"Austin, ano bang kalokohan to?" Naiinis na tanong ko kay Austin ng yayain niya akong lumabas. Sabi niya may pupuntahan daw kaming dalawa, kaya sumama ako sa kanya. Si, Michael sinama kanina nina daddy at mommy sa pag uwi nila dahil na miss daw nila ang bata. Samantala si Papa naman umalis rin dahil may importante daw itong meeting kaya kaming dalawa lang ang natira sa bahay. At ito nga nag yaya siyang lumabas kami para kumain. "Pag hindi mo, tinanggal ang nakatakip sa mata ko, di ka talaga makaka tabi sa akin mamaya." pag babanta ko sa kanya. Naiinis kasi ako. Bakit kailangan pa niya takpan ang mata ko. " Saglit na lang tayo baby, wag ka na magalit." Malambig na saad niya, at masuyo akong hinalikan sa labi. "Siguraduhin mo lang na, matutuwa ako diyan sa surprised mo sa akin." Ani ko a

