Nasa kagubatan sina Hermes, kasama ang mga kasamahan niya at nagpapahinga. Naabutan na kasi sila ng dilim sa daan kaya nagpahinga muna sila. Naghahanda ang ilang kasama niya nang makakain nila. Samantalang siya ay nakaupo at nakatingin sa malaking buwan sa itaas. Napansin siya ni Rico kaya nilapitan siya nito. "Ano na naman ang iniisip mo?" puna sa kanya nito. Narinig ni Rico ang pagbuntong-hininga niya. Kaya naman tinabihan niya ito. "Iniisip mo ba ang Princesa?" tanong ni Rico kay Hermes. "Oo, iniisip ko kung kumusta na kaya siya. Hindi madali ang mga nalaman niya, kaya alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya," sabi ni Hermes. Sumang ayon naman si Rico sa sinabi ni Hermes at napatango. "Oo, talagang hindi iyon madali para sa princesa. Ngunit kailangan niyang tanggapin

