Chapter 16

3557 Words

NANG mag-Hwebes ay naroon ulit ang mag-asawa para sa regular na trabaho sa bahay ni Clyde. Parang pinarurusahan niya ang sarili. Halos akuin niya ang lahat ng trabaho ng dalawa, pero hindi pumayag ang mga ito. Isinama siya ni Manang Sally sa paggo-grocery. At hanggang doon ay si Clyde pa rin ang naiisip niya. Nahihirapan na siya. Paano kung malaman ni Don Marciano ang ginagawa ng apo nito? At siya pa? Siya pa na taong pinagkatiwalaan ng matanda na maging mata kay Clyde ang magiging sagabal para matuloy ang kasunduan nito kay Mr. Belleza? Baka ipatapon sila ni Don Marciano palabas ng San Carlos kasama ng Ninang Lottie niya at ni Roswell. Nadamay pa niya sa gulo ang mga mahal sa buhay. At si Clyde? Paano kung interesado lang pala ito sa kaniya dahil isa siyang malaking hamon sa p*******

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD