Niveya's POV: "That's a good one, Anja. Rest for now. Bukas ka na magsimula ng trabaho mo," sabi ni Radon at iniwan akong mag-isa rito sa private room niya. Tulala akong nakatagilid dito sa kama ni Radon. Kakatapos lang ulit naming gawin iyon. He promised me na titigil siya sa pag-iimbestiga, panandalian. Natatakot akong baka sa susunod ay mag-imbestiga na siya. It will be the death of me. Baka kapalit na naman ng hindi niya pag-iimbestiga ay katawan ko. Bakit ba kasi ako pa? Napakarami niyang babaeng hindi hamak naman na mas maganda sa akin! May tumulong luha mula sa aking mata. Kaagad ko naman itong pinunasan at napahigpit ang aking kapit sa comforter na nakataklob sa aking hubad na katawan. Alam kong konting tiis na lang, makakatakas din ako sa lahat ng ito. Lalaya kaming magkakapat

