2 YEARS LATER
Naging regular client ni Fems si mr. de Guzman every 2nd week ito kung magpamasahe sa kanya at lagi sya ditong may tip. Every christmas may regalo din ito, naging close na din nya ito, sapagkat naging matalik nyang kaibigan ang kapatid nitong si Janna.
Marami din syang nalaman tungkol sa family nila. Ang both parents nila ay nasa US kasama ang bunso nilang si Jacob dahil may business ang mga ito doon. Si Janna naman ay nagtayo na rin ng sarili nyang business ang "J's Cafeteria" may 3 branch na ito sa Manila sa loob lang ng isang taon. Ilang beses na nyang nakita ang mag asawang de Guzman at pawang mababait ang mga ito, ayaw nga nilang tatawagin ko silang sir and mam mas gusto nila ng tito at tita. Umuuwi ang mga ito paminsan minsan pag may okasyon sa kanila.Medyo nawiwili nga sa kanya si mrs. de Guzman at gustong syang tumira sa mansyon nila.hahaha ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng mga taong kahit di ka kadugo ay mahal na mahal ka.
Tungkol naman sa pamilya nya ay patuloy pa rin syang nagsesearch sa f*******: ng mga kaapelyedo ng mama nya at pinaprivate message ang mga ito. Nagbabakasakaling isa sila sa kamag anak nito. Medyo nawawalan na din sya ng pag asa sapagkat apelyedo lang ng mama nya ang alam nya at taga bicol. Napakalawak ng bicol para lang hanapin ang mga ito. Ilang buwan na din nyang ginagawa ang paghahanap kaya lang ay bigo siya.
Araw ngayon Linggo pinaday off sya ngayon ng boss nya, kaya nakahilata pa din sya kahit alas dyes na ng umaga. Nag-iinat sya ng kamay ng tumunog ang cellphone hudyat na may message sya. Tinatamad man ay kinuha nya iyon sa may gilid ng kama nya at tiningnan kung sino ang nagchat. Mimikat mikat nyang binasa iyon.
" Good morning po ate, ako po pala si France Gomez yung menissage mo. Inask ko si mama kung kilala nya yung sinabi mo pong pangalan. Sabi nya ate, may kapatid daw syang Bianca Gomez na nagtanan at sumama sa lalaking taga Batangas noong 1997, pero simula nun ay wala ng nabalitaan si nanay tungkol sa kanya." agad naman nya itong nireplayan.
" Good morning din bhe, ako kasi yung anak na babae nung sinabi ko sa inyong pangalan hinahanap ko po kasi ang iba pang kamag anak ng mama ko. Andiyan ba ang mama mo? Maari ko bang makavideo call kayo kung okay lang?" kinakabahan man ay mas nanaig ang kuryusidad na malaman kung sila na ba ang matagal na nyang hinahanap na kamag anak.
Nagbangon na sya para makapag-toothbrush at makapag-hilamos. Di na rin nya naisip na kumain ng umagahan dahil na-i-excite syang makausap sila France. Habang nagsusuklay ay narinig nyang nagtunog ang message tone nya, kaya mabilis nya yung kinuha at tiningnan ang nagmessage.
" Okay naman po ate, anytime po?." nang mabasa nya iyon ay agad nyang inayos ang sarili at nang masatisfied sa itsura ay pinindot na nya call button. Nakakadalawang ring palang ng sagutin nito iyon. Bumungad sa kanya ang isang babaeng maganda na nakangiti habang kumakaway. Ginantihan nya ito ng kaway habang nakangiti.
" H-hello din bhe. K-kamusta ka?" nagkakanda-utal nyang sabi dito. Sa totoo lang ay kinakabahan sya di nya alam kung matatanggap sya ng mga ito kung sakaling ito ay kamag anak talaga ng kanyang ina. "bhe andiyan ba ang mama mo? pwede ko ba syang makausap?"
" Ahm okay lang po ako. hmm oo naman po pwede nyo syang makausap, saglit lang po at tatawagin ko sya." di na sya nito inantay na makasagot , dahil umalis na ito. Di rin naman nagtagal ay may nakita syang medyo may edad na babae, sa wari nya ay ito na ang ina ng kausap nya kanina dahil may pagkakahawig nila. Napansin din nya ang pagakakahawig ng babae sa mama nya parehas sila ng pangangatawan, buhok, ang labi at ang mata nito ay parehas na parehas gaya ng sa mama nya lalo na ng tuluyan na itong lumapit sa camera at makita nya ang mga mata nito.
" Ahm magandang tanghali hija, ano ba ang maipaglilingkod ko sayo?" nakangiti nitong sabi sa kanya. Gumanti naman sya ng ngiti dito.
" ahm gusto ko lang po sanang itanong kung kakilala nyo ang mama kong si Bianca Gomez?"
" Ako ang nakakatandang kapatid ng iyong ina hija, panganay lamang ako sa kanya ng dalawang taon. Ako pala si Bernadeth ,pero tawagin mo nalang akong tita Badeth hija. Nasaan na pala ang iyong ina? Matagal na kaming nangungulila sa kanya." mahabang paliwanag nito na mababakasan ng lungkot sa boses nito sa huling sinabi. Di nya mapigilan ang pagluha kaya tumungo sya upang hindi nito makita iyon. Mabilis naman nyang pinahid ang luha at tumingin sa cellphone na nagpaskil ng pekeng ngiti.
" Si mama po? M-matagal na po syang wala nasa high school po ako nang parehas mamatay ang mga magulang ko dahil sa aksidente." di na nya napigilan ang mga luhang tumulo sa kanyang mga pisngi. Nakita nya itong nagulat at tinakpan ang bibig ng dalawang kamay at bigla itong tumungo. Alam nyang umiiyak ito kasi yumuyogyog ang balikat nito, samantalang ang anak naman nito ay hinahagod ang likod ng ina. Umangat ito ng mukha, nakita nyang mugto na agad ang mga nito na medyo namumula.
" Pasensya na hija kung di ka namin nadamayan noong mga panahon na yun. Di man lang namin nasabi sa kanyang namimiss, at napatawad na namin sya. Nasaan ka pala ngayon hija?" tanong nito sa kanya.
" Nandito po ako sa Manila nagwowork po ako sa spa. Kayo tita san po kayo sa Bicol?" balik tanong naman nya dito.
" Dito kami sa Camarines Norte hija, wala ka na bang ibang kapatid hija?"
" Wala na po, di na po ako sinundan ng mga magulang dahil sa hirap ng buhay."
" Ahm tama naman sila, kung may time ka punta ka dito sa amin ng makilala mo din ang iba mo pang mga kamag anak dito. Siguradong matutuwa silang makilala ka." masaya na nitong sabi na tila biglang naexcite. Sya man ay naexcite din sa sinabing iyon ng tiyahin. Makakabakasyon sya kung gusto nya dahil di pa sya nakakabasyon ng mahaba simula ng pumasok sya sa spa. Laging isa o dalawang araw lang ang paalam nya dito at nasa anim na buwan na nung huling nagpaalam sya.
" Magandang ideya po yan. Hayaan nyo po at pag ako po ay may time eh pupuntahan ko kayo diyan sa bicol."
" Bhebz sinong kausap mo?" nagulat pa sya ng makita itong nakasandal sa pinto na tila kanina pa ito dito at pinagmamasdan lang sya.
