NAGULAT si Faith ng pagkalabas niya ng ospital ay makita niya si Xavier na nakasandal sa sasakyan nito. Nakahalukipkip ang binata habang ang tingin ay nasa sahig. Xavier was wearing a black coat and tie. At aamimin niyang gumwapo ito ng sampung porsiyento sa paningin niya sa sandaling iyon. Kahit ano naman ang isuot ng binata ay bagay rito. Ngayong gabi ang gaganapin ang wedding anniversarry ng parents ni Xavier. Nang pumayag siya sa paanyaya ng binata, kinabukasan niyon ay dumating si Manong Joaquin sa bahay nila. May dala itong malaking kahon at nang buksan niya iyon ay nagulat siya kung ano ang laman ng kahon na iyon. Isang eleganteng gown ang laman ng kahon, hindi lang gown ang laman niyon may kasama pa iyong isang sapatos at complete set of jewelries. Sa sandaling iyon s

