THIRD PERSON POV Kinabukasan ay parehong nakayuko sina Hermes sa harapan ng hari at reyna ng Albania. Bumalik na sa dati ang lakas ng reyna dahil sa paggamot dito ni Reus. "Hermes, nais kong ipaalala saiyo ang kaligtasan ng Princesa. Sana magawa mo ang tungkulin mo sa kanya, kahit na babawiin mo rin kay Agathon ang dati mong kaharian," sabi ng hari kay Hermes. Nag angat naman nang tingin si Hermes dito. "Makakaasa kayo, mahal na Hari. Ililigtas namin si Amera at ibabalik nang maayos sainyo," pangako ni Hermes dito. Tumango naman ang hari sa kanya. Tiningnan nang mahal na hari ang mga kasamahan ni Hermes. "Inaasahan kong tutulungan niyo si Hermes sa misyon na gagawin niyo. Kay pagbutihin niyo," sabi sa mga ito. Tumango naman ang mga ito sa hari ata sabay na sumang ayon dito. "A

