"Michael Breslow, nasa ER pa po siy ma'am" sagot sa akin ng nurse. Agad naman akong nag tungo sa ER at hindi na nag abala na tingnan pa ang nakatulalang si Austin. Alam ko na nagtataka siya kung bakit Breslow ang ginagamit na apelyido ni Kiel. Well may karapatan naman akong ipagamit yun sa anak ko dahil kung tutuusin ako ang mas may karapatan sa apelyidong Breslow. Pero saka ko na siguro ipapaliwanag sa kanya ang lahat pag nakaharap ko na ang totoo kong ama at ang mommy niya. Total mag kakabulingan na din naman bakit hindi ko pa ilantad ang totoo kung pagkatao sa kanya at sa mga magulang niya. "Lander.." tawag ko kay kuya Lander ng makita siyang pabalik balik sa labas ng emergency room. "Xhy, I'm so sorry. Hindi ko alam na lumabas siya." Aniya na agad akong niyakap. "Okay lang ba si Kie

