CHAPTER 7

1874 Words
Niveya's POV: Seryoso si Radon habang nagmamaneho kaya hindi muna ako nagsalita. Nakakatakot pala siya depende sa mood niya. Baka mamaya kapag nainis siya sa akin ay iwan niya na lang ako sa tabi. Ayaw ko namang magmukhang kawawang iika-ika na maglakad. Ginagawan na rin naman niya ako ng pabor. Makalipas pa ang ilang minuto ay tumigil kami sa harap ng isang subdivision. Binati pa si Radon ng guard saka kami nakapasok sa loob. Mukhang mayayaman lamang ang mga nakatira dito. Talagang elite itong si Radon at baka kapag may nakakita sa amin ay maging issue kami. Makakasira iyon sa maganda niyang reputasyon. Although, panigurado naman na maraming nalilink sa kaniyang mga babae. Natatakot din akong baka mahanap ako ng aking mga magulang kapag nalink ako kay Radon dahil sikat siya. Paniguradong mababalita iyon sa TV. Tumigil kami sa tapat ng isang napakaganda at malaking bahay. Inakay naman ako pababa ni Radon ng kotse at binuhat na papasok sa bahay niya. Hindi ako umimik hanggang sa makapasok kami sa loob. "Bakit mo ako dinala rito?" tanong ko kay Radon. "I need to treat your sprain," blangko niyang sabi at tinalikuran ako. Naglakad siya palayo kaya inilibot ko ang aking tingin dito sa bahay niya. Maganda ito, malaki, at talagang bongga. Kitang-kita mo rin ang touch of European Architecture. Paniguradong mahal ang pagawa rito. Idagdag pang nasa isang exclusive subdivision si Radon at nasa Germany talaga kami, sobrang yaman niya siguro. Mas mayaman pa kaya siya sa Kuya Johnson ko? Nakalagay naman sa mga website ang kita nila. Pasok pa nga si Kuya Johnson sa mga hot batchelors na mayroong mayamang kumpanya at kilala sa mundo. Nang makabalik si Radon ay may hawak siyang plangganita at pouch. Sinimulan niyang linisan ang sugat sa gilid ng paa ko at lagyan ito ng ointment. Nasprain din ako dahil sa aking kalokohan. Binalutan niya rin ng parang garter na peach iyong paa ko. Nasprain kasi kaya hindi ako makakalakad ng ayos. Hindi ko nga lang alam kung para saan ang inilagay niyang iyon. "U-Uhm Radon, pwede ba akong magtanong?" tanong ko. "Ano 'yon?" tanong naman niya. "Paano ako uuwi? Parang ang layo kasi nitong bahay mo sa may guardhouse. Hindi rin ako makalakad ng ayos kaya baka hindi ko maabot hanggang doon. May dumadaan ba ritong taxi?" tanong ko. Mahina namang tumawa si Radon at tinitigan ako. Nakakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Bakit niya ako tinawanan? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nakakainis naman ang isang ito. "Stay here for awhile, dito ka na rin magpalipas ng gabi. Wala namang problema sa akin," sabi niya. "Ay hala mag-aalala 'yong bff ko! Magpapasundo na lang ako kay Zilvan," sabi ko kay Radon. "Sino naman si Zilvan?" takang tanong niya. "Kuya ni Finn, kaibigan ko rin. Bakit kilala mo?" tanong ko. "No," tipid niyang sagot. Tinalikuran ulit ako ni Radon at parang nagpunta siya sa may bandang kusina. Napanguso naman ako dahil ayaw kong magstay rito. Iniiwasan ko nga siya tapos dito pa ako makikitulog! Aba, kota na ang tadhana! Kailangan kong gumawa ng aksyon! Kaso wala naman din akong choice. Bakit ba naman kasi ang tanga ko para talunin iyong bintana. Ito tuloy ngayon ang inabot ko, sprain sa paa at sugat. Idagdag pang lalo pa kaming nagkalapit ni Radon. Ayaw kong mapalapit sa kaniya dahil baka malaman niya kung sino ako. Naaalala ko rin ang katangahan kong nangyari sa amin. Hindi ko pa rin maisip na nakipag-one night stand ako. Lintek na iyan, ang tanga! Argh! Gusto ko na namang umiyak pero kailangan kong indahin ang katangahan ko! Pagbalik ni Radon ay may bitbit siyang tray. May laman 'yong waffle at dalawang baso ng orange juice. Umupo naman siya sa tabi ko at niyaya akong kumain. "Wala ka bang kasama rito?" tanong ko at uminom ng orange juice. "Mayroon, nasa maid's quarter ang mga katulong. Lumalabas sila tuwing breakfast, lunch, and dinner. Minsan ay ako kasi ang nag-aasikaso sa sarili ko," sagot niya kaya napatango naman ako. Kumain kaming dalawa kaya natahimik lamang ako. Nahihiya ako kay Radon na parang naiilang. Tuwing naaalala ko ang nangyari sa amin noon ay parang gusto kong sampalin ang sarili ko. Ang gaga mo talaga! "Pwede mo ba akong ihatid mamaya? Kailangan ko talagang umuwi," pagpapaawa ko kay Radon. "Hindi kita maihahatid dahil marami akong gagawin. Dito ka na matulog at huwag kang mag-alala dahil wala naman mangyayaring masama. Hindi bale kung gusto mong mayroon–" Hinampas ko si Radon kaya natawa naman siya. Napairap pa ako nang iabot niya ang mga gamit ko. "Anja Odella Köhler, ayos ah. Half pinay ka?" tanong ni Radon. "Oo kaya huwag kang stalker," pairap ko namang sabi. Kinakabahan ako dahil baka tiningnan niya ang papeles ko. Mamaya ay malaman niya ang aking fake identity bilang si Anja at ang kunyaring pagpasok ko sa kumbento. Baka pa-imbistigahan ako ng isang ito. Sabihin pa ako ng mga issue dahil sa nangyari sa amin. "Tsk, I'm not a stalker. Naalala mo ba iyong bag na naiwan mo noon sa bar? Ako ang nagdala no'n pagkatapos mo akong iwang tulog. Why did you left me by the way?" tanong niya. "Tsk, wala ka na roon. Saka pagkakamali lang ang nangyari sa atin. Lasing ako at hindi ko iyon ginusto," naiinis kong sabi. "Wow, really? But you moaned my name and asked me to continue–" Nasampiga ko si Radon dahil sa inis. Ang tingin niya ba sa akin ay katulad ng mga babaeng naikakama niya? Pwes, ibahin niya ako! Bwiset na babaerong ito. Nagsisisi na talaga akong sumama pa ako sa kaniya rito. Lasing lang talaga ako noon. Akala ko pa nga yata ay nananaginip ako. "Kung sa tingin mo gold digger ako at pokpok tulad ng ibang babae mo, pwes nagkakamali ka. Ibahin mo ako, Mr. Radon Andrei Caruso. Kung wala ka nang kailangan sa akin ay aalis na ako. Pakisuyo na lang ng bag ko na naiwanan ko noon sa bar dahil nandoon ang iba kong ID. Salamat din sa tulong mo kanina at sa libre," seryosong sabi ko kay Radon. Kita ko naman ang pagdilim ng ekspresyon niya dahil sa pagsampal ko. Mukhang ngayon pa lang yata siya nakatikim ng sampal. Buti nga sa kaniya, bwiset siya. "Pagkatapos mo akong sampalin uutusan mo ako? Ngayon lang yata ako nakakilala ng babaeng tulad mo," nakangisi niyang sabi. Ang bilis naman mag-iba ng mood niya. "Edi congrats," sarkastiko ko namang tugon. Tumayo si Radon at nagulat ako nang buhatin niya ako. Naglilikot naman ako para bitawan niya pero wala lang din pati ang pagsuntok ko. Umakyat kami sa taas. Pumasok kami sa isang kwarto at ibinaba niya ako sa kama. Kinumutan niya pa ako bago nakapameywang na humarap sa akin. "Rest for the mean time. Kung may kailangan ka nasa opisina lang ako. Use the landline to call me," sabi ni Radon at lumabas na ng kwarto. Napabuntong hininga na lamang ako dahil mukhang wala akong magagawa. Isa pa napagod din ako kaya makapagpahinga muna saglit. Subukan lang akong ligaligin nung Radon na iyon ay makakatikim siya sa akin. Nakaidlip ako kaya paggising ko ay tiningnan ko ang oras. Alas kwatro na pala ng hapon at malapit na umuwi si Finn. Baka mag-alala ang babaitang iyon sa akin kapag gabi na ay wala pa ako. Mukhang kailangan ko magpasundo talaga sa kaniya. Tinawagan ko si Radon na nasa opisina raw niya. May listahan naman ng mga numero dito. Kaagad naman siyang pumunta rito sa kwartong kinalalagyan ko. "Pwedeng pasuyo nung bag ko saka nung naiwan ko nung nakaraan sa bar na bag din? Itetext ko lang ang kaibigan ko," sabi ko kay Radon. "For what?" tanong niya. "Magpapaalam lang ako dahil baka mag-alala iyon," pagsisinungaling ko. Tumango naman si Radon at lumabas. Maya-maya pa ay bumalik na siya bitbit ang mga gamit ko. Kinakabahan talaga ako tuwing hahawakan niya ang folder. Baka mamaya ay buksan niya o kaya ay basahin. Iniwan niya ang gamit ko sa aking gilid at nagpaalam na tatapusin muna ang mga ginagawa niya. Tumango naman ako at paglabas niya ay dali-dali akong tumawag kay Finn. Hindi sumasagot si Finn kaya napamura na lamang ako. Sinubukan kong tawagan si Zilvan at agad naman siyang sumagot. Nahihiya ako kay Zilvan pero kailangan kong kapalan ang aking mukha. "Uhm Zilvan pwede bang magpasundo?" tanong ko sa kaniya. "Why? Where are you? Sabi ni Finn ay maghahanap ka raw ng trabaho," tanong ni Zilvan. "Nasa Elite Tree Subdivision ako. Kilala mo ba si Radon Andrei Caruso?" tanong ko ulit kay Zilvan. Sandaling natahimik si Zilvan at napatikhim. Naghello naman ulit ako dahil akala ko ay nawala na siya. "Yes, we are friends. Ano ang ginagawa mo r'yan? Pasaway ka talaga at kung saan-saan ka napupunta. Wait for me, I'll pick you up," sabi ni Zilvan at pinatay ang tawag. Napabuntong hininga naman ako dahil sa wakas ay may susundo na sa akin. Alam pala niya ang bahay ni Radon, mukhang magkaibigan nga sila. Sinamantala ko na habang abala pa si Radon. Pero sabi ni Radon ay hindi raw sila magkakilala? Ay, ewan ko ba sa kanilang dalawa. Inayos ko ang aking sarili at sinubukang tumayo. Masakit talaga ang aking paa kaya mahirap humakbang. Mukhang kakayanin ko pa rin naman makababa kaso hingal na ako. Kinuha ko ang aking mga gamit at lumabas na ng silid. Dahan-dahan naman akong bumaba para hindi marinig ni Radon. Hindi ko nga alam kung nasaan ang opisina niya rito sa mansyon. Nang makababa ako sa unang palapag nitong bahay ay napabuntong hininga ako. Sabi na at pagod na pagod ako bago makababa. Hindi bale na, kasalanan ko rin naman. Umupo ako sa sofa at nag-intay ng ilang sandali. Maya-maya ay may nagdoorbell at sumigaw. "Radon, get the f**k out of here! Ilabas mo si Anja!" rinig kong sigaw ni Zilvan sa labas. Sa lakas ng sigaw niya ay paniguradong rinig iyon sa itaas. May narinig din akong lagabog ng pinto sa taas at pagsigaw ni Radon sa pangalan ko. Pagkakita niya sa akin dito sa baba ay napatiim-bagang siya. Galit siyang lumapit sa akin at itinayo ako. "You lied. Ang sabi mo ay magpapaalam ka lang sa kaibigan mo," seryosong sabi ni Radon. "I'm sorry I can't stay here," paghingi ko naman ng paumanhin. Hindi dapat ako humihingi ng paumanhin kay Radon. Isa pa, dapat ko siyang layuan. Hindi maganda ng paglapit-lapit ni Radon sa akin. Ayaw kong may iba pang makakilala sa akin bilang si Niveya. Maya-maya pa ay nakalapit na sa akin si Zilvan at hinawakan ako sa braso. Kinuha niya naman na ang mga gamit ko sa sofa. "Bakit kasama mo si Anja?" tanong ni Zilvan kay Radon. "None of your business," tiim-bagang namang tugon ni Radon. Nagsamaan pa ng tingin ang dalawa bago kami naglakad ni Zilvan paalis. Nang sumulyap ako sa mata ni Radon ay bakas doon ang disappointment. Parang may tumusok naman sa puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat na nga akong lumayo kay Radon. Hindi sa akin uso ngayon ang pagkakaroon ng totoong boyfriend. Kailangan ko pang tumakas mula sa pamilya ko. Sarili ko muna ang kailangan kong isipin sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD