Pagkatapos ng isang linggo, natapos na din namin ang photoshoot para sa bagong brand ng damit na aking e-endorso at para maging ambassador ng brand ng kompanya ng BPC line. Ngayon ay naghahanda na kami para bumalik ng Maynila. Excited na rin ako umuwi dahil isang linggo kung hindi na kasama si Michael miss na miss ko na ang anak ko. "Miss Mich, kay sir Austin na lang po ulit kayo sumabay pabalik ng Manila, nauna na rin po pala lumuwas si ma'am Isabelle." saad sa akin ni Dennis, nang akmang papasok ako sa loob ng van. "Ganun ba? Sige mag co commute nalang ako pauwi ng Manila. Nakakahiya na rin kasi Mr Breslow, na aabala ko na siya." Sagot ko sa kanya. "Ganun ba ma'am? Sige kakausapin ko na lang po ang isa sa staff kung pwede na siya na lang ang maki usap kay sir Austin para makasabay si

