Chapter 3

1250 Words
Karen’s POV   Kasalukuyan akong nasa kuwarto namin ni Kaye ngayon at ako’y nagpapahinga. Kahapon kasi ay nilalagnat ako, at laking pasalamat ko kay Calyx dahil inihatid niya ako pauwi ng bahay. Pagkagising ko kahapon ay nasa bahay na ako at ang huli kong naalala ay nahimatay ako sa mismong kusina ng restaurant. ‘‘How are you? Nahihilo ka pa rin ba?’’ sunod-sunod na tanong sa akin ni Kaye na kakapasok lang sa kuwarto. Tama kayo, dahil sa akin, hindi siya pumasok sa trabaho niya ngayong araw para lang maalagaan ako. Wala naman akong nagawa dahil paggising ko kanina, late na rin kaya hindi siya puwedeng pumasok. ‘‘Maayos na pakiramdam ko at salamat sa ‘yo.’’ Umupo naman siya sa aking tabi at sabay na kinapa ang aking noo. ‘‘Mabuti naman at ‘di ka na mainit,’’ ani niya matapos kapain ang aking noo. Hinawakan niya ang aking kanang kamay at tumingin sa akin. ‘‘Kaya mo na bang tumayo? Gusto ko kasing sabay tayong kumain ng breakfast,’’ dagdag niya pa. ‘‘Ang sweet naman ng kambal ko! Tara na nga at na-miss kong kumain na tayo lang dalawa.’’ Tumayo naman ako at gano’n din siya. Nagsimula kaming maglakad pababa at diritsong nagtungo sa kusina. Pagkadating namin sa kusina, hinayaan ko siyang mag-ayos ng aming pagkakainan dahil ayaw niya akong pakilusin. Habang nag-aayos siya, tawa lang kami nang tawa dahil sa mga kalokohan namin noong mga bata pa kami na siyang pinag-uusapan namin ngayon. Nang matapos siyang mag-ayos nagsimula naman kaming kumain. ‘‘Ba’t nandito ka Kaye? Akala ko ba may trabaho ka ngayon?’’ Nagulat naman kami dahil sa biglaang sulpot ni Mama ngayon dito sa kusina. Akala ko kasi nasa trabaho siya ngayon, kaya napayuko na lang ako dahil alam kong papagalitan na naman ako nito. ‘‘A-Ah Ma may sakit kasi si Karen kaya, ‘di muna ako p-pumasok,’’ paliwanag ni Kaye kay Mama. ‘‘Pero bukas po papasok na ako dahil maayos na naman siya ngayon,’’ dagdag niya pa. ‘‘Para riyan lang, kaya ka lumiban sa trabaho mo? At saka, Kaye…’di mo na kailangan alagaan pa iyang si Karen dahil malaki na ‘yan!’’ bulalas ni Mama. ‘‘Ma, I’m sorry… ‘wag niyo na po pagalitan si Kaye,’’ singit ko sa usapan nila. Uminom naman ako ng tubig dahil sa kabang aking nararamdaman. Hindi ko alam, ganito lagi ang aking nararadaman sa tuwing kaharap ko sila Mama at Papa. Sabagay, hindi ko na talaga maiiwasang kabahan kapag sila ang kaharap ko. ‘‘Ayan kasi, pati sarili ‘di mo inaalagaan! Tapos ngayon ganiyan ka! Bahala nga kayo riyan!’’ Tumalikod siya matapos sabihin ang mga katagang iyon. Tumayo naman si Kaye at umupo sa aking tabi. Humarap ako sa kaniya habang may lungkot ang aking mga mata. Makikita mo rin sa kaniyang mga mata ang lungkot at anumang oras ay iiyak na siya. Kahit alam kong pagod na ako sa pakikitungo ng aking magulang, hindi ako kailanman magtatanim ng galit sa kanila. Naniniwala kasi ako na darating ang isang araw, babalik muli ang kanilang magandang pakikitungo sa akin. ‘‘Huwag ka nang malungkot, ayos lang iyon. Tingnan mo nga ako, wala lang sa akin iyon,’’ turan ko sa kaniya. ‘‘Alam mo Karen… matagal na tayong magkasama, at alam ko kung kailan ka nagsisinungaling sa akin.’’ Niyakap niya naman ako at hindi ko na naiwasang hindi maiyak. ‘‘Kaye…p-pagod na p-pagod na ako sa pakikitungo nila Mama sa a-akin. P-Pero kahit g-gano’n sila sa akin, mahal na mahal ko pa rin sila.’’ Humagulgol kong turan sa kaniya. ‘‘At hindi ako magtatanim ng g-galit sa kanila.’’ ‘‘A-Alam kong pagod k-kana…p-pero sana huwag mo hayaang lamunin ka ng lungkot, okay? P-Palagi m-mong tatandaan na, nandito lang ako, kaming dalawa ni Frost para sa ‘yo… I love you,’’ salaysay niya sabay hiwalay sa aming pagyayakapan. Hinawakan niya naman ang aking pisngi at pinahid niya ang mga luhang pumapatak sa aking mukha gamit ang kaniyang hinlalaki. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos dahil binigyan niya ako ng kapatid na laging umaalalay lagi sa akin sa tuwing ako’y nalulungkot. Siguro kung wala sila, matagal na ata akong wala sa mundong ito. ‘‘Tara kain na tayo, ulit,’’ ani niya kaya tumango naman ako. Bumalik naman siya sa kaniyang upuan at nagsimula muli kaming kumain. Wala na sa amin ang nagsalita pa at tahimik na lang kaming kumakain. Tanging tunog ng kubyertos lang ang maririnig ngayon dito sa kusina. ‘‘Karen?’’ ‘‘Hmm?’’ sagot ko naman. ‘‘Ano gusto mong gawin natin, today? You wanna go outside or dito lang tayo sa bahay?’’ she asked me, while plasttering her beautiful smile. Napaisip naman ako sa kaniyang tanong at maayos na naman ako, kaya naisipan kong lumabas na lang kami. Matagal-tagal na rin kasi ang huling bonding naming dalawa, mukhang dalawang buwan na ata ang nakalipas. ‘‘Since, I’m already fine…can we go out and let’s have fun?’’ I suggested. ‘‘Oh my God! Maganda iyang naisip mo! Sakto stressed ako these past few days, so why not!’’ bulalas niya. ‘‘Kaya, tapusin na natin ang ating pagkain.’’ Matapos kong sabihin ang katagang iyon, bumalik na kami sa pagkain at tuluyan naman kaming natapos. Naiwan naman si Kaye sa kusina dahil aayusin niya pa raw ang aming pinagkainan. Hinayaan ko na lang siya, kaya naglakad na lang ako pabalik sa aming kuwarto upang maligo na. ‘‘Karen!’’ tawag sa akin ni Mama nang makita niya ako paakyat ng hagdanan. Huminto ako at tumingin kay Mama. ‘‘B-Bakit po, Ma?’’ takang tanong ko sa kaniya. ‘‘Nais ko lang sabihin sa ‘yo na, sa susunod na magkasakit ka, huwag na huwag ka nang hihingi ng tulong sa kakambal mo huh? Malaki ka na Karen at alam kong kaya mong alagaan ang sarili mo!’’ sabi niya sa akin at sa bawat pagbigkas niya ng mga salita ay may diin. Makikita mo rin ang galit sa kaniyang mukha dahil sa kunot nitong noo at nanlilisik na mga mata. Napabungtong hininga naman ako dahil sa aking pagkadismaya sa sinabi niya sa akin. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili upang hindi makapagsalita ng masama sa kaniya dahil siya ay aking magulang. Gustuhin ko mang ilabas ang aking hinanakit, hindi ko pa rin magawa dahil may respeto ako sa kanila. ‘‘O-Opo Ma, p-pasensiya na po… ‘di na po mauulit,’’ sagot ko na lang. ‘‘Good.’’ Matapos sabihin niya ang mga katagang iyon, tinalikuran niya ako na para bang walang nangyari. At sa pangalawang pagkakataon, naiyak ako muli dahil sa sakit at lungkot. Nagsimula naman akong maglakad habang humahagulgol. Pagkarating ko sa aming kuwarto, tumingin ako sa salamin sabay bitaw ng mga katagang… ‘‘Balang araw, makikita rin nila ang iyong tunay na halaga,’’ sabi ko sabay lakad papasok ng banyo.   -End of Chapter 3- 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD