"Salamat pero palabas na rin ako para kumain." Malamig na saad ko. Napa kamot naman ito sa kanyang ulo. "Ang akala ko kasi ayaw mo pang lumabas ngayon, kaya naisipan ko na dalhan ka na lang nag pagkain dito." Nakangiti na sagot niya sa akin. Kung noon matapang ang mukha nito at ito ang laging nasusunod ngayon naman para itong maamong tupa. "Why?" "Ha?" Gulat na tanong niya sa tanong ko. "Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito? Para ano? Para ba makuha ulit ang loob ko? Tapos ano? Tapos kapag hulog na hulog na ulit ako sayo ay itataboy mo ulit ako. Ganun ba ang plano mo Austin?" Lakas loob na saad ko. Umiling siya sa akin. "Hindi Mich, wala akong planong ganyan. Gusto ko lang naman na maging okay ulit tayo." Malumanay na saad niya. Gusto ko tuloy matawa sa kanya. "Nasasapian ka ata Mr. B

