CHAPTER 3

895 Words
Niveya's POV: Wala akong nagawa kundi kuhanin ang gamit ko at magpalit sa banyo. Nagpalit ako ng pang-itaas na isang knitted top. Sunod ko namang itinali ang buhok ko. Dahil nagbago ako ng pangalan, may disguise rin ako. Nagpakulay ako ng blonde at nagsusuot ng blue contact lense. Mas namuti rin ako at nadepina ang katawan dito dahil sa trabaho. Lumabas ako ng banyo at nakasalubong ko na naman itong lalaking may berdeng mata. Inirapan ko lang siya at nilampasan. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas nang hilahin niya ang braso ko. Mariin niya naman akong tinitigan. "Do you know who I am?" tanong niya. "I heard that you are Radon," sagot ko. "Seriously? Where province are you from?" takang tanong niya. "Somewhere that you don't exist," sagot ko at hinila ang aking braso. Tumakbo na ako at naglakad palayo sa kaniya. Sumakay naman ako ng taxi at nagpadala sa apartment ko. Pagbaba ko ng taxi ay nagbayad na ako. Tinubuan pa ng 1 euro ni manong ang bayad dahil daw nagmamadali ako, kainis. Akala ko sa Pinas lang madaming kupal. Pumasok na ako sa aking apartment at kaagad na humiga sa kama. Studio type lang ito at napakamura na nga ng renta ko sa halagang 60 euro. Nagtanggal ako ng contact lense bago kaagad naligo at nagpalit ng ternong pantulog. Handa na sana akong matulog muna saglit nang tumunog ang cellphone ko. Inis ko namang dinampot ang cellphone kong nasa halagang 20 euro lang. Mas mabilis pa nga yata akong maglakad kaysa sa pagloloading nito. Kung dati ay sanay ako sa yaman at magagarang gamit, nasanay naman ako ngayon sa simpleng pamumuhay. Imbis din na malungkot ako, I feel contended. Mahirap man ako ay iwas naman ako sa gulo at walang pinoproblema. "Hallo," bati ko in German. "Hallo, si Finn ito. Tagalog please," pag-iinarte niya. Napa-irap naman ako at tumayo. Nagtungo ako sa kusina dahil nagugutom na ako. Alas kwatro na rin kasi ng hapon. "Anong kailangan mo aber? Papasama ka na naman magwaldas ng pera?" tanong ko. "Grabe ka naman, pass muna ako r'yan. Sinermonan ako ni Kuya Zilvan nung nakaraan dahil halos 5,000 euro ang nagastos ko. Nakafreeze nga ng isang linggo ang credit card ko," sagot nito. Napa-irap na lamang ako. Naaalala kong ganoon kami dati ni Myra. Kumusta na kaya si Myra? Wala akong balita sa kaniya. Si Kuya Johnson lang ang madalas kong kausap. "Siya nga pala, invite kita mamaya sa ika-tatlong taon ng kumpanya. Sumama ka ha! Maraming pogi roon at hot bachelors!" kinikilig na sabi ni Finn. "Finn, pass na ako sa mga gwapo na iyan. Ayaw ko na munang magmahal. Baka nga totohanin ko na ang pagpapanggap kong pagmamadre sa mga magulang ko," natatawa kong sabi. Ang balita sa Pinas ay nagmamadre ako. Ayaw ko na ring pag-usapan nila ang pamilya ko dahil lalong lalala ang galit sa akin ni dad. Baka ipabomba niya ang lahat ng city rito sa Germany mapatay lang ako. "Sige na, Niveya! Pwede mo namang suotin iyong wig mo r'yan. Minsan lang naman kaya pagbigyan mo na ako," pagpapaawa ni Finn. Napabuntong hininga na lamang ako. Wala naman akong magagawa. At saka, sa ganitong pagsama ko lang kay Finn ako nakakabawi. Marami nang naitulong ang pamilya niya sa akin. "Fine, anong oras ba? At saka saan?" tanong ko. "Yehey thank you, Niveya! Ngayon na mismo nasa labas na ng apartment mo si Kuya Zilvan. Dito rin naman sa may city niyo ang bar kaya mabilis lang. Hintayin na lang kita rito!" sigaw ni Finn at ibinaba ng tawag. "Damn it!" aligaga kong sigaw. Napatalon naman akong tinakbo ang cabinet para kumuha ng damit. Mabuti na lamang at binigyan ako ni Finn ng mga pangharabas. Ang nahila kong damit ay isang mid-thigh gold dress na kumikinang. Spaghetti strap din ito na lalong nagpadepina ng maganda kong collarbone. Para din itong nakayakap sa aking katawan kaya depinang-depina ang bawat kurba. Nagsuot naman ako ng strap heels na may 3 inch at kulay itim. Isinuot ko na rin ang disguise ko, kaunting make-up, at ang blue contact lense. Hindi na ako nagdala ng cellphone at bag dahil malilimutin naman ako. Inilock ko ang apartment at tinakbo ang sasakyan ni Zilvan. Kulay pula itong ferrari. "What took you so long?" bagot niyang tanong. "Pasensya na, kakatawag lang kasi ni Finn. Nagmadali na nga akong magbihis," sagot ko. Bumuntong hininga lamang ito at sumenyas na sumakay na ako. Gentleman naman si Zilvan pero sa ganitong pagkakataon ay hindi talaga siya nalabas ng kotse. Delikado kasi dahil marami rin silang kalaban sa negosyo at baka barilin na lamang siya. Nagmaneho na si Zilvan at ilang minuto lang ay nasa bar na kami. Hinarang pa kami ng bouncer pero nang makita nito si Zilvan ay pinapasok na kami. "Enjoy the night," sabi ni Zilvan bago naglaho sa dagat ng mga tao. Nagpalinga-linga naman ako. Napaganda at moderno ang style nitong bar. Marami ring magaganda babae at sopistikada. Nakita ko naman si Finn na nasa may bar counter. Kaagad akong tumabi sa kaniya at nakipagbeso. "Two bloody mary please!" sigaw ni Finn. Napabuntong hininga na lamang ako dahil mukhang mapapasubo na naman ako kay Finn. Sana ay deretso pa ang lakad ko kapag nakauwi. Paglingon ko sa kanan ay biglang nagdilim ang paningin ko. Nakita ko na naman iyong lalaking may berdeng mata na sumira ng araw ko kanina, Bwisit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD