. Anong problema, Young Master? May nakikilala ka ba sa kanila?” “Kilala ko ang dalawa sa kanila.” Pagtango ko habang sinisigurado kung tama ang pagkakakilanlan nila. At tama nga ako. Kilala ko ang dalawa sa kanila. Number 3 ay si Lacey Yates. Siya iyong gold digger na tinatawanan ako kanina lamang sa suite sa Sicily. Ang buong akala ko ay isa rin siyang ikalawang henerasyong tagapagmana na kanyang pamilya tulad nila Young Master Logan at Young Master Zane. Sino ang magaakala na mapapabilang siya sa mga umattend ng Escort Club ngayong gabi? Bukod pa doon, hubot hubad siyang nakapila para pagpilian na para bang hayop na kakatayin. Punong puno nga naman ng mga sorpresa ang buhay. Mas lalo akong nagulat sa Number 31. Siya ang titser ko, si Cherry Quentin. Hindi ko maintindihan kung bakit ang pinakasikat na babae bilang “ice queen” ay naparito sa Escort Club. Dahil ba sa pera? Ng maisip ko ito, sabi ko kay Tito Vincent, “Tito Quinn, may impormasyon ka ba kay Number 3 at Number 31? “Oo mayroon. Sandali lamang, Young Master. Umalis si Vincent para kunin ang kanilang impormasyon. Hindi nagtagal at nakabalik siya dala ang mga ito. Tinignan ko ang kanilang mga impormasyon at napakadetalyado nito. Hindi lamang body measurements tulad ng height at weight kundi pati rason din nila para sa pangangailangan ng pera. Number 3, Lacey Yates, hindi pala siya ikalawang henerasyong tagapagmana ng pamilya. Galing lamang siya sa isang ordinaryong pamilya. Ngunit, dahil sa pagkakaroon niya ng connection sa mga ikalawang henerasyong tagapagmana tulad nila Lina Holden, natuto siyang gumastos tulad nila. At para mapanatili niya ang maluhong buhay na ito, nagsimula na siyang mangutang sa mga loan shark sa labas ng school. Lumipas ang panahon at lumaki na ang kanyang mga utang. Wala na siyang malapitan at napilitan umattend ng Escort Club para makapag bayad sa kanyang mga utang kasama ang interes. Para naman kay Number 31, sa maganda kong titser na si Cherry Quentin, kakaiba ang sitwasyon niya. Nangangailangan siya ng pera dahil sa sakit ng kanyang ina. 300 thousand ang kailangan niya para sa opera ng kanyang ina. Ang mas ikinagulat ko ay ang health condition niya. Nakalagay dito na “s*x Addict” siya. Ang maganda kong titser na kilala bilang “ice queen” ay isang s*x addict? Sinong g*ago ang maniniwala dito kapag kumalit ito? “Young Master, kung interesado ka sa kanila. Maaari mo silang kunin. Maaari silang makakuha ng karagdagang five hundred thousand para sa serbisyo nila.” Wika ni Tito Vincent. “Kalimutan mo na.” Pailing iling kong sinabi. “Tulad nga ng sinabi ko, hindi ako interesado sa mga babae na madali kong makukuha. Kung may gusto man ako, gusto ko na paghirapan ito gamit ang sarili kong kakayahan.” “Naiintindihan ko.” Sagot ni Tito Vincent. “Young Master, malalim na ang gabi. Bakit hindi ka na dito mag palipas ng gabi?” “Okay lang, Mas gusto ko pa din umuwi sa apartment. Kung dapat ko itago ang pagkakakilanlan ko, dapat masigurado ko na wala dapat makatuklas nito. Paano na lamang kung may makakita sa aking dito?” “Tama ka Young Master. Ihahanda ko na ang iyong sundo para maihatid ka.” “Hindi na kailangan. Uuwi ako ng magisa.” … Good mood akong umalis ng villa. Wala akong ideya na ang board of directors ay tutulong sa paghahanap ko ng asawa matapos ako mabigyan ng bilyun-bilyong pamana. At hindi lang basta asawa, kung hindi ang pinakamagandang babae sa buong mundo pa para sa akin. Palaisipan sa akin kung sinong tagapagmana ito. Maari kayang isa ito sa mga pamosong aktress sa industriya ng pag-arte? Hindi ko mapigilan ang matawa habang iniisip ang mga ito. Habang ineenjoy ko ang mga ideyang ito, bigla ako nakarinig ng mga pagsuntok na nagmumula sa isang madilim na sulok sa harapan ko. Wala sana akong balak na makialam. Pero habang papalapit ako ay napansin ko na babae ang sinusuntok niya . Bukod pa doon ay pamilyar ang boses na narinig ko. “Lorne, nagmamakaawa ako. Bigyan mo pa ako ng ilan pang mga araw, mababayaran ko din sayo ang two hundred thousand. Nangangako akong ibabalik ko sa iyo ang pera.” Lacey Yates? Napatigil ako sa gulat. Ang paguusap na ito ay muli kong narinig mula sa madilim na sulok. “You b***h! Itigil mo na ang pagsisinungaling sa akin. Hindi ba’t sinabi mo na ngayon ka magbabayad?” “Lorne, hindi ako nagsisinungaling. Makukuha ko na dapat ang pera para makabayad ng utang pero…” “Stop f*cking giving me b*llshit. Magpakapokpok ka kung wala kang pera. Hindi mo naman kailangan mamroblema kung mukha lamang ang pagbabasehan.” “Lorne, please, nagmamakaawa ako, isang araw pa. Isang araw pa, please? Maluha-luhang pagsagot ni Lacey sa dilim. “Isang araw lang? Sige, pero binabalaan kita. Kung hindi ka pa din makakapag bayad bukas, huwag mo akong sisisihin sa kung ano man ang magawa ko sa iyo.” Umalis na ang lalaking nagngangalang Lorne matapos niya magbigay ng bababala. Napailing ako habang bumubuntong hininga. Nilapitan ko si Lacey na nakasandal sa pader. Inilawan ko siya gamit ang flashlight ng phone ko. Nakita ko ang hitsura ni Lacey gamit ang phone ko. Nakaupo sa sulok si Lacey at nanginginig sa takot. Puno ng putik ang kanyang mukha , punit punit ang kanyang damit at walang bahid ng kanyang pagiging arogante at mapaglaro. “Sino yan? Patayin mo yang ilaw na yan!” tinakpan ni Lacey ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay, ayaw niyang may makakita sa kanyang nakakahiyang sitwasyon. Hindi ko siya pinansin ay yumuko ako sa harap niya patuloy sa pagilaw ng flashlight. “Tsk, nagtataka pa ako kung sino itong nakita ko dito. Ito pala ang pamosong campus belle na si Lacey Yates! Anong problema? Problemado ka dahil lang sa halagang two hundred thousand? Hindi ba at close ka kina Young Master Logan at Young Master Zane? Bakit hindi ka humingi ng tulong sa kanila?” “Umalis ka! Wala ka ng pakielam kung ano man ang mangyari sa akin!!!” Galit na galit si Lacey sapagkat nakita ko na ganito ang sitwasyon niya. “Mali ka, may pakielam na ako kung magiging pokpok ka. Mahihiya akong maging kaklase ka kung ganoon. Ganito na lang kaya? Tutulungan na lang kita alang alang sa reputasyon mo sa school. Magmakaawa ka sa akin at pauutangin kita ng two hundred thousand? Payag ka ba?” Matapos ang mungkahing iyon, tinapik-tapik ko ang bag kong puno ng pera para mas kapanipaniwala ito. “Magmakaawa sayo?” Pangising sagot ni Lacey. “Itigil mo ang pangangarap mo ng gising. Kahit na kalunos-lunos pa ang sitwasyon ko, hinding hindi ako magmamakaawa sa isang walang kwentang tao tao tulad mo para sa kahit anong bagay.” “Okay yan. Matapang ka at may paninindigan, pero tignan naten.” Tumawa ako at isinukbit ang bag sa likod ko at umalis. … Alas dos na ng madaling araw ng makarating ako sa apartment ko sa labas ng school. Napakaraming bagay ang nangyari sa loob ng 24 oras. Nahiga ako sa aking kama, hindi makatulog. At sa puntong ito, may naalala akong napakaimportanteng bagay. Hindi natanggap ni Lacey ang five hundred thousand kung kaya’t binugbog siya ng loan shark. Hindi ba at magiging masama din ang sitwasyon ni Cherry kung hindi niya matatanggap ang pera? Hindi ito dapat mangyare. Kailangan ko siya matulungan. Tumayo ako at pumunta sa aking computer. Magaan ang loob ko sa magandang titser na ito. Kahit na madalas malamig siya at walang kaemo-emosyong humaharap sa mga tao, tunay siyang mabait. Patas ang pagtrato niya sa lahat ng estudyante niya, pati na sa akin, ang pinakamahirap sa klase. Tinutulungan din niya ako sa mga bayarin pang school kapag hindi ko kayang mabayaran ang mga ito agad. Kumplikado ang nararamdaman ko para sa kanya. Nandoon ang respeto at pasasalamat bilang titser at nandoon din ang pag-ibig ko para sa kanya. Subalit, kahit ano pa man ang nararamdaman ko. Hindi ko kaya maatim na tumayo na lang at walang gawin kung alam ko na nangangailangan siya ng tulong. Inopen ko ang instant messaging app pagkabukas ko ng computer at niregister ang username ko bilang “King”. Nagpadala ako ng friend request sa kanya after ko mag sign-up para sa app. Pero, nireject niya ito matapos lang ang ilang segundo. Masaya ako at nireject niya ito, ibig sabihin ay online pa siya. “Hindi mo ba ako naalala Number 31?” Pinalitan ko ang nakasulat sa friend request at muli ko itong sinend. Sunod-sunod ang pag sagot niya. “?????” “!!!!!” “Sino ka? Paano mo nalaman ang pagkakakilanlan ko?” Mukhang nagulat siya. Nagreply ako ng , “ Kumusta ka? Nagkita na tayo sa Escort Club. Ako ang nasa second floor. “ “Ikaw iyong naka gold na maskara?” “Oo, ako iyon.” “Ano ang kailangan mo? Pipiliin mo ba ako ngayon?” “Marahil ay oo, masasabi mong interesado ako sa iyo.” “Bakit hindi mo ako pinili noong una pa lamang?” “Hindi sa hindi kita pinili. Wala akong pinili. Hindi ka man maniwala dito, pero kahit na mayaman ako, hindi ako interesado sa mga s*x party tulad ng iyon. Ang Escort Club na iyon ay inorganisa ng ibang tao. Maiba tayo, ibigay mo sa akin ang iyong account number. Itatransfer ko ang pera sa iyo.” “Seryoso ka ba?” Halatang hindi naniniwala at nag sususpetya si Cherry pero sinend pa din niya ito. Siguro nga at malaki talaga ang pangangailangan niya. “Ang pangalan ay Cherry Quentin, ang account number ko ay 7563….” Iniscreenshot ko ito at ipinadala ang picture kay Tito Vincent. Nagalala ako na baka tulog na si Tito Vincent at tinawagan ko siya. “Tito Vincent, patulong magpadala ng pera. Sapat na ang five hundred thousand. Sinend ko na sa iyo ang account number. “Masusunod, Young Master.” Mukhang hindi siya galit at naistorbo ang kanyang tulog. Magalang pa din ang pag sagot niya. “Naipadala ko na ang pera,Young Master.” Matatanggap na nila ito sa ilang sandali lamang.” “Okay.” Naghanda akong ipaalam ito kay Cherry matapos ko kausapin si Tito Vincent. Subalit , nauna siyang nagreply. “Oh my God. Dumating nga ang pera sa account ko. Ang bilis naman nito! Ikaw ba ang may ari ng bangko?” Napangiti ako ng nakita ko ang message niya. Ako nga ang mayari ng bangko. Pero hindi ko ito sasabihin sa kanya. “Basta natanggap mo ito, wala ng problema.” Nakangiti kong reply sa kanya. “Nasaan ka? Pupuntahan kita.” Isa pang reply niya. Simple lang ang reply niya. Pero nabalisa ako matapos ko maintindihan ang ibig sabihin nito. Seryoso siya…. Seryoso siya sa pagpunta para makipagtalik sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD