CHAPTER 5

2082 Words
Niveya's POV: Nagising akong nakahiga sa isang kama. Masakit pa ang ulo ko dulot yata ng hangover ko dahil sa pag-iinom. Marami yata masyado akong nainom. Gumalaw ako kaya parang may nararamdaman din akong mabigat na bagay na nakadag-an sa aking beywang. Mayroon nga ring tumutusok na bagay sa bandang pang-upo ko. Tamad na tamad pa kasi akong tumayo at magmulat. Napa-ikot naman ako at nagmulat. Laking gulat ko nang may bumungad sa aking isang lalaki. Muntik pa akong mapasigaw mabuti na lamang at natakpan ko ang aking bibig. s**t, anong ginawa ko kagabi!? Katapat ko ang isang napakagwapong lalaki na may perpektong mukha. Para itong isang Greek God sa perpeksyon. Malaki rin ang pangangatawan niya at maskulado. Naalala ko, si Radon ito. Iyong mayabang na gwapo na nakasira ng araw ko! Bakit ko siya kasama!? At bakit ba gwapo lagi ang description ng utak ko sa isang ito!? Pero sa sitwasyon ko ngayon, wala akong panahon na mamangha sa mukha niya. s**t lang na malagkit, nagkaroon ako ng 'one night stand' sa isang lalaking hindi ko nga alam ang katauhan! Mayroon pala akong sigurado tungkol sa kaniya, mayaman na mayabang at babaero! Saksakan ng pagiging babaero! Jusko, anong gagawin ko!? Ang tanga-tanga ko! Ramdam ko namang tumulo ang mga luha ko kaya agad akong napapunas. Naalala ko na ang mga nangyari kagabi. Kasalanan ko ito, mali yata ako ng napasukang kwarto! Idagdag pang kapag nabuntis niya ako ay hindi niya ako panigurado papanagutan. Sino ba naman ako sa paningin niya? Hindi hamak na isang gabing sarap lamang ang lahat para sa kaniya! Baka isipin niya pang humuhuthot ako ng pera sa kaniya. Ang tanga-tanga mo talaga, Niveya. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakadantay sa akin. Nang makita ko pa ang katawan namin ay wala kami parehong saplot. Ang bagay pang tumutusok sa aking pang-upo kanina ay alaga niya pala. Ang laki no'n, paano kaya nagkasya sa akin? Paniguradong napakasakit no'n kagabi. Lasing ako kaya hindi ko panigurado naramdaman. Napailing na lang ako at tuluyang nakawala sa bisig niya. Tiningnan ko naman ang damit kong nasa sahig at napamura dahil sira na ito, naalala ko naman ang 5,000 euro sa bulsa kaya kinuha ko. Kinuha ko na lang din ang damit niyang oversized sa akin bago isinuot ulit ang takong ko. Nagnakaw rin ako sa wallet niya ng pamasahe, wala akong barya! Hindi ko na maalala kung nasaan ba ang dala kong cellphone at wallet. Saka ko na babalikan dahil nagmamadali na ako ngayon. Ayaw kong maabutan niya. Hiyang-hiya rin ako dahil sa ginawa ko. Pinipilit ko lang icompose ang sarili ko pero malapit na akong maiyak dahil sa katangahan ko. Mabilis akong lumabas ng silid ngunit dahan-dahan. Natatakot akong magising siya at baka pagsalitaan pa ako ng kung ano-ano. Hindi ko rin kayang humarap sa kaniya o kahit kanino man. Pakiramdam ko ay ang dumi ko. Ang tanga-tanga ko rin na nagpadala sa lust kahit lasing pa ako. Nakalabas ako ng bar at kaagad na naghanap ng taxi. Sumakay ako nang may tumigil sa harap ko. Laking buntong hininga ko naman dahil hindi ako naabutan at hindi nagising si Radon. Mukhang kailangan kong magtago at lumayo sa kaniya, maging iwasan. Alam kong matapos ng nangyari sa amin ay wala siyang magiging pakialam pero ayaw kong mabunyag ang katauhan ko. Delikado kaya habang maaga pa ay ayaw kong mapalapit sa iba. Panigurado ring babatiin niya ako kapag magkakasalubong kami. Baka maikwento niya rin ako sa iba, s**t! Nang makarating kami sa condo ni Finn ay bumaba na ako. Nagbayad ako sa driver at hindi ko na kinuha ang sukli. Hindi ko rin naman pera ang pinambayad ko. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao dahil siguro sa suot ko. Wala na akong pakialam at tinakpan ko na lamang ang aking dibdib. Para sa akin, ang mahalaga ngayon ay makapunta ako kay Finn at makapagpalit ng damit. Naiiyak na ako dahil sa mga katangahan kong nagawa ngayon. Kailangan kong magrant sa kaniya at mailabas ang lahat ng ito. Natatanga na ako at nababaliw sa kabobohan kong ginawa. Rumaragasa na ang mga isipin sa utak ko. Pumunta ako sa may lobby at pinatawag si Finn. Agad din namang bumaba si Finn at gulat na tumingin sa akin nang makita niya ako. "Anong nangyari sa 'yong gaga ka!? What the f**k are you wearing!?" sigaw niya na nakaagaw sa atensyon ng iba. Tinakpan ko naman ang bibig ni Finn at niyaya na siya pasakay sa elevator. Agad ko ring isinara para walang makasabay sa amin. Sa 4th floor lang naman ang unit niya. "Finn, let me explain. Ikaw kasi ang shunga mo magbigay ng instructions eh! Mali tuloy ako ng kwartong napasukan ko! Huhu Finn naman kasi!" sigaw ko kay Finn. "b***h please, kasalanan ko pa!? Nagkamali ka lang naman ng pasok sa kwarto tapos ganiyan na ang itsura mo– don't tell me may naka-one night stand ka!? Oh my gosh Anja!" gulat niyang tanong sa akin. Napabuntong hininga naman ako at tumango. Doon na tumulo ang mga luha ko. Ang tanga-tanga ko. Nagpadala ako sa kalasingan at nagpaangkin sa isang lalaking hindi ko naman boyfriend, ang masama pa ni hindi ko nga kaibigan maski kilala. Napaka-tanga ko talaga. Sabi na at gagaguhin ko na naman ang buhay ko rito. Napakamalas ko talaga! Hindi ko rin naman masisisi si Radon dahil bumigay ako. Kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari ito. Isa pa, mali ako ng kwartong napasukan. Baka isipin niyang pokpok ako roon. Naiisip ko pa lang ang mga iyon ay kinikilabutan na ako. Gusto kong sabunutan ang aking sarili. Ang tanga-tanga ko talaga! Patuloy na lamang ako sa pag-iyak dahil wala naman akong magagawa. "Shh, tahan na. I won't judge you, friends forever tayo 'di ba? Halika na muna sa unit ko tapos magpalit ka ng damit. Kumain ka rin muna bago natin pag-usapan ang lahat," sabi ni Finn at hinagod ang likod ko. Saktong bumukas ang elevator kaya naglakad na kami papunta sa unit niya. Kaagad naman kaming pumasok at pinahiram niya ako ng isang pares na pantulog at tuwalya. Agad naman akong pumunta sa banyo para maligo. Binuksan ko naman ang shower at hinayaang tumulo ang maligamgam na tubig sa aking katawan. Ramdam ko pa rin ang kirot sa pagitan ng hita ko. Napakatanga ko para bumigay kay Radon, sa isang katulad pa talaga niyang s*x lang ang habol sa mga babaeng katulad ko. Naglandas naman ang mga luha sa aking mata. Nagsisisi ako pero wala naman na akong magagawa. Iinom na lamang ako ng pills para hindi ako mabuntis. Hindi pa ako handang magkaanak dahil na rin sa sitwasyon ko ngayon. Wala akong sapat na pera para magpalaki ng bata. Ayaw ko ring lumapit sa mga kapatid ko dahil masaya na sila ngayon at ayaw kong makagulo pa. Isa pa, baka nagtatago rin sila sa mga magulang namin. Kapag nagkaanak din ako ay ayaw kong madamay siya sa kasamaan ng mga magulang ko. Matapos kong maligo ay agad din akong nagbihis. Paglabas ko ay umupo ako sa stool sa tapat ng salamin ni Finn at nagblower ng buhok. Lumapit naman siya sa akin at kinuha ang blower sa kamay ko. Siya na raw kaya hinayaan ko na lamang siya. "Finn, I'm sorry kanina at sinisi kita. Biro lang naman iyon. Pero ang tanga-tanga ko talaga. Lalo ka pang mapapamura kapag nalaman mo kung sino ang naka-one night stand ko," panimula ko. Kumunot naman ang noo ni Finn dala ng kuryosidad. Alam kong kanina pa ito kating-kati na malaman ang kwento ko. Nagkatitigan naman kami at nag-iwasan din ng tingin. Pairap pa ng pag-iwas niya. "Sino ba iyan? Baka si Kuya Zilvan? Naku, ako ang bahala. Papanagutan ka naman ng hayop na iyon–" Tinapik ko ang kamay ni Finn at sinaway siya. Bakit ba pumasok sa isip niya si Zilvan!? Naalala ko namang matagal niya na akong inirereto kay Zilvan. Naging crush ko nga iyon dati kaso ay masungit. At isa pa, hindi kami bagay. Masyadong mataas ang standards ng isang iyon. "Hindi 'no, matino naman si Zilvan. Ang tinutukoy kong lalaki ay ubod ng yabang, ubod ng gwapo, ubod ng karisma, at higit sa lahat ay saksakan ng pagiging babaero," sabi ko kay Finn. "Sino ba iyan? Parang sikat ha. Malilintikan ka nga talaga kung sikat iyan tapos mabuntis ka," sabi naman niya. "Malilintikan talaga. Kilala mo ba iyong basketball player na si Radon yata iyon?" tanong ko kay Finn. "Oo bakit kamukha niya ba? Naku, napakagwapo no'n!" kinikilig na sabi ni Finn. "Gaga, hindi kamukha, kamukhang-kamukha. Wala namang iba kung hindi ang Radon Caruso na iyon ang naka-ano ko kagabi. Damn, nagulat na lamang ako paggising ko. Akala ko nga ay binabangungot ako–" Rinig ko ang malakas na pagtawa ni Finn. Ibinaba niya ang blower at binatukan pa ako. Muntik ko pa mahila ang buhok ng bruhang ito dahil sa gulat. Tang ina niya, tinawanan ba naman ako! "Niveya kahit maganda ka, sexy, at ubod ng karisma, hindi ka no'n papatulan. Ang gusto no'n iyong mga mayayamang b***h na nagtutungo sa bar!" natatawa niyang sabi. "Hay nako, Finn. Maniwala ka o sa hindi si Radon nga. Simula ngayon ay lilipat na ako ng trabaho. Aalis na ako sa Flavorie at maghahanap ng ibang papasukan. Magpapakulay na rin ulit ako ng buhok," sabi ko. "Hindi pa rin ako naniniwala but okay fine, tutulungan kita. Papakulay ka ba sa salon o ako na mismo ang magkukulay? Ako na lang para libre kita. Mag-eexperiment ulit ako sa buhok mo," masayang sabi ni Finn. Natawa naman ako at tumayo mula sa stool. Niyakap ko si Finn kaya niyakap niya naman ako pabalik. Hay, mabuti na lang at mayroon akong kaibigang tulad niya. Kahit gaano pa kasama ang nakaraan ko ay mahal na mahal pa rin niya ako. Kahit din na marami akong hindi masabi sa kaniya tungkol sa buong pagkatao at pamilya ko ay inirerespeto niya iyon. "Sige ba, kung iyan ang gusto mo. Libre naman kaya gora lang ako," masaya kong sabi. Habang nagkukwentuhan kami ay nagpadala ng pagkain si Finn dito sa unit niya. Malaki ang utang na loob ko kay Finn at kahit kailan ay hindi ko iyon makakalimutan. Maya-maya pa ay dumating na agad ang pangkulay ko sa buhok. Napakabilis at hindi ko akalaing bibili agad si Finn. Mukhang gusto niya talagang pag-eksperimentuhan ang buhok ko. Kinulayan niya ang buhok ko at nilagyan din ng bleach. Ilang patong rin ng pangkulay ang inilagay niya kaya nakailang banlaw kami. Napakaganda naman ng naging finish product. Ash gray ang kulay ng buhok ko at violet shade sa laylayan. Pafade ang style nito. "Ang ganda, Finn! Ang galing mo talaga!" puri ko kay Finn. "Syempre, ako pa ba? Pangarap ko kaya dati na maging isang hair dresser bukod sa pagiging CEO," masaya niyang sabi kaya nag-apir kaming dalawa. Nagpicture naman kaming dalawa at nagpost siya sa i********:. Nagsimula naman na akong kumain habang siya ay nagcellphone pa. Hindi pa ako kumakain at gutom na gutom na ako. Ikakain ko na lang ang problema at mga isiping bumabagabag sa akin. "Oh my God, Niveya! Huwag mo sa aking sabihin na totoo itong nakikita ko!" sigaw ni Finn kaya naibuga ko ang iniinom kong iced tea. Masama ko namang tiningnan si Finn kaya nagpeace-sign siya. Lumapit naman ako kay Finn at tiningnan ang nasa cellphone niya. Picture namin iyon, anong nakakagulat? "Ano bang mayroon d'yan?" takang tanong ko. "Ito oh tingnan mo," sabi ni Finn. Nanlaki ang mata ko dahil nakalike si Radon sa post ni Finn. Tiningnan din namin ang mga finofollow niya at nandoon ang i********: account ko. Para akong tinuyuan ng laway dahil sa mga nakita ko. Mukhang dumagdag na ako sa mga koleksyon ng babae ni Radon at kilala niya na rin ako ngayon bilang si Anja. Nakaprivate pa nga iyong account ko dahil baka makita nila dad eh natunton pa niya. "I'm telling you right now Niveya, you are f****d up. Huwag sanang pagtripan ka ni Radon," sabi ni Finn. "Huwag nga sana dahil malilintikan na. Nasa details ko pa man din na pumapasok ako sa kumbento. Malilintikan talaga ako Finn," kagat labi kong sabi. Napasapo naman ako sa aking noo at nag-isip. Ano na ang gagawin ko ngayon? Paniguradong patay ako nito ngayon. Pineke ko na nga ang pagkatao ko rito, nagkanda letse-letse pa ulit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD