bc

The Mysterious Shadow

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
CEO
sweet
lighthearted
serious
mystery
scary
office/work place
first love
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Wherever I go I always feel the shadow that is always following me, the way he stare at me from head to toe, it makes me scared but at the same time I feel safe.

The Mysterious Shadow

Miai Dela Cuesta

Gael Lacranedria

chap-preview
Free preview
The Mysterious Shadow
???????: ?????????? ?? ? ?????! ???? ?? ???? ??? ????, ????? ??? ?????? ?? ?????????? ?????! A/N: kung may kaparehang storya ay Hindi sinasadya at nagkataon lamang. — bibiMarya Chapter 1 -Miai Tanging ilaw nalang ng buwan ang naka tanglaw sa akin. Papauwi na ako galing sa trabaho at ngayon ay mag isang naglalakad sa isang madilim na Eskininita papunta sa amin. Habang naglalakad ako ramdam kung may mga matang nakamasid sa akin, ramdam ko yung isang titig ng mga matang mababagsik. Bumilis ang t***k ng puso ko at binilisan ko na rin yung lakad ko, pero ramdam ko paring sinusundan parin ako Hindi ko man ramdam yung mga hakbang niya pero ramdam ko parin yung matiim na mga titig niya. Paglingon ko sa peripheral view ko isang anino ang nakasunod sa akin gusto kung lumingon pero natatakot ako. "Miai" napahinto ako ng may tumawag sa akin, dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng Boses. "Oh? Para kang nakakita ng multo ano?" Nakakunot kilay na tanong ni Kuya Jake kapatid ko at para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko at nawala na rin yung kaba ko. "Kanina kapa ba nakasunod sa akin kuya?" Tanong ko Kay kuya. "Hindi, may binili lang ako sa tindahan Nina aling tasya tapos nakita kita bakit ba?" Tanong ni kuya. "W--wala" sabi ko at iniwas yung tingin sa kanya. "Alam mo bang alas 11 na, Miai Babae ka pa naman, dapat dika nagpapagabi ng uwi" sermon ni kuya sa akin habang naka akbay. "Ngayon lang naman eh, may tinapos lang" sabi ko. "Kahit na, dapat nag text ka para masundo kita, paano kung pag tripan ka ng mga tambay, paano kung mapahamak ka" sabi ni kuya at lalong hinigpitan yung pagkaka akbay sa akin. "Hindi na mauulit" sabi ko na lang para di na humaba ang usapan namin. .... Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock, grr di na ako bata para gumamit ng alarm clock. Tumayo ako at naligo pagkatapos ay nagbihis. "Oh saan ka pupunta?" Napatingin agad ako Kay mama. "Papasok po ma" magalang na sabi ko. "Hindi ka papasok ngayon magtrabaho kang bata ka, Bilis maghanap ka ng racket, wala tayong bigas" sabi ni mama na lasing na naman. Nakita ko naman si ate na ngumise habang nag mamanicure. "Pero ma Exam ko po ngayon" naiiyak na sabi ko. "Mapapakain kaba ng exam mo?" Galit na sabi ni mama. "Pero ma....." Hindi na ako pinatapos ni mama at bigla nalang hinila ang bag ko at itinapon sa kung saan. "Hindi ka aalis" sabi pa niya. "Ma...." "Tumahimik ka!!!" Sigaw niya. Wala na akong nagawa ng bigla niya akong hinila papasok sa kwarto at narining ko nalang yung pag lock niya ng pinto. "Ma buksan mo naman ang pinto!! Ma please, Ma Exam ko po ngayon ma!!" Sigaw ko at pilit na binubuksan ang naka lock na pinto. "Magtanda kang bata ka" sigaw niya at umalis na. Napaupo nalang ako habang umiiyak, exam pa naman namin ngayon. Hinanap ko yung cellphone ko ng matawagan sana si jasmine at ipaalam sa kanya, pero napaisip ako ipinasok ko pala yun sa bag ko. Mabilis agad na tumulo yung luha ko. "P---pa, k---kung S----sana nandito ka lang Hindi ako M----magkakaganito, pa balik na please na M---miss na kita, pa kailangan kita." Iyak na sabi ko, Hindi ko pa pala nasabi Jake is my step brother and ate kate is my step sister since anak sila ng asawa ni papa, si kuya Jake lang ang tanging kakampi ko Simula ng mawala si papa. "Bunso yung cellphone mo nag ri-ring sasagutin ko ba?" Tawang tawa na sabi niya. "A---ate P-please naman oh, buksan mo ang pinto ate kailangan ko ang exam nato" nagmakaawang sabi ko Kay ate. "Aws? Ganun? Kailangan mo pala, sige bukas nalang kita bubuksan" sabi niya at tumawang umalis. "Ano naman to Kate?" Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang Boses ni kuya. "K--kuya tulungan mo ako" sabi ko. "Wag kang makialam kuya" sabi naman ni ate Kate. "Tumahik kang babae ka, pati bata papatulan mo, ganyan na ba talaga kababaw utak niyo" sabi ni kuya. "Nasaan yung susi?" Tanong ni kuya Kay ate Kate. "Ayun" turo naman ni ate, tsaka binuksan ni kuya ang pinto. "Okay ka lang" sabi ni kuya, napaiyak ako at niyakap siya. "Salamat kuya" sabi ko, niyakap naman niya ako ng mahigpit. "Daming arte" rinig kong sabi ni ate kate, pero Hindi ko nalang pinansin. Kinuha ko yung bag ko at nagpaalam Kay kuya. "Ingat bunso" sabi ni kuya ngumite lang ako at sumakay na sa jeep, pagtingin ko sa relo ko three minutes nalang magsisimula na ang exam, di ako pwedeng malate. "Manong bakit tayo tumigil?" Tanong ko ng tumigil yung sinsakyan Kong jeep. "Sensya na ining na flat yung gulong" pagkarinig ko noon bigla akong pinagpawisan ng malamig two minutes nalang magsisimula na ang exam, dali dali akong nagbayad at agad na bumaba dahil bawal sumakay rito tinakbo ko nalang, makakarating ako makakarating sh*t diko maiwasang mapaiyak. Makakaabot kapa naman Miai, makakaabot ka!! Ewan ko kahit anong sasabihin ko kusa talagang tumulo yung luha ko. Exsaktong pagkarinig ng bell ay siya namang pagdating ko, pero wala na Pang second subject na, nanghihina ako habang naglalakad sa corridor papunta sa classroom ko. Pagkarating ko sa pintuan nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako o hindi. Bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa si Mrs Santos. "Bakit ngayon kalang Ms Dela Cuesta?" Nakataas kilay na tanong ni Ma'am. Napayuko ako habang pinipigilan na tumulo yung luha ko, nanginginig pa yung tuod ko at tumutulo pa yung pawis ko. "Follow me on my office Ms Dela Cuesta" saad ni ma'am at sumunod ako. Pagkarating namin doon. "So Give me a reason kung bakit ka late, at sa exam pa talaga" sabi niya sa akin. "M---ma'am N--nasira po kasi yung sinasakyan ko" pangangatwiran ko pa. "And so?" "Ma'am pwede po bang hahabol pa Sa exam ma'am" sabi ko. "I'm sorry Ms Dela Cuesta pero unfair sa mga classmate mong Maaga dumating, ang usapan ay usapan, bawi kanalang sa Second sem" sabi ni ma'am at tumayo na. "Ma'am Please naman o! Ma'am kahit lagyan niyo ng timer ma'am please" umiiyak na sabi ko kay ma'am at lumuhod sa harap niya. "I'm sorry Ms Dela Cuesta" umiiling na sabi ni ma'am. "M---ma'am isang beses lang naman to ma'am eh, sige na please, ma'am" nagmamakaawang sabi ko, pero iniwan niya lang ako. Napaupo ako at pilit na kinalma yung sarili ko, pero kahit anong gagawin ko patuloy pa rin sa pagtulo ang walang kwentang luha nato. Lumabas ako ng skwelahan at naglalakad, hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh, ang alam ko lang gusto kung mapag isa. Kung sasabihin niyong OA kasi Exam lang, para kasi sa akin Pinakamahalaga na yun eh, gusto kong tuparin yung pangako ko kay papa na makapagtapos ako sa taon na to. Tumingala ako sa langit ng bumuhos yung malakas na ulan, medyo dumilim ang langit at nagpalinga linga ako nandito na pala ako sa park, at ang saya kasi ako lang pala yung Tao. Napangite ako ng mapait at umiyak kasabay ang pagbuhos ng ulan. "P---papa, P---papa Miss na kita" sabi ko, pero napatigil ako ng bigla ko na naman naramdaman ang isang mabagsik na tingin, nagpalinga linga ako at pilit na hinahanap ang tingin na yun. Nagsimula na naman akong makaramdam ng takot. Kahit anong pilit kung hinahanap hindi ko parin makita. "M--may T--tao ba? W-wag mo akong takutin, K----kung ki-kidnappen Moko wala kaming pang ransom" sabi ko, pero diko parin maalis yung takot na nararamdaman ko. Dahan dahan akong lumingon sa likod at doon May nakita akong Naka itim na jacket papalayo. Ipinikit ko saglit ang mga mata ko baka kasi nagmamalikmata lang ako, pag tingin ko wala na ito. Nanginginig na umalis ako ng park at naglalakad pauwi, pero andun parin yung nararamdaman kung May nakasunod sa akin, May mga matang tinitigan ako mula ulo hanggang Paa, binilisan ko ang paglalakad ko kahit ang lakas ng ulan patuloy pa rin ako sa paglalakad. Shit nanginginig na ako, medyo nahihilo na ako, nakalimutan ko wala pala akong kain kanina. Hindi ko ininda ang nanghihinang katawan ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa umabot ako sa bahay. Pagkapasok ko pa lang ramdam ko na yung sampal ni mama. *Pak* Napangiwi ako sa sakit at pinigilan na tumulo ang luha ko. "BWESIT KA TALAGANG BATA KA, NAPAKATAMAD MO, WALA KA NANG IBANG GINAWA KUNDI ANG AATUPAGIN ANG PAG AARAL MO BWESIT KA" galit na sigaw na mama at hinila hila pa yung buhok ko. "Aray! Ma ang sakit, nasasaktan ako ma!" Umiiyak na sabi ko. "Masakit na raw ma" tumatawang sabi ni ate. "MASAKIT? MASAKIT BA?" sabi niya at isang malakas na sampal ulit ang ibinigay sa akin. "Ma!" Naiyak na tawag ko rito. "Ano? Masakit? Wala kang pakinabang sa pamamahay na to....." Hindi ko na pinatapos pa si mama. "Walang pakinabang? Naririnig mo ba ang sinasabi mo ma? Nagta-trabaho naman ako diba? Minsan nga inabutan na ako ng hating gabi sa daan dahil sa trabaho na dapat sa mga oras na iyon nandito ako sa bahay gumagawa ng school work at natutulog, pero hindi ma? Nagtrabaho ako, na yung pinagta-trabahuhan ko wala ako maski piso, kasi lahat ng yun ikaw yung kumukuha tapos sasabihin mo wala akong pakinabang sa bahay? Eh yung anak niyo meron? Bat di siya yung pagta-trabahuhin niyo! Total andito lang naman siya sa bahay, walang ibang ginawa kundi ang magpaganda......" Hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko ng bigla akong sinampal ng malakas ni ate Kate na siyang ikinatumba ko. "Kapal ng mukha mo wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan" galit na sabi ni ate Kate. "Wala ba? Sa pagkaka alam ko Meron ate, kasi pamamahay ko to, bahay namin to ni papa, kung tutuusin ako yung May mas karapatan dito, hindi kayo" matatag na sabi ko habang yung luha ko hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak. "Aba't sumasagot Kana ngayon ah! Halika rito" galit na sabi ni mama at hinila yung buhok ko at ipinatayo ako, napapikit ako sa sakit, ramdam ko yung sakit ng anit ko. "Aray! Ma! T--tama na P----please" nagmamakaawang sabi ko at pilit na inaalis yung kamay ni mama sa pagkakahawak ng buhok ko. Pero dahil malakas si mama diko magawa, ramdam ko na lang na isinubsob niya ako sa tubig. "Mrrrphhhsvsy" "Ano! Sasagot kapa?" Sabi pa niya at isinubsob ulit yung mukha ko sa tubig. "Mrrphhbsjsu" Kuya Jake! Tulong! Kuya kailangan ko ng tulong mo, kuya please, Papa Tulong!. Natigil ni mama yung akmang pagsubsub ulit sa akin ng May tumawag sa kanya. "Ma!" Sigaw ni kuya Jake. "A--anak?" Sabi ni mama at binitawan ako na siyang dahilan na pagkakahiga ko. Agad na lumapit si kuya Jake sa akin at ipinatong yung jacket niya sa braso ko tsaka niyakap ang nanginginig kung katawan. "Ma, Kate! Ano na namang ginawa niyo?" Pigil na galit na sabi ni kuya Jake. "Pinagsasabi mo? Binigyan lang namin ng leksyon..." Hindi na natapos ni mama ang sasabihin ng biglang sumabat si kuya Jake. "LEKSYON? LEKSYON MA? LEKSYON BA NA HALOS PATAYIN NIYO NA YUNG BATA, KANINANG UMAGA IKINULONG NIYO TAPOS NGAYON ITO MAABUTAN KO NA PILIT NIYONG INILUNOD! TAO PA BA KAYO?" Galit na sabi ni kuya. "Bata? Anak matanda na yan! At bakit sa kanya ka kumakampi, ako yung ina mo, kami yung kadugo mo, ano bang ipinakain sayo ng babaeng yan at kampi ka ng kampi sa kanya." Galit rin na sabi ni mama at ipinukol sa akin ang galit niyang tingin sa akin. "Tama na Ma! Tama na! Bata man mo malaki na si Miai, pero baka nakakalimutan niyo ang ipinangako niyo kay papa bago siya mawala, na hindi niyo hahayaang masaktan si Miai, pero bakit kayo pa ang nanakit? Oo ma kadugo ko kayo, Pero Ma Hindi ganito ang pagtrato ni papa sa amin Nong buhay pa siya, Inalagaan niya kami, itinuring na parang sa kanya talaga nanggaling, ibinigay lahat ng gusto namin ni Kate, binigay lahat ng gusto mo, pero bakit sa parte ni Maia Unfair yung pagtrato niyo. At ikaw Kate Matanda Kana alam mo na dapat kung ano ang tama at mali." Nakita ko naman kung paano natahimik si mama at Kate, iginiya ako ng kuya paakyat sa hagdan at ipinasok sa kwarto saka niya ako pina upo, siya na rin ang kumuha ng susuutin ko. "Miai, pumasok Kana muna sa CR at magbihis Kana muna" sabi ni kuya sa akin, tumango lang ako at pinunasan yung luha ko na hindi pa rin tumitigil sa pag tulo tsaka pumasok sa CR. Pagkatapos kung magbihis nakita ko pa si kuya na nakaupo sa kama ko. "Matutulog na ako kuya" nanghihinang sabi ko at ngumite sa kanya, bigla na lang tumingin si kuya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Pasensya sa ginawa ni mama at Kate, Ako na ang manghihingi ng tawad bunso! S---sorry" sabi ni kuya at ramdam kung May tumulong luha sa likod ko, alam ko umiiyak ang kuya ko. "Okay lang ako kuya" sabi ko at nginitian siya. "Wag kang mag alala, kuya mo pa rin ako, kahit hindi tayo magkadugo ako parin yung kuya mo, naiintindihan mo" sabi niya, tumango lang ako at humiga na, naramdaman ko pang hinawakan ni kuya yung buhok ko at hinalikan ako sa noo. "Good night Miai" sabi niya at narinig ko na lang ang pagsara ng pinto, saka ko iminulat uli ang mata ko at pinahid ang luha na dahan dahan na namang tumulo sa mga mata ko. Hanggang sa dahan dahan na akong inaantok. -END

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
790.1K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
25.8K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
562.3K
bc

Dominating the Dominatrix

read
53.0K
bc

The Lone Alpha

read
123.3K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook