Deceived

1710 Words
KARA " I DONT want this to happen again!" Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng masungit niyang mood ay may naaaninag akong pilyong ngiti sa mga mata ni Mark. Agad niya akong ipinatawag ilang minuto pagkatapos kung nanggaling sa kuwarto ni Zake. Ganon kabilis nakarating sa kanya ang reklamo ng binata. Wala naman sa plano ko na injectionan si Zake nang tatlong beses. Bibigyan ko lang dapat siya ng anti-rabies shot. Pero dahil sa pinaghalong inis at sama ng loob, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umital na naman ang kamalditahan ko. "Do you understand me, Miss Davis?" Tumango lang ako pero nanatiling nakasimangot. "You may go home now. Alam kung pagod ka na. Bumalik ka na lang uli bukas ng umaga. In the meantime, si Iya muna ang bahalang mag assist kay Zake ngayong gabi." Walang kibo na tumayo ako. "Are you mad at me?" he asked. Pumihit ako paharap sa kanya. "Hindi kita maintindihan. Ikaw pa mismo ang nag-abiso sa akin tungkol sa hinala ni Zake pero bakit ako pa ang ginawa mong private nurse niya? Ginawa mo lang komplikado ang sitwasyon." "Sinabi mo na sa kanya ang totoo, hindi ba?" "Paano kung hindi siya maniwala?" "Then this is your chance para patunayan sa kanya na mali ang iniisip niya sayo." Gusto kung mapapadyak sa sobrang inis. Hindi na talaga ako nanalo kay Mark. Palagi na lang siyang may palusot. Hindi siya marunong makinig. "I know what you're thinking. You don't need to curse me. My decision is final and that's it for today. You may go." Hindi maipinta ang mukha na nagmartsa ako palabas ng opisina ni Mark at pabagsak na isinara ang pinto. Sa ugali niyang iyon, hindi na ako magtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang love life. Tumanda ka sanang binata! Lalo lang dinagdagan ni Mark kasalanan niya sa akin. Palagi na lang niya akong iniisahan. Katulad ng nangyari kanina. He deceived me. Hindi lang pala ako kundi pati na rin ang mga kasamahan ko. Ang pangalan ko ang in-announce niyang winner sa kanyang pa raffle. Iyon naman pala, ibang pangalan ang nabunot niya. Noong una, natawa ako. Sino ba namang nurse ang hindi maghahangad na magkaroon ng gwapo at may mala-Adonis na katawan na pasyente? Pero nang malaman kung si Zake ang magiging pasyente, gumuho ang pag-asa kung magkaroon ng love life. Wala akong future sa kanya. Para lang akong kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo ko. Kasalanan ito ni Mark. Sinadya talaga niya na ako ang maging private nurse ng kaibigan niyang makakalimutin. May nalalaman pa siyang palabunutan para daw fair sa lahat. The nerve! Mandaraya lang pala siya. Nakakainis! Dapat pala ay siya ang in-jectionan ko. Hindi ko mahulaan kung ano ang tumatakbo sa utak ni Mark. Hindi ko soya maintindihan. Kahit anong pagtutol ko ay ayaw niya akong pakinggan. At kahit pa siguro mag-tumbling at mag-iiyak pa ako sa harap noya ay hindi mo na mababali ang desisyon niya. Palagi na lang niyang sinasabi sakin na, "Trust me, Kar. Everything happens for a reason." Pero duda ako sa trust na tinutukoy niya. Ang isa pang ipinagsisintir ng kalooban ko, na post-pone na naman ang minimithi kung en grandeng bakasyon. Kung kailan pa naman naipa-rebook ko na ang flight ko. "Miss, saan ko makikita ang opisina ni Dr.Mendoza?" tanong sakin ng babaeng nakasalubong ko sa hallway. Pamilyar sa akin ang mukha niya pero hindi ko lang maalala. "Sinong Dr. Mendoza ba ang tinutukoy mo? Si Dr. Mark Mendoza o Louie Mendoza?" Hindi na bago sa akin na palaging may babaeng naghahanap sa kanilang dalawa. " I see. Dalawa pala ang Dr. Mendoza dito." Napakamot ng ulo ang babae. "Magkamag-anak ba silang dalawa? Pareho rin bang gwapo?" Hindi ko napigilang mapangiti. "Magpinsan sila at parehong gwapo." "Pero sino ang mas gwapo?" Nag-isip ako kunwari. Natuwaan kong sakyan ang kakaibang trip ng babaeng ito. "It's hard to tell. Just see for yourself." Biglang nagningning ang mga mata noya. "Pwede mo bang ituro sa akin ang opisina nilang dalawa?" "Sino ba ang gusto mong unahin ko?" "Pareho!" Para pagbigyan ang kakaiba niyang trip, itinuro ko ang opisina ng dalawang doktor. "Thank you, Miss Prettyful." Muli akong napangiti. I like her honesty. Marunong siyang mag-appreciate ng magagandang nilalang. PARANG ayoko pang bumangon sa kama. Ilang beses na rin nag-snooze ang alarm clock sa cellphone ko. Dilat na ang mga mata ko pero parang tulog pa rin ang diwa ko. Sa ilang taon ko bilang nurse ay ngayon lang ako tinamad na pumasok sa trabaho. "Morning, girl," masiglang bati sa akin ni Iya. Siya lang ang naabutan kung tao sa station. Night shift kasi siya at ako ang kapalitan niya. "Morning." Pilit akong ngumiti at agad na hinagilap ang medical chart ni Zake. Kahit wala ako sa kondisyon ngayon, kailangan ko pa ring gampanan ang sinumpaan kong trabaho. "Mauna na ako. Ikaw na ang bahala kay Cutie. "Si Zake siguro ang tinutukoy niya. Mukhang nag-enjoy siya sa pagