bc

Resurrected as a Dragon

book_age18+
230
FOLLOW
1K
READ
adventure
HE
warrior
weredragon
tragedy
straight
genius
ambitious
others
dragons
like
intro-logo
Blurb

He was killed by his brother out of jealousy. He thought that he was dead; but wake up in the other world that he couldn't expect to exist.

How can he interact the people there if he didn't everything about it. How can he survive in that kind of world. Would he can use his talent in that world? And how can he accept that he was the lost son of a dragon family. That he was the lost dragon of a dragon family.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Meet Hermes
"That's all for today!" sabi ni Hermes sa mga tinuturuan niya. Umayos nang tayo ang mga ito at sabay na yumuko sa kanya. "Thank you sir!" sabay na sabi ng mga ito. Tumango lang si Hermes at kinuha ang mga gamit niya saka lumabas ng gym. He is Hermess Taylor. An 20 years old and a martial arts instructor. He was still studying at Western College and Art. He is now graduating of that university. "Hey! Hermes!" Napalingon si Hermes sa tumawag sa kanya habang naglalakad paalis ng gym. Kumaway siya dito; isa ito sa mga malapit na kaibigan niya si Ryan. "Oh, anong balita?" tanong niya agad dito. Nakita niya ang masayang mukha nito. Kaya sigurado siyang maganda ang balitang sasabihin nito. "Heto," sabi nito at pinakita ang bagay na hawak nito. Tiningnan niya ang mga nakasulat doon at nagulat siya. "Totoo ba ito?" Hindi makapaniwalang sabi ni Hermes at namamanghang napatingin sa kaibigan. "Oo! Totoo iyan! Haha ang galing mo talaga! Binigay iyan sa akin ni Ma'am kanina," bati nito sa kanya at napasuntok ito sa braso niya ito. Hindi pa rin siya makapaniwala habang nakatingin sa papel na hawak niya. Siya ang nangungunang studyante sa lahat ng batch nila na graduating ngayong taon. Nakasulat roon ang pangalan niya bilang isang top 1 sa kanilang lahat. "I-I can't believe this," sambit niya habang nakatingin sa pangalan niya. Hindi mawala sa mga labi niya ang ngiti. "Bagong achievement mo na naman iyan! Pakain ka haha!" biro ni Ryan sa kanya. Tumingin siya dito. "Sige! Sigurado ako na matutuwa sina mommy at dadday nito," sagot niya dito. Dinala na nila ang mga gamit nila at kumain nga sila sa malapit na restaurant sa school nila. Masayang-masaya si Hermes dahil matagal nang pangarap ng mga magulang niya na maging top 1 siya. Hindi kasi ito ibinigay nang nakakatandang kapatid niya, dahil nagloko ito sa pag aaral. Hindi tulad niya na nagporsigi sa pag aaral para matuwa sa kanya ang magulang nila. Lagi naman niyang pinagsasabihan ang kuya niya na, pagbutihin ang pag aaral dahil para rin naman ito sa kanila. Dahil iyon lamang ang maiiwan sa kanila ng magulang nila. Ngunit hindi ito kailanman nakinig sa kanya at mas ginusto pa na magloko. Kaya naman laging nagagalit ang magulang nila dito. Matapos nilang kumain ni Ryan ay nagpaalam na siya rito upang umuwi. Sigurado siyang matutuwa sa kanya ang magulang niya dahil nakuha niya ang gusto ng mga ito. Pagdating niya sa kanila ay bahagya pa siyang natigilan, nang makitang pinapagalitan na naman ang kuya niya. Marahan siyang pumasok upang hindi agad siya mapansin. "Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Hernan? Ganyan na ba lagi ang gagawin mo? Magtatapos na lang ng kolehiyo ang kapatid mo! Tapos ikaw nasa 3rd year ka pa rin?! Ayusin mo nga ang buhay mo! Huwag puro