CHAPTER 1

851 Words
Niveya's POV: "Alam mong bata ka, wala ka talagang kahihiyan! Napakababoy mo! Para sa lalaking iyon sisirain mo ang buhay mo? Knowing na sira naman na bakit pati kami ay sisiraan mo pa lalo ng imahe!" sigaw sa akin ni dad. Malakas niya akong sinampiga kaya napadapa ako sa sahig. Nalalasahan ko naman ang dugong nagmumula sa sugat sa aking labi dulot ng malakas niyang sampal. "Hindi ko po intensyong sirain ang imahe niyo, maniwala po kayo sa akin. Ang gusto ko lang po ay makuha ang loob noon ni Zodiac! Mahal na mahal ko po siya at akala ko mas matimbang ang pagsasama namin noon. Kahit ngayon po ay nagsisisi na ako sa ginawa ko," umiiyak kong sabi. Malakas naman siyang tumawa at pinagbabasag ang mga mamahalin naming vase. Wala si mom at ang kapatid kong si Myra. Wala rin si Kuya Johnson na lagi kong kakampi at pinagtatanggol ako. "Ang kapal-kapal ng pagmumukha mo, Niveya! Pagkatapos ng kahihiyan sa kakambal mo, ito naman ngayon!? Putang ina ka! Verrotte in der Hölle!" gigil na sigaw ni dad. "Ahh! Dad, tama na po!" nagmamakaawa kong sigaw. Sabunot niya ang buhok ko habang kinakaladkad ako pataas ng hagdan. Umiiyak lamang ako at sumisigaw dahil sa sakit. Sobra na ang dinanas kong kahihiyan, pati ang pamilya ko ay minamaltrato pa ako. Lalo na sa nagawa ko noong nakaraan. Masyado akong nabulag at nagpakatanga. Masama ba ang magmahal? Iyong tipong minahal mo ng todo pero nakalimutan na ang pinagsamahan niyo dahil nakahanap ng mas better sa 'yo? Ibinalibag niya ako papasok sa aking kwarto at binato pa ng baso. Tumama iyon sa binti ko at nabasag nang bunagsak sa sahig. Puro bubog na ang binti ko at sobrang sakit. Pero kahit na halos mamatay na ako sa pisikal na sakit, mas sobra pa ang dinanas ko emosyonal. Matagal umalis si dad at ngayong bumalik siya ay binugbog niya ako dahil sa nagawa ko noon kay Zodiac kahit halos lima o apat na taon na yata ang nakakalipas. Alam kong mali ang ginawa kong pagdakip kay Zodiac at ang video noon. Pero anong magagawa ko? Mahal ko si Zodiac. Alam kong mahal niya rin ako, pero noon na iyon. Tanging malalapit lang sa amin ang nakakita kabilang na ang mga magulang ko. Sobrang pagmamaltrato ang natamo ko sa kanila. Napailing na lamang ako at pilit na tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Masakit ang katawan ko at pagod na rin ako sa mga masasakit na salita. Alam kong mali ang ginawa ko, maling-mali. Pero anong magagawa ko? Nagmahal lang naman ako. Umupo ako sa kama at sinubukang bunutin ang mga bubog na nasa aking binti. Nahihilo na ako dahil sa gutom at pagod. Ganito lagi ang nagiging eksena ko kahit noong bata pa ako sa mg matapobre kong mga magulang. Dahil sa inis na hindi ko mabunot ang mga bubog sa binti ko ay humiga na lamang ako. Napangiti na lamang ako habang nagpupunas ng luha. Paano na ako ngayon? Kaya ko pa kayang lumabas ng bahay dahil sa kahihiyan? O kaya ko pa kaya ngayong mabuhay? - "Kawawa ka naman, inday. Lagi ka na laang bugbog sa iyong mga magulang. Dili man lang naawa sa imo," rinig kong sabi ng isang mahinang boses. Kahit nanlalambot ako at inaantok ay pilit akong magmulat. Bumungad sa akin si Aling Sina, ang katulong namin. Malapit siya sa akin lalo na kapag ganitong binubugbog ako ng mga magulang ko. Madalas akong nagigising na siya na ang gumagamot sa akin. "What time is it?" tanong ko kay Aling Sina. "Ay gabi na, inday. Siya nga pala nag-iwan si Ma'am Finn ng sulat para sa imo kanina," sabi ni Aling Sina at may iniabot na sobre. Nakita ko namang may benda na ang aking binti, napangiti ako. Mabuti pa si Aling Sina parang anak ang turing niya sa akin. Samantalang ang mga magulang ko, hindi lang basahan ang turing sa akin. Mas may silbi pa nga yata ang basahan sa tingin nila kaysa sa akin. "Baba na ako, inday. Pahinga mo imong sugat ha," nakangiting sabi ni Aling Sina. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya. Paglabas ni Aling Sina ay umayos ako ng upo sa kama. Medyo masakit pa ang buong katawan ko. Idagdag pang kakalabas ko lang noong nakaraan sa ospital dahil sa pagbaril sa akin ni Zodiac. Kinuha ko ang envelope at binasa ang sulat na nasa loob. Galing ito kay Finn. Bakit hindi na lang kasi nagtext. "Niveya, come with us sa Germany. Naikwento na naman sa akin ni Aling Sina ang ginawa sa 'yo ng mga magulang mo. You don't deserve that, b***h. Meet you at 8:00pm sa likod ng bahay niyo," basa ko sa sulat. Naiyukom ko ang papel at nagsimula nang manuot ang kaba sa aking sistema. Sasama ba ako kay Finn? Anong gagawin ko? Sobra na akong kinakabahan ngayon dahil nagtatalo ang desisyon ko. Alam kong kapag nanatili ako, malapit na rin akong patayin ni dad dahil sa galit niya. At kapag umalis ako, papatayin niya pa rin naman ako. Ano ang gagawin ko? Sasama na ba ako kila Finn sa pagtakas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD