PAGKATAPOS kausapin ni Xavier ang dalawang kapatid na si Ylac at Zach ay ipinikit niya ang mga mata. Binisita siya ng dalawa sa ospital sa sandaling iyon. Naaksidente kasi siya no'ng nakaraang araw no'ng nasa racing field siya at ngayon ay nagpapagaling siya sa ospital. Mabuti na lang minor accident lang ang natamo niya sa aksidenteng iyon. Na-fractured lang ang kanang binti niya at kinakailangang i-cast iyon. At ilang araw lang ay madi-discharge na din siya. "Good morning, Sir." Mayamaya ay may narinig si Xavier na isang boses na babae na pumasok sa private room sa tinutuluyang ospital. At napansin niya ang malamyos na boses ng babae. Gusto nga niyang magmulat ng mata para tingnan kung kaninong boses iyon pero nagpigil siya. "I-che-check ko lang po ang pasyente." Hindi na siya nag-ab

