Chapter 2

1627 Words
Karen’s POV   Kasalukuyang nasa hapag kainan na kami ngayon, at tahimik lang akong nakatitig sa puting plato na nasa aking harapan ngayon. Hindi kasi ako sanay sa ganitong sitwasyon, lalo na kapag nandito nga sila Mama at Papa. ‘‘Kumusta naman kayo?’’ tanong ni Papa sa amin. ‘‘We’re okay, Pa at saka we’re doing fine naman po,’’ sagot ni Kaye kay Papa. Tanging ako lang sa aming magkakapatid ang hindi nakikipag-usap masyado, dahil nga hindi maayos ang relasyon ko sa aking magulang. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dumating din ang pagkain  at nagsimula kaming kumuha ng kaniya-kaniyang kanin at ulam. ‘‘Ikaw Karen, kumusta ka naman? Ano may napapala ka naman diyan sa pagiging Chef mo?’’ sarkastikong tanong sa akin ni Mama. Napatingin naman si Karen at Frost sa akin ng may pag-aalala sa kanilang mga mukha. Ngumiti naman ako ng mapait sa kanila at sabay inom ng tubig. Tumingin naman ako kay Mama na ngayo’y naghihintay ng sagot mula sa akin. Nginitian ko naman siya, para kahit papa’no ay maibsan ang galit niya ngayon. ‘‘M-Maayos naman Ma, may nakukuha naman po akong suweldo at saka gusto ko naman po ‘yong ginagawa ko,’’ sagot ko naman. Nakita ko naman ang pag-irap ni Mama sa akin, habang si Papa naman ay halatang disappointed. Ayaw kasi nilang matanggap na ang pagiging Chef ang gusto ko at hindi ang magpatakbo ng business. Hindi rin ako gano’n katalino katulad ni Kaye para matapos ko ang gano’ng kurso sa kolehiyo. Disappointed sila sa akin dahil hindi ko sinunod ang kanilang gusto at tanging si Kaye lang ang sumunod. ‘‘Ano ba mapapala mo riyan sa trabaho mong ‘yan? ‘Di ba sinabi ko naman sa ‘yo na kung katulad ng kambal mo ang kinuha mo, edi sana maayos ang trabaho mo,’’ turan ni Mama ulit sa akin sabay inom ng juice sa kaniyang tabi. Makikita mo ang galit sa mukha nito dahil kunot ang noo at namumula ang kaniyang mukha. Pero ako naman ay nanatiling kalmado at hinahayaan ko na lang na sabihin nila ang gusto nilang sabihin sa akin. ‘‘Bahala ka, basta we’re not going to give you an allowance, and I want you to earn money by your own.’’ ‘‘Ma…Pa? Hindi ba sobra naman ata ginawa niyo kay Karen?’’ bulalas ni Frost. Hinawakan ko naman ang kamay ni Frost upang pakalmahin siya. ‘‘It’s fine, Frost. ‘Wag kang mag-alala sa akin dahil kaya ko naman kumita,’’ sabi ko sa kaniya. ‘‘So, what do you want me to do, Son?’’ tanong ni Papa na halata sa tono ng kaniyang boses ang galit. Hindi na muling nagsalita pa si Frost dahil alam niyang lalaki lang ang gulo ngayon sa hapag-kainan kapag sinagot niya pa si Papa. Tumayo naman ako upang umalis na sa bahay dahil nawalan na ako ng ganang kumain. ‘‘Where are you going!?’’ sigaw ni Papa. ‘‘A-Ah, late na po kasi ako sa t-trabaho ko, Pa at saka busog na rin po ako,’’ paliwanag ko habang nakayuko at hindi makatingin ng diritso kay Papa. ‘‘I know you’re lying! Hindi ba kawalan ng respeto iyang ginagawa mo!? Umupo ka ngayon din!’’ galit nitong turan. ‘‘I-I’m sorry Pa.’’ Tumalikod ako sa kanila at nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Habang naglalakad na ako palabas ng bahay, hindi ko na pinigilan pa ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Buti na lang at pagkalabas na pagkalabas ko ng gate ay may dumaang taxi kaya agad akong sumakay. Pinahid ko ang aking mga luha at ngumiti ng mapait. ‘‘Kuya sa ‘Calyx Restaurant’ po tayo,’’ ani ko sa driver. Habang nakatingin ako sa labas ng taxi, bigla ko namang naramdaman ang pag-vibrate ng aking cellphone hudyat na may mensahe akong natanggap. Nakita ko naman sa aking screen ang pangalan ni Kaye kaya agad ko itong binuksan. Tanging pag-aalala lang na mensahe ang aking natanggap mula sa kaniya at gano’n din kay Frost. Sinagot ko lang naman sila ng, ‘okay lang ako’ upang maibsan ang kanilang pag-aalala sa akin. Bumalik naman ako sa pagsandig sa upuan nitong taxi at kinuha ang maliit kong salamin sa aking shoulder bag na brown. Nang makita ko ang maputla kong labi, agad kong kinuha ang aking lipstick upang lagyan ito. Nasa gano’ng estado ako nang mapansin ko na hindi na pala umaandar ang taxi. Pagkatingin ko sa labas, napansin kong nasa harap na pala ako ng restaurant. Aligaga naman akong kinuha ang wallet ko at agad na nagbayad kay Kuya. Pagkalabas ko ng taxi, dali-dali naman akong pumasok sa restaurant at agad na nagtungo sa kusina. Pagkadating ko sa kusina, napansin ko namang si Jess pa lang ang nandito at nagsisimula nang magluto. ‘‘Good morning Besty!’’ bati niya sa akin. ‘‘Good morning Besty!’’ sagot ko naman sa kaniya sabay halik sa kaniyang pisngi. ‘‘Wait lang ilalagay ko lang itong gamit ko sa locker ko, okay?’’ Tumango naman siya, kaya agad akong nagtungo sa locker room namin. Nagsimula akong magsuot ng chef’s uniform namin at agad na lumabas pagkatapos kong magbihis. ‘‘Feeling ko umiyak ka? Umiyak ka ano?’’ turan ni Jess nang makita niya ako pagkalabas ng locker room. ‘‘O-Oo eh, at gano’n pa rin ang rason kung bakit ako umiyak ng ganito kaaga,’’ paliwanag ko sa kaniya. ‘‘At saka, ‘di ka pa ba nasanay sa akin? Kahit halos araw-araw akong ganito pumasok?’’ segunda ko pa sa nauna kong sinabi. ‘‘Hays… kailan ba kasi matatanggap nila Tita at Tito na ito ‘yong gusto mo?’’ Tumalikod naman siya sa akin upang haluin ang kare-kareng niluluto niya. ‘‘At saka, nakakatampo sila dahil parang ‘di ka nila anak.’’     ‘‘Hayaan mo, balang araw matatanggap din nila ang lahat,’’ sagot ko na lang sa kaniya. Nagsimula naman akong magpunas ng metal na table sa aking harapan dahil ito iyong pinaglalagyan ng ibang ingredients sa pagluluto. Habang busy kami sa kaniya-kaniyang gawain ni Jess, patuloy pa rin ang aming pag-uusap tungkol sa iba’t-ibang bagay. Pagkatapos kong magpunas, nagsimula naman akong gayatin ang sibuyas at lasuna na kailangan para sa susunod na lulutuin ni Jess. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na si Jess ang ‘master chef’ at assistant niya ako. Laking papasalamat ko sa kaniya dahil ipinasok niya ako sa restaurant na ito at gano’n din kay Calyx ang mismong may ari nitong restaurant. Habang seryoso akong ginagayat ang iba pang kailangan sa pagluluto nang bigla na lang pumasok si Calyx. Nakasuot ito ng puting fanel na naka-tuck in sa kaniyang striped checkered pants at naka-brush up ang buhok nito. Hindi ko naman maiwasang, hindi humanga sa lalaking ito dahil sa kakisigan at kagwapuhan niyang taglay. ‘‘Good morning sir Calyx!’’ bati ni Jess sa kaniya. ‘‘Good morning din Jess,’’ sagot naman nito. Habang ako ay patuloy pa rin sa aking ginagawa at hindi tumitingin sa kaniya dahil nahihiya ako. Ewan ko ba, kahit alam kong may gusto iyang si Calyx sa akin, hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya kapag nakikita ko siya. ‘‘Good morning, Karen.’’ ‘‘Good morning C-Calyx,’’  I replied. Lumapit naman siya sa akin habang nakangiti at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang suot na pants. ‘‘Jess, puwede ko bang yayain ‘tong Besty mo sa dinner mamaya?’’ turan niya habang nakatingin kay Jess. Napatigil naman ako sa aking ginagawa at tumingin sa kaniya habang naniningkit ang aking mga mata. Dami talaga ng pakulo ng lalaking ito at hindi ko alam kung ano ba talaga ang kaniyang balak sa akin. ‘‘O-Oo naman Sir! Basta ihahatid niyo rin iyan pauwi sa kanila, okay?’’ sagot ni Jess habang busy pa rin sa pagluluto. ‘‘How about you, pumapayag ka ba?’’ tanong niya sa akin. ‘‘O-Oo naman, basta ihahatid mo ako pauwi mamaya at handa ka rin magpaliwanag sa mga magulang ko.’’ Tumalikod naman ako sa kaniya upang kunin ang isang maliit na trey na pinaglalagyan ng mga gayat ng ingredients. ‘‘Why not! Iyon lang naman pala!’’ turan nito habang nakangiti ng malapad. Naglakad naman siya papalapit sa akin at bigla na lang akong hinawi nito papaharap sa kaniya. Nagtaka naman ako dahil sa kaniyang ginawa. ‘‘A-Are you, okay? You look pale kahit naka-lipstick ka?’’ he asked. Actually, kanina ko pa nararamdaman na medyo masama ang pakiramdam ko, pero pilit ko lang itong binabalewala. Tanging tango lang ang naging sagot ko sa kaniya, pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido sa aking sagot. ‘‘O-Okay, just tell me right away, if you’re not feeling well, okay?’’ ‘‘Oh, thank you,’’ nakangiting sagot ko sa kaniya. ‘‘Maiwan ko muna kayo dahil may kailangan pa akong asikasuhin.’’ Hindi pa siya nakakaalis sa aking harapan nang bigla na lang nagdilim ang aking paningin hanggang si hindi ko na namalayan pa ang sumunod na nangyari sa akin. -End of Chapter 2-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD