"Huwag ka mag alala dahil hindi mo anak si Kiel. At sana kung ano man ang nangyari sa nakaraan natin ay wag muna sanang ungkatin pa." Galit na saad ko sa kanya. Paano niya, nagawa na itanong sa akin ang lahat ng kababoyan at pagtataboy niya sa akin noon. Pagkatapos na mawala ang isa sa anak namin.. napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong sumikip. "Stop the car." Utos ko sa kanya. "Mich, I'm sorry gusto ko lang naman-" "Stop the car, Austin! I said stop the car!" Sigaw ko sa kanya. Tinabi niya ang sasakyan at lumingon sa akin, pero agad akong bumaba sa sasakyan niya. "Mich, sandali I'm sorry–" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng sampalin ko siya. Hindi pa ako na kuntento kaya sinampal ko ulit siya. "Ang kapal ng mukha mo. Ang kapal kapal ng mukha mo para tanongin ako tungkol

