After makapagpaalam at payagan ng amo nya si Fems ng ilang araw na bakasyon ay tinawagan agad nya si Janna.
"hello bhebz pinayagan ako ni boss KZ ng 4days vication, so ano tuloy tayo bukas sa bicol ?" sabi nya kay Janna habang ipit ipit ang kanyang cellphone ng kanyang balikat. Nagliligpit na sya kasi nakiusap sya na ma-out sya ng maaga para makapaggayak at makabili ng pasalubong para sa family nya sa bicol.
"Oo naman, asan ka ba ngayon?" sabi ni Janna sa kabilang linya.
" Dito sa spa pa nagaasikaso pauwi,bakit? Ikaw asan ka ba ngayon?"
" Nagdadrive ako now papunta na ako dyan susunduin kita, actually malapit na ako.hahahah"
" Ahh okay sige, malabas na ako." nagtataka man sya kung bakit pupunta don sa spa si Janna ay binalewala nalamang nya.Lumakad na sya at nagpaalam sa mga kasama at sa boss para sa labas na mag antay kay Janna. Halos kalalabas palamang nya ng dumating ito. Lumapit sya dito ng nakangiti at sumakay sa kotse nito sa frontseat.
" So ano san tayo?" tanong nito sa kanya.
" Mall muna tayo bili tayo ng pasalubong then sa bahay para makapaggayak ako ng susuoting damit pagpunta ng bicol." mahabang paliwanag nya. "Wait ano nga palang gagawin mo sa spa at ang aga mo atang pumunta?" nagtatakang tanong nya dito kahit di pa nakakasagot sa sinabi nya kanina.
" Hmmm i call KZ if pinayagan ka nya and sinabi nyang oo then sinabi na din nya 2pm ka ma-out so i'm hear that early." paliwanag nito sa kanya kaya napatango tango nalang sya.
Habang nagdadrive si Janna di nya maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang mga kamag anak sa kanya kung matatanggap ba sya o hindi. Isa pa sa iniisip nya kung ano ang kanyang ipapasalubong sa mga kamag anak nya at kung gaano ba sila kadami.
Nang makarating sa mall ay kung ano ano nalang ang kanilang pinamiling pagkain karamihan puro chocolate. After nila sa mall ay umuwi na sya para makapaggayak. Napag usapan na din nila ni Janna na bahay na nila sya matutulog parang isang byahe nalang. At iaask pa nila sa driver nila kung alam ba nun yung papunta sa bicol kasi ayaw ni Janna sanang magcommute.
Mga 8pm na ng makauwi sila sa bahay nila Janna. Pagpasok nila ay nakita nya si sir Jake na nakaupo sa sofa habang may kausap na babae. Sa tingin nya ito yung girlfriend nya, kung makayakap kasi kay sir wagas parang ayaw ng pagkawalan.
" Ehemmm, " tikhim ni Janna na nakaagaw ng atensiyon ng dalawa na sabay na lumingon sa kanila. Nakita naman nya ang pagkunot ng noo ng babae habang nakangiti ang kuya nya ay tumayo naman ito tyaka bumeso sa kapatid at ngiti lang naman ang ginawad nito sa kanya.
" Hmft may problema ba lil'sis?" nakangiting tanong nito sa kapatid.
" Hmm wala naman kuya, were just asking if pwede namin mahiram si kuya Albert. Were going to bicol tom kasi eh, i don't want to commute." sabi ni Janna sa kuya nya.
" Hmmf sure ,yun lang naman pala." pagkasabi nun ay yumakap naman si Janna sa kapatid tanda ng pasasalamat. Nakita din nyang biglang tumayo ang kasamang babae ni sir Jake.
" Ehemm " tikhim nito na nakapagtanggal ng yakap ni Janna sa kapatid. Tiningnan sya ni Janna at nagbeso.
"Ohh Faith andyan ka pala. BTW this is Fems my best friend." ramdam nya ang disgusto ng dalawa sa isa't isa pero nakipagkamay naman sya dito at ngumiti. Kitang kita nya ang pagsuyod ng mga mata nito sa kanya na mula ulo hanggang at sabay taas ng isang kilay.
" Nice to meet you Fems, ano palang gagawin nyo sa bicol, if you don't mind.?" tanong nito may napaskil na pekeng ngiti sa labi.
" Ahm don kasi nakatira ang family ko sa bicol, we're just gonna visit them and gagala na din ." sabi ko dito.
" Ahhhh okay."
" Kuya mauna na din kami sa taas ni Fems mag aasikaso pa kasi ako ng mga gamit na dadalhin namin. Let's go Fems"di na nya inantay makasagot ang kuya nya at niyaya na sya nito sa taas. Di pa man sila nakakalayo ng magsalita ulit ang kuya nya.
" Di na ba kayo kakain Janna? Kung gusto mo ipapainit ko kay manang yung ulam."
" No need na kuya kumain na kami sa apartment ni Fems, so aakyat na kami goodnight." sabi ni Janna at kumaway nalang sa kuya nya.
Nang nasa taas na sila ni Janna at napansin nyang sambakol ang mukha nito.
" Bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba?" takang tanong nya rito.
" Ewan, naasar talaga ako sa pagmumukha ng girlfriend ni kuya. Di ko nga alam kung paano yun nakakatagal sa ugali nun." nagtataka man syang napaisip kung anong ugali ba meron yung babae na yun maliban sa masama ito kung makatingin.
" Ano ba ang ugali nung jowa ni sir?" tanong nalang nya para mabawasan ang pag iisip.
" Haayst!!, napakaselosa kaya nun, sabi nga ni kuya ultimo ako pinagseselosan nun. daaah! akala mo naman kagandahan sya eh mas maganda ka pa nga don eh kung maayusan ka." di nya alam kung matutuwa ba sya o hindi sa sinabing iyon ni Janna. So sa itsura nya palang yun di pa sya naayusan.
" Di ko alam kung matutuwa o masasaktan ako sa sinabi mong yan Bhebz hahahah. At normal na magselos ang babae lalo na kung mahal mo ang isang tao nu? syempre ayaw nyang maagawan sya lalo na at ganun kagwapo ang jowa nya." bigla naman lumiwanag ang mukha nito sa di nya malamang dahilan. Kaya kumunot ang noo nya na nagtatanong kung bakit. Bigla naman itong hugalpak ng tawa at sinundot ang tagiliran nya. Nagtataka na talaga sya sa inaasal nito.
" So nagwagwapuhan ka kay kuya? eh di crush mo sya? Ayiiehh naman bhebz tagal nating magkasama ngayon ko lang nalaman na may crush ka pala sa kuya ko. Kelan ka pa nagkagusto sa kanya hah?" bigla naman lumaki ang mata nya sa sinabi nito, so yun pala ang dahilan kaya sya biglang naging ganun.
" Hahahah sira ka talaga, pag ba nagwapuhan may gusto na agad di ba pwedeng......." nag-iisip sya ng idudugsong don pero wala syang maisip. " Ahmm magligpit na tayo bhebz inaantok na kasi ako ehhh." sabay hikab kuno para makatakas sa pang aasar nito, kaya lang mas lalo ata itong nabuhayan na asarin sya dahil sa wala syang naidugsong sa paliwanag nya kanina. Kaya nakita nya sumilay ang mapang asar na ngiti nito sa kanya.
" Ai sus di pa kasi umamin ehhh, ano pa't naging kaibigan mo ako. Nakakapagtampo ka naman bhebz may nililihim ka pala sa akin." bigla nagtilos ang nguso nito na kala mo eh pwede ng sabitan ng kaladero hahaha.
" Hahahah sige payag na nga humahanga naman talaga ako sa kuya mo ,kasi sya yung idial man na pinapangarap ng kahit sinong babae diba? physical palang check na check na at napakagentleman pa. Kaya lang girl hanggang hanga lang tayo. Di kami bagay nu hello!!! langit at lupa ang pagitan girl. Tyaka malabong magustuhan nya ako, itsura kong to!!!" sabay tapik ng likod ng palad nya sa baba nya.
" hahaha kung alam mo lang bhebz, yan si kuya malihim na tao yan di mo mababasa, pero mabait na masungit. Kung single lang yun baka niligawan kana nun, sigurado." sa sinabing yun ni Janna, wala syang masabi kasi alam naman nyang mabiro ito kaya tumawa nalang sya.
" Tapos sasabihin mo sa akin bhebz in my dreams di ba? Uunahan na kita bhebz, kilala kita from head to toe kahit ilang years palang tayo nagkakasama." bigla naman itong umiling
" Sira totoo yun bhebz, tingin mo sa akin sinungaling?" tumango naman sya, kaya tumawa nalang ito at iiling iling. " Bahala ka nga kung ayaw mo maniwala sa akin. Feeling ko talaga may gusto yun sayo si kuya di nya lang maamin kasi may jowa sya." determinadong wika nito.
" Paano mo naman nasabi bhebz sa bibig mo na mismo nasabi na mahirap basahin yang si kuya mo, tyaka kung gusto nya ako di sana nakipagbreak na yun jowa nya di ba?" bigla naman itong napa isip sa sinabi nya at napatango.
" Ahm sabagay may point ka naman, kung di nya mahal yung babae na yun di sana nakipagbreak na sya. Tyaka napakaloyal nun ni kuya never yun nagcheat sa babaeng yun kahit napakaselosa at maarte nun. Kahit nga sila mommy di gusto ang ugali nun eh. Di lang nila masabi kasi alam nilang mahal ni kuya." mahabang paliwanag nito.
" See? Tas iuulot mo pa ako don sa kuya mo. Oh sya magayak ka na at nang makatulog na tayo para maaga tayo magising bukas. Naeexcite na ako bhebz na kinakabahan. I can't to see and hug them, gaano kaya kadami ang mga kamag anak ko don?" sabay tingin kay Janna na nag-uumpisa ng ilabas ang mga gamit nito na dadalhin sa bicol.
Naggayak na sila at pagkatapos ay natulog ng maaga para maaga magising kinabukasan.