Xhymich pov Sa kanyang unit pa din natulog si Austin. Kahit hindi niya ito pinapansin ay todo yakap pa rin ito sa kanya. Pinakita niya dito kung gaano katigas ang ang kanyang puso. Marami ng masasakit na pangyayari ang kanyang pinagdaanan sa buhay. Ilang beses na ba siyang pinagbuhatan ng kamay ng kanyang ama. Ilang beses na ba nitong tinanggi na hindi siya anak nito. Lahat ng sakit na pinagdaanan niya noon ang pinaghuhugutan niya ng kung ano siya ngayon kaya naging ganito siya katigas. Pinangako niya noon na huling iyak na niya ng mamatay ang kanyang mama. At hindi siya pwedeng matibag hindi ang kagaya ni Austin ang titibag sa pader na nilagay niya sa puso niya. Oo nga at mahal niya ito pero hindi ibig sabihin nun ay mag papakalunod siya sa pagmamahal niya dito. "Baby.." untang sa akin

