Niveya's POV:
Kahit nagtatalo ang isip ko, mas pipiliin ko kung saan ako magligtas. Mas gusto kong humaba naman ang buhay ko.
Tumayo na ako at kinuha ang natitira kong pera. Mas maigi nang sumama ako kay Finn sa Germany. Atleast hahaba pa ang buhay ko.
Pagtingin ko sa orasan ay 8:15pm na pala. What the hell!? Baka nakaalis na sila!
Kaagad akong bumaba at patay na ang mga ilaw. Napakahirap pa at paika-ika ako dahil sa aking binti.
Advantage ko ngayon na hindi naman dito natutulog ang mga magulang ko. Hindi ko naman alam kung nasaan si Kuya Johnson habang si Myra naman ay may sariling condo.
Pagtingin ko sa guard house ay may mga bantay. Napamura na lamang ako at tumakbo papunta sa likod bahay. Kaagad naman akong kumuha ng hagdan at inakyat ang pader. Kailangan kong tiisin kahit sobrang sakit sa binti.
Alam kong mabilis nila akong mahuhuli dahil may CCTV sa palibot ng bahay namin. Pag-ikot ko sa kabilang parte ay muntik na akong mahulog.
"Finn! Nasaan ka Finn!?" sigaw ko.
Narinig ko namang may bumukas na kotse at nandoon pala siya sa dulo. Kaagad siyang tumakbo papunta sa direksyon ko. Kasama niya pala ang kapatid niyang si Zilvan.
Sinambot ako ni Zilvan at tumakbo na kaming tatlo. Napaiyak naman ako nang makasakay na sa kanilang sasakyan.
"f**k, I thought I am going to die," sabi ko sa kanila.
"b***h, you already died. Matagal ka nang nakatira sa impyerno," galit na sabi ni Finn.
For my whole existence, I am dying everyday. I lived in hell and now, I am running away from it.
Yakap naman ako ni Finn habang umiiyak kaming dalawa. Saksi siya sa araw-araw kong pasa noon kapag papasok kaming dalawa ni Selene sa school, ang kambal ko. I am their most hated child, up until now.
"Shh, things will get better. Trust me, tutulungan ka naming bumangon. You can do this if you are really willing to change your life," nakangiting sabi ni Finn.
"Stop the drama, ladies. Nandito na tayo. Grabe your things and let's go," masungit na sabi ni Zilvan.
Tumayo na kaming dalawa ni Finn at kinuha ang aming mga gamit. Nasa airport na kami. Mayaman sila at mayroong sariling private plane. I don't have a passport even some clothes to wear. Mukhang kailangan ko talagang makipagsapalaran sa Germany.
Naglakad na kami papasok sa airport at sumakay sa kanilang private plane. Napatingin na lamang ako sa baba habang umaangat na kami.
Starting now, this is when my life changes. And I know after a while, I will f****d it up again.
–
Ilang buwan na rin ang nakakalipas at maayos ang pamumuhay ko rito sa Germany. Marunong naman akong magsalita ng German dahil half kaming magkakapatid at pure German si dad.
Ang problema ay kailangan ko nga lang lumayo sa pamilya ni Finn. I want to do this para masigurado kong safe sila. Knowing dad, kaya niyang ipapatay ang buong angkan nila. He has a damn empire of extra bad people.
Dinadalaw pa rin naman nila ako minsan sa aking apartment. Medyo malayo ito ng isang city mula sa kanila. Bago na rin ang pangalan ko rito at mayroon akong fake id's. Kilala ako ngayon bilang Anja Odella Köhler. Anja ang tawag nila sa akin dito.
I am pursuing my dream career now, as a chef. Nag-aaral ako ng side courses ng pagiging chef. Masarap naman na ako magluto and this is one of my passion. I love cooking, at isa sa specialty ko ay ang crispy pata kare-kare ng Pinas.
Isa rin akong part-time assistant cook dito sa Flavorié. Isa siyang french restaurant na nagseserve ng pastry. Dito rin ako natutong magbake at magmold.
"Anja, gib das zu Tisch acht! / Anja, give these orders to table eight!" sigaw ng head cook naming si Mister Muller.
Ito rin minsan ang trabaho ko, waitress. Part-time lamang ako sa pagiging assistant cook. Kadalasan akong nagwawaitress sa labas.
Hinatid ko na ang strawberry cheesecake na inorder ng table eight. Pagtuwad ko at akmang ilalagay na rin ang mga milkshake ay biglang may bumangga sa balakang ko.
Muntik pa akong magsungaba at napasigaw itong babaeng nasa table eight. Nanlaki naman ang mata ko at humingi ng tawad.
Pagtalikod ko para sana sisihin ang bumangga sa akin ay napanganga ako. Agad ko namang itikinom ang bibig ko at tinaasan siya ng kilay.
Isa siyang matanggap na lalaking palagay ko ay matanggad pa kay Kuya Johnson. Parang nasa 6'4 na ang tangkad niya. Nakatakong na ako pero hanggang dibdib niya lamang ako.
Matangos ang kaniyang ilong at ang panga ay sobrang ganda ng pagkakadepina. Mayroon din siyang dark blonde na buhok at malinis tingnan na gupit. Idagdag pa ang mapula niyang labi at ang napakagandang pares ng berdeng mata.
"You need something?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa wisyo.
"You bumped me! I accidentally spilled the orders on her! Look!" sigaw ko at tinuro ang babae.
Masama itong nakatingin sa akin at halos maglaway naman nang mapatingin sa mamang berde ang matang ito.
"Are you Radon Andrei Caruso? It is not your fault handsome! It is her fault! She's too clumsy!" sigaw nitong babae kaya napaigtad ako.
Napaturo naman ako sa sarili ko. Ako talaga? Kapag mukhang dukha siya may kasalanan? Eh dinali ako nitong gwapong 'to!
"It is not my fault! It is his!" pakikipagtalo ko naman.
Napatingin naman ako rito sa Radon. Halos umusok na ang ilong ko sa inis pero parang nang-aasar pa ito.
"Not guilty, sexy. It is your fault," nakangisi niyang sabi at nilampasan ako.
Nahuli naman ako ni Mister Muller sa akto kaya pinagalitan niya ako. Suspendido ako ngayong araw at walang sweldo. Kapag sinuswerte nga naman oh. Aish, malas iyong lalaking iyon!