Chapter 17

3268 Words

YAKAP at halik ang isinalubong ni Lottie kay Cruzette. Tuwang-tuwa at gulat na gulat ito sa kaniyang pagdating. "O, hanggang kailan ka ba dito? Ilang linggo na lang at tapos na ang kontrata mo," anito habang abala sa paghahanda ng pagkain. Hindi siya nakaabot sa hapunan ng mag-ina. "Ilang araw lang po, 'Nang." Ngumiti ito. "Siguro ay magkakutsaba kayo ni Roswell sa pagsorpresa sa akin, ano?" Hindi siya nakasagot. Nakaramdam siya ng guilt. Kung alam lang ng Ninang niya na ibang bagay ang nagtulak sa kaniya para umuwi, Pagod siya sa apat na oras na biyahe. Pero nahirapan pa rin siyang makatulog sa gabing iyon. Nagpaalam si Roswell na may party na pupuntahan. Niyaya pa siya nito, pero tumanggi siya. Wala siya sa mood. Hindi siya umuwi para mag-party o makihalubilo sa mga tao. Nag-iisip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD