Napa awang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Austin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na yun at bakit bigla niya na lang ako pinagsabihan ng ganung klaseng salita. "What? Ano ba ang pinagsasabi mo Austin?" Parang bigla nawala ang pagkahilo ko dahil sa sinabi niya. "At bakit naman ako mang aakit ng mga lalaki kung meron na akong asawang katulad mo. Hindi ba dapat ako itong magalit sayo dahil sa interview mo kasama ang Belinda na yun." Hindi na ako nakatiis kaya na bulyawan ko ito. "Wow Austin, engrandeng kasal? talaga ba ha, Austin? Hindi lang engrande, kundi wedding of the year, pa talaga!" galit na saad ko sa kanya. "Sinabi ko na sayo kung ano ang meron sa amin ni Belinda. Sinabi ko na sayo na kailangan siyang pakisamahan para sa kumpanya." Seryosong saad niya sa akin. "