barkada!" galit na sigaw ng kanilang ina. Nakita niyang nakayuko lamang ang kuya niya habang nakaupo sa sofa. Nakatayo naman ang ama niya at ramdam niya rin ang galit nito. "Paano ka makakatapos kung ganyan lagi ang ginagawa mo. Tingnan mo ang kapatid mo, nagpursigi sa pag aaral at malapit nang magtapos. Samantalang ikaw, ganyan na lang?" sabi naman ng kanilang ama. Bahagyang napabuntong-hininga si Hermes dahil sa narinig niya. Paulit-ulit niya iyong naririnig kapag pinapagalitan ito. Lagi silang ipinagkokompara sa isa't isa at ayaw niya nang ganoon. "Mom, dad," tawag niya upang hindi na mabaling sa kuya niya ang atensyon ng mga ito. Napatingin sa kanya ang magulang niya at napangiti agad ang kanyang ina nang makita siya. "Hermes!" tawag nito saka lumapit at niyakap siya. Yumakap rin siya rito at tumango sa kanyang ama na nakatingin sa kanya. "Ano na naman bang nangyari?" tanong niya sa mga ito. Nakita niyang tumayo ang kuya niya at umiwas nang tingin sa kanya. "Kung hindi ko nalaman mula sa tita mo, hindi ko malalamang isang buwan na pala siyang hindi pumapasok. Bigay kami nang bigay ng allowance niya, iyon pala hindi pumapasok! Sinong hindi magagalit niyan!" galit na sabi nito. Muling napabuntong-hininga si Hermes at seryosong tumingin sa kuya niya. "Kuya, ano na naman ba ang problema mo at ginawa mo iyon," tanong niya dito. "Hindi ko kailangang magpaliwanag saiyo," tugon nito at tumalikod sa kanila. "Kuya sandali! Paminsan-minsan naman makinig ka sa amin. Sabihin mo kung anong problema mo," muling tanong niya. Naiinis na bumaling sa kanya ang kuya niya at hinagis ang dala nitong bag sa kanya. "Problema ko? Naiinis ako dahil kahit anong gawin ko! Hindi ko mapantayan iyang talino mo na ipinagmamalaki ng magulang natin! Anong magagawa ko kung ganito lang ako? Anong magagawa ko kung di ko maabot ang naaabot mo? Gusto ko ring hangaan tulad mo, pero wala akong kakayahan dahil ganito lang ako! Naiinis ako dahil lagi kang ipinagkokompara sa akin! Hindi naman ikaw, ako!" galit na sigaw nito sa kanya at mabilis na tumalikod. Hindi sila halos makapagsalita dahil sa sinabi nito, lalo na si Hermes. Ngunit naiintindihan niya ang pinagdadaanan nito. Bahagya siyang napatingin sa magulang niya na hindi makapagsalita. "Hayaan niyo na mom, dad, kilala niyo naman si kuya hindi kayo no'n matitiis. Kakausapin ko lang siya, ngunit bago iyon may ipapakita muna ako sa inyo," nakangiting sabi ni Hermes at binigay ang dala niya sa mga ito. Nagtatakang tumingin sa kanya ang magulang niya. Tumango lang siya upang tingnan ng mga ito ang laman. Nang tingnan ng magulang niya ang laman no'n; nanlaki ang mga mata nito at namamanghang tumingin sa kanya. "S-Seryoso ba ito anak?" nagugulat na tanong nito. Tumango siya sa magulang niya at laking tuwa na niyakap siya ng mga ito. Nakangiti naman siyang yumakap sa mga ito. Hindi nila pansin na narinig ni Hernan ang pag uusap nilang iyon. Hindi mapigilang makaramdaman nang selos at galit sa sariling kapatid. Bahagya niyang naikuyom ang kamay niya saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa sariling kwarto niya. Natutuwa siya sa mga napagtatagumpayan ng kanyang kapatid. Ngunit minsan ay naiinis rin siya dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya mapantayan kung anong kakayahan nito. Mas paborito rin ito ng magulang niya, na siyang lalong kinaiinisan niya dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook