Kabanata 82 – Ang Buong Isla Ay Pagmamayari Ko

1803 Words

“Tama po. Iyon lang po ang sinabi niya sa akin.” taimtim na pagtango ni Bobby. “May mga katanungan ka pa po ba para sa dinner mamaya, Young Master?” “Wala na. Gawin mo lang ang sinabi niyang gawin mo. Bukod pa doon, antabayanan mo ang signal na ibibigay ko kung anong gagawin ngayong gabi, naiintindihan mo?” “Opo, Young Master. Magiging alerto po ako ngayong gabi.” “Iyon lang ang mga gusto kong sabihin.” Matapos iyon, tumayo na ako para umalis. “Ihahatid na po kita palabas, Young Master.” Dali daling tumayo si Bobby para ihatid ako. … Pumunta kami sa beach ng kinagabihan. Doon gaganapin ang bonfire dinner sa isang engrandeng paraan. Napakaganda ng view ng gabing iyon, at bayad na ang dinner gamit ang public funds, nagsasaya ang lahat ng todo. Pero, tumahimik ang paligid matapos nami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD