PROLOGO
Hanapin ninyo! Hindi pa iyon nakakalayo! bulyaw ng isang lalaki sa mga kasamahan nito.
Ang mauunang makapagdala sa akin ng lalaking iyon ay mayroong malaking pabuya.
Sabay-sabay naman tumalima ang mga ito at nagsipag takbo sa iba't-ibang sulok ng gubat.
Lalo naman siyang nagsumiksik sa kinatataguang malalagong damo.
Nanghihina na siya dahil sa tinamong mga sugat, ngunit hindi niya ito alintana.
Ang tanging nasa isip niya sa mga oras na iyon ay ang makalayo sa mga humahabol sa kaniya.
Sangkot sa isang malaking sindikato ang mga taong humahabol sa kaniya.
Anim na buwan din niyang pinag-aralan ang pasikot-sikot sa loob ng sindikatong ito.
Hindi niya sukat-akalain na magtatraydor ang isa nilang kasamahan na nag-aundercover.
Nasilaw ito sa pera, dahilan upang mabulilyaso ang kanilang pag-aundercover.
Hindi pa alam sa kanilang base kung ano ang mga nangyari sa kanila ng kasamahan niya.
Dahil sa tinamong mga sugat at sobrang pagod ay nakatulog na siya sa kaniyang kinatataguan.
Hindi niya alam na ang pangyayaring ito ang magbabago ng kaniyang kapalaran...
Nagising siya sa malamyos at malalambot na kamay na dumadampi sa katawan niya.
Napaka-bango din ng sanghayang bumabalot sa kaniyang pang-amoy.
Hindi niya alam kung nananaginip ba siya, ngunit napaka-sarap sa pakiramdam ng panaginip na iyon.
SUSUNOD....