" Ahm nakita ko na yung mga kamag anak ng mama ko sa bicol." nakangiti kong sabi dito "Halika papakilala kita bhebz." lumapit naman ito sa kanya, umakbay ito sa kanya at saka sya hinalikat sa pisngi. Sanay na sila sa ganoong gesture sa isa't isa. Mabeso tuwing magkikita at magpaalam sa isa't isa. Tumingin naman ito sa cellphone nya at kinawayan ang mga kausap nya. "Tita Badeth, France si Janna po pala , my sister in the other parents." natawa sila parehas ni Janna sa sinabi nya, ang mga kausap naman nya ay mga nakakunot ang noo tila naguguluhan sa sinabi nya.
" Ate Fems, paano naman po nangyari kapatid nyo sya pero iba ang parents nyo? di ko po maintindihan." seryosong sabi ni France sa kanya.
" Ganito kasi yan bhe, kami ni ate Janna mo eh parehas walang kapatid na babae. Pero nang magkakilala kami ay parehas nang magaan ang loob namin sa isa't isa, then we dicided to be a sister, di ba bhebz?" tumango naman habang hindi nawawala ang ngiti ni Janna.
" Ahhh kaya pala. hehehe. Ate baka gusto nyo pong isama si ate Janna dito pagnagpunta ka, siguradong maaaligaga nanaman ang mga pinsan nating lalaki dito sobrang ganda kasi ni ate Janna ehh.hahahah" sabi ni France, kaya natawa na silang lahat sa sinabi nito.
" Oo naman bhe isasama ko talaga to pagpunta ko diyan. Chat chat nalang tayo hah? may gagawin pa kasi ako, tyaka may ginagawa ata si tita ng tumawag ako." pamamaalam nya sa kausap. Nalimutan kasi nyang may lakad pala sila ni Janna ngayon kasi nabanggit nya kagabi na off nya ngayon kaya nagyaya itong magliwaliw nanaman. Ganun sila lagi kapag off nya, kasi si Janna eh may sarili namang oras kaya wala sa kanyang problema anytime.
" Oh sya, sige na hija magpasabi ka nalang kung kayo ay pupunta dito ha at ng kami'y makapaghanda. Mauuna na din ako at madami pa akong labahan eh napakasipag nitong pinsan mo di man lang ako tulungan." sinundot pa nito sa tagiliran ang anak ,na kinatawa nito. Nakakainggit naman sila, kung buhay lang ang mama nya siguradong ganyan din sila kaclose, sa isip-isip nya.
" Sige po mag iingat po kayo lagi. Masayang masaya po akong nakilala ko na kayo. Excited na nga po akong makita kayo sa personal at mayakap kayo."
" Kayo din mga hija lagi kayong mag-iingat diyan , eh kagaganda nyo pa naman. Siguradong di kayo nauubusan ng manliligaw." pahabol na biro pa ng kanyang tita. Kaya nagtawanan sila.
" Naku tita, itong pamankin mo po, di pa man lang nakakasabing manliligaw, eh tinatarayan na ang mga lalaking lumalapit sa kanya, kaya di na ako magtatakang tumandang dalaga po ito." balik biro naman ni Janna . Kunwari naman ay sinimangutan nya ito at inisnaban na lalong kinatawa nilang lahat.
" Ohh sya sya, ba-bye na sa inyo." sabi ng tita nya.
" Okay po, bye po. " kumaway muna sya bago nya pinindot ang end button. Bigla naman syang niyakap ni Janna. Nagatataka man ay gumanti sya ng yakap at hinagod ang likod nito. " May problema ba bhebz? " tumikal naman ito sa pagkakayakap at tyaka umiiling.
" Wala akong problema. Masaya lang ako para sayo kasi nakita mo na yung matagal mo ng hinahanap. Bunos pa na sa tingin ko'y mababait ang family mo sa mother side." mahabang paliwanag nito. Tumango lang ako niyakap sya uli. " Bhebz, ligo kana. Mabaho kana eh, tyaka magbo-boy hunt pa tayo di ba?" biro nito sa kanya kaya natawa naman sya. Tumayo na sya at pumunta ng banyo, para maligo. Iniwan nya itong nakangiti.