Niveya's POV:
Sa nakalipas na tatlong araw ay nahirapan akong makahanap ng bagong trabaho. Ayaw ko namang pumasok sa kumpanya nila Finn dahil sobra naman na ang pabor, nahihiya na ako sa kaniya. Nakikitira na nga ako. Inaalok din ako ni Zilvan na maging sekretarya niya pero tumanggi ako. Masyado naman na yata akong abusado sa kanilang magkapatid. Sobra nga ang pasasalamat ko kay Finn at Zilvan.
Nagbrowse ulit ako ng mga online job fair. Marami akong nakita na hiring kaso hindi ko naman gusto ang posisyon. Pwede pa akong maging maarte dahil may sapat pa naman akong pera, kapag wala na ay mamamalimos na ako o hindi kaya ay kakanta sa bangketa. Napailing na lamang ako, para namang kaya ko iyong gawin. Baka batuhin pa ako ng kamatis dahil hindi naman ako ipinanganak na talented.
Kailangan ko na maglibot at humanap ng trabaho. Hindi na nagana ang pagpapasa ng resume at online application. Lalabas na talaga ako mamaya para humanap ng trabaho at personal na magtanong sa mga kumpanya. Mas madali kasing makahanap kapag sinamahan ng awa at kaunting ganda. Sana nga lang ay tumalab.
Isa pa, nahihiya na rin ako kay Finn. Nahihiya naman na talaga ako ng bongga. Dito ako nakatira sa unit niya. Sinusuklian ko na nga lang ang pagtira ko sa pamamagitan ng pag-aasikaso kay Finn sa umaga, pagluluto ng pagkain niya tuwing dadating at bago umalis, pati ang paglalaba ng mga damit namin. Naglilinis na rin ako dahil medyo makalat ang babaitang iyon. Hindi pa tanda kung saan ipinapatong ang mga gamit niya kaya sa akin lagi nagtatanong. Kung wala nga raw ako ay paano na lang daw siya. Natatawa na lang din ako sa kalokohan ng babaeng iyon minsan. Pero kahit ganoon, mahal na mahal ko ang bestfriend ko na iyon na si Finn. Kahit hindi man na kami magpansinan balang araw ay siya pa rin ang ituturing kong bestfriend.
Napatingin ako sa orasan at may alas otso na rin ng umaga. Maaga akong gumigising dahil kay Finn. Nagchat na ako na aalis para maghanap ng trabaho. Sinabi ko ring susubukan kong dumaan sa kumpanya nila. Nagreply naman agad si gaga na gora lang daw ako but mag-iingat. Uwi rin daw ako ng maaga at titingin sa daan, pati huwag din magpapagutom. Ang sweet naman talaga ni Finn.
Nagpunta ako sa kusina at naghanap ng makakain. Diet ako kaya isang apple lamang ang kinain ko. Naalala ko naman bigla ang pills ko. s**t, hindi pala ako nakainom kahapon!
Kaagad akong uminom ng isang pill at mamaya na ulit ang isa, baka maoverdose ako eh. Natatakot ako, ayaw ko pang mamatay. Binasa ko lang iyong papel na kasama sa box kaso nakakabobo naman minsan ang instructions. Bumili lang kasi ako sa drugstore at hindi na nagpacheck-up. Ganto kasi ang ginagamit ni Finn dati para sa regla niya. Birth control pills na ito at pampaayos din ng regla.
Pagkatapos kong magkalikot sa kusina ay mabilis akong naligo pagkatapos at nagbihis. Nagsuot ako ng long sleeves white polo at black pencil skirt. Tinernuhan ko naman ito ng coat at strap 3-inch heels. Kailangan ko namang magmukhang pormal at maganda.
Naglagay rin ako ng light make-up at itinali ang aking buhok. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko at nilagyan ito ng mga kailangan kong papeles, cellphone ko, at wallet na may ilang lapad na lang.
Tumingin ako sa salamin, ayos naman na ang aking itsura. Hindi naman issue rito sa Germany ang pagkakaroon ng kulay sa buhok sa mga kumpanya, hindi katulad sa Pinas na mas mahigpit.
Umalis na ako ng unit at isinara ito. Lumabas na ako pagkatapos ay sumakay papunta sa main city. Doon kasi maraming kumpanya at may tyansa rin akong makakuha ng trabaho. Sana, kaso baka sipain pa rin ako palabas. Ayos lang din kahit sa cafe na lang o pastry shop ako magtrabaho, ayos din sa malalaking kumpanya. Mag-eenjoy pa ako roon. Ang kaso ay naalala ko nga palang nasa record ko ay nag-aral ako sa kumbento at may isang taon na ibinibigay sa amin para pag-isipan ang pagtutuloy sa pagmamadre. Iyon ang nakalagay sa files ko kung ano ako ngayon. Huwag sana akong lagyan ng minus 10 sa langit. Ginagawa ko kasi itong cover para hindi ako bulabugin ni mom at dad. Sawa na ako sa mga magulang kong grabe na at matapobre. Lahat na ng alam kong paraan upang hindi mahanap ng mga magulang ko ay ginawa ko. Si Finn naman madalas ang nakakaisip ng iba.
Bumalik ako sa wisyo nang sigawan ako ng driver, nandito na pala kami. Humingi naman ako ng sorry at nagbayad na bago bumaba. Ang sungit ni manong, huwag ka sanang magkajowa. O kaya ay mag-away kayo ng asawa mo. Biro lang, baka bumalik sa akin ang karma.
Naglakad-lakad na ako at pansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi ko rin alam kung bakit ko naisipang maging nun undercover. Sa itsura kong ito ay hindi halata. Hindi rin naman malalaman kung hindi titingnan ang files ko.
May nadaanan akong bench na may mga city map sa gilid. Kumuha ako ng isa at tiningnan ang mga nakalagay na kumpanya. Mayroong tatlo ritong pinakamalapit at iyon ang susubukan ko ngayon.
Una kong pinuntahan ang Grabenduńkel Corporation. Pumasok ako sa loob at nagtanong sa lobby.
"Stellen Sie für Bewerber ein? Jede Position ist ausreichend. / Are you hiring for applicants? Any postion will do," tanong ko rito sa lobby.
Nakita ko pang tumawa itong si babaeng blonde na mas malaki pa yata sa pakwan ang dibdib. Umiling siya at pinatawag ang guard para hilahin ako paalis. Palihim ko naman itong minura at lumabas na ng building. Nakakainis, ang harsh niya! Pwede namang sabihin na walang available at kusa naman akong lalabas. Nakakagigil talaga ang mga mayayabang na babae rito. Akala mo ay napakaganda, hindi man lang naman matapatan ang kuko ko sa paa.
Sumunod akong pumunta sa Tiramó Corporation at Slovian Company pero hindi pa rin ako tinanggap. Napaupo na lang ako sa malapit na bench at nagpahinga. Nasakit na kasi ang paa ko dahil sa heels.
Nagpapahinga lang ako nang may umupo sa tabi kong lalaki na nakasuot ng amerikana. Nakatingin lang ako sa baba kaya hindi ko kita ang mukha niya.
Amoy ko rin ang napakabango niyang pabango. Amoy mamahalin at parang kaamoy ng pabango ni Zilvan, mukhang imported ang katabi ko. Nag-angat na ako ng tingin para tingnan kung sino ito at ganoon na lang ang pagsisisi kong tiningnan ko pa kung sino siya. Kapag pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana.
"Long time no see," nakangisi niyang sabi at tinanggal ang shades.
Halos matuyuan naman ako ng laway dahil sa gulat na nandito si Radon. Kailangan ko na makaalis at makalayo mula sa hayop na ito. Tang ina, bakit ba kasi nagtagpo kami ulit!?
Tumayo ako at kinuha ang aking bag. Hindi ko pinansin si Radon at mabilis na naglakad palayo sa kaniya. s**t, naaalala ko na naman ang gabi kung kailan kami nag-ano! Argh!
Mabilis ang lakad ko ngunit napasinghap ako nang mahigit ako ni Radon sa bewang. Nakangisi pa siya habang nakatitig sa akin nang mas lalong magkadikit pa ang aming katawan.
"Parang iniiwasan mo yata ako? Hindi mo ba naaalala noong mga tagpong–"
"Shut the f**k up at huwag mo na ipaalala iyon. Pwede bang lubayan mo na ako? Hindi ako dapat magsayang ng oras," inis kong sabi at itinulak siya.
"Ito naman, ang sungit. Come on, let's have lunch together. My treat kahit saan mo gusto. Huwag ka na magsungit," alok niya at nagtaas baba ng kilay.
Napairap naman ako dahil hindi ko alam kung anong gusto ng isang ito sa akin. Baka nga mamaya ay pagtripan ako nito tulad ng sabi ni Finn sa akin. Patay ako nito.
Pero ililibre niya raw ako ng lunch, tipid na ako ro'n. Saglit ko lang naman titiising pakisamahan ang isang ito at pwede naman na akong tumakas. Nakalibre na, mas madali pa akong makakatakas kapag nagrestaurant kami.
"Sige na nga, sigurado kang libre mo ha? Wala na akong pera. Baka mamaya ay ako ang pagbayarin mo ng bill. Pagtripan mo pa ako," sabi ko.
"Ako nga ang magbabayad, kulit. Let's go," yaya niya at hinapit na naman ako sa bewang papasok sa sasakyan niyang nasa tapat lang pala namin.
Ang gago, Tesla ang sasakyan. Sana all na lang. Mukhang napakayaman nga talaga ng isang ito, basketball player ba naman at negosyante pa. Radon Andrei Caruso, mukhang matinik ka nga talaga.
Nagmaneho na siya at paminsan-minsan pang sumusulyap sa akin. Tuwing magtatama naman ang tingin naming dalawa ay iniirapan ko siya. Tinatatawanan naman ako nitong si Radon. Happy ka? Naku, pikon na pikon na ako sa 'yo.
"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Radon.
"Kahit saan basta masarap," sabi ko kaya napailing naman si Radon at tumawa. Happy talaga.
Nagmaneho na siya at maya-maya ay tumigil kami sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalok ang braso niya sa akin. Inirapan ko lang si Radon at pumasok na sa loob. Hindi dapat ako magpakita ng motibo na interesado ako sa kaniya. Hindi naman talaga ako interesado kay Radon, pakialam ko naman ba sa kaniya.
Umupo kami sa may dulo at inabutan kami ng waiter ng menu. Kaagad naman akong namili at nakakapaglaway ang mga pagkain dito.
"Nakapili ka na ba?" tanong ni Radon.
"Oo, marami. Sigurado ka bang ililibre mo talaga ako?" nakangisi kong tanong.
"Oo nga aba," naiiling naman niyang sabi.
Tinawag naman niya ang waiter at umorder ako ng carbonara, steak, chicken, vegetable salad, chicken pasta soup, baked potato platter, at tatlong panghimagas. Si Radon naman ay natatawa na umorder na lamang ng steak.
"Uubusin mo lahat iyan ha," sabi niya.
"Ibabalot ko ang tira. Bawal ba?" taas-kilay kong sabi.
"Nah, ayos lang iyon. Ipagtake-out pa kita," mayabang niyang sabi kaya napairap na lamang ako.
Maya-maya pa ay dumating na ang inorder namin. Sobrang sarap ng kain ko dahil ang daming nakahain. Busog na busog ako at halos makalimutan kong nagdadiet nga pala ako. Bakit nga ba ako nagdidiet? Hindi ko rin nga alam.
Napansin kong nakatitig sa akin si Radon habang kumakain ng ice-cream. Tumigil naman ako sa pagsubo at inalok siya. Ang sama ko naman kung hindi ko siya aalukin.
"Gusto mo ba?" tanong ko.
Tumawa naman si Radon at umiling. "Ayaw ko, ubusin mo na. Pakabusog ka at bawal umuwi ng gutom," sabi pa niya.
Natapos kaming kumaing dalawa kaya nag-isip naman ako ng paraan kung paano makakaalis. Nakita ko naman ang banyo sa may bungad. Naalala ko naman ang pinaplano ko kanina.
"Radon, cr lang ako ah," sabi ko sabay tumayo at binitbit ang bag ko.
"Sasamahan na kita, baka mamaya ay takasan mo ako," sabi ni Radon at nag-iwan ng bayad sa mesa namin.
Sinubukan kong tumanggi pero talagang mapilit si Radon. Sinamahan niya ako hanggang sa labas ng banyo. s**t, paano ako makakatakas nito?
Pagpasok ko sa banyo ay nakita ko naman ang bintana na mas mataas pa sa akin. Aakyat na lang ako sa lababo para makaakyat doon. Desidido talaga akong makalayo mula kay Radon.
Tinanggal ko ang aking heels at ibinato ito sa labas ng bintana. Isinukbit ko sa balikat ang aking bag at medyo nilihis pataas ang palda ko para mas madaling gumalaw.
Tumungtong ako sa lababo at iniangat ang sarili ko. Kaso kapag sinuswerte nga naman, pasmado ako kaya dumulas ang aking paa at naglagabog ako sa sahig.
"Ouch puta!" inda ko dahil sa lakas ng lagbag ko sa sahig.
Rinig ko naman ang malakas na pagbukas ng pinto at pagpasok ni Radon. Kita ko ang pag-aalala sa mata niya.
Tiningnan niya ang paa kong namumula na pala. Sinubukan niya iyong pisilin kaya napahiyaw naman ako sa sakit.
"Aray ko! Ano ka ba!?" sigaw ko kay Radon.
"Pasaway ka kasi, tsk. Tatakas ka pa ayan tuloy. Akala mo naman lalamunin kita ng buhay," sermon niya at binuhat akong parang bagong kasal.
"Ibaba mo nga ako!" sigaw ko sa kaniya.
"Makakalakad ka ba? Isa pa iiwanan na kita rito," seryoso niya nang sabi kaya napatahimik na lamang ako.
Lumabas kami ng restaurant at may iba pang nakatingin sa amin. Hindi naman sila pinansin ni Radon at isinakay niya na ako sa passenger's seat ng kotse niya.
Umikot siya at sumakay sa kabila. Hindi ako nagsasalita dahil nakakatakot pala siya kapag seryoso. Mukhang naubos ko yata ang pasensya niya.
Napabuntong pa si Radon at ibinaba ang upuan ko para makahiga ako. Nilagyan niya rin ako ng seatbelt at binalutan ng tela ang aking paang masama ang naging tama kanina.
"Rest for awhile," sabi ni Radon at nagsimula nang magmaneho.
Napatitig na lamang ako sa kaniyang gwapong mukha. Balik na siya sa cold na ekspresyon.