Austin Pov "Me, doc, my blood is Negative AB, and I am sure that I can donate blood to their child." Agaw pansin ko sa doctor ni Kiel. Agad naman akong sinabihan ng doctor nang mga dapat kong gawin. Kinuhanan ako ng dugo ng medtech at dinala sa laboratoryo para suriin ang aking dugo. Nang lumabas ako sa kwarto kung saan ako kinuhanan ng dugo agad hinanap ng mata ko si Xhymich, ang daming katanungan sa aking isipan na gustong itanong sa kanya. Isa na doon ang apelyido ng anak niya. Paano ito naging Breslow? hindi ba dapat na apelyido ni Lander ang ginagamit nito dahil ito ang ama ng bata? Isa pa sa pinag tataka ko kung paano kami naging parehas ang dugo namin. siguro nga nagkataon lang dahil AB negative din si Lander kagaya ko. Nakakatawa lang dahil pareho kami ng dugo. May resemblance din

