Matapos kaming mag yakap ni Belinda, pinakilala niya sa akin si Brenda na anak niya. Pero ang pinag tatakahan ko lang ay kung bakit daddy ang tawag nito kay kuya Lander. Nahalata ata ni Belinda kaya nagsalita siya. "Ah, mahaba kasing kwento, Mich. Labas tayo minsan at sasabihin ko ang lahat sayo. Sa ngayon ay magsaya muna tayo para sa inyong dalawa ni Austin. Congratulations ulit sa inyo. Masaya ako para sa inyo at mabubuo na ninyo ang pamilya niyo, tulad ng pangarap ni Austin. Matagal siyang nag hintay sayo Mich, at matagal na siyang nag sisi sa mga kasalanan niya sayo." saad sa akin ni Belinda. "Thank you, Belinda. Sana ikaw din ayabuo mo na ang pamilya mo." Nakangiting saad ko sabay sulyap kay kuya Lander na malagkit ang tingin kay Belinda. "Congratulations sa inyo, mga anak, masaya

