Niveya's POV: "Bakit kayo magkasama ni Radon? Kailan pa kayo nagkakilala?" seryosong tanong sa akin ni Zilvan. "Sa party kami dati nagkakilala noon ng kumpanya niyo, noong anniversary. Tapos nagkasalubong lang kami kanina tapos may masamang nangyari sa akin, ayon tinulungan niya ko. Pasensya ka na sa abala. Hindi kasi nagrereply kanina si Finn," sagot ko naman kay Zilvan. "Stay away from him, Niveya. Hindi siya iyong tipo ng tao na kinakaibigan ang mga babae. I know him, babaero ang isang iyon. Medyo nagkukulong nga lang ngayon at hindi sumasama sa amin. We don't know what is inside his mind. Binalaan na kitang babaero ang isang iyon. Don't fall for him," payo naman ni Zilvan. Tumango na lamang ako at tumingin sa dinadaanan namin. Pauwi na kami ngayon sa unit ni Finn. Alalang-alala r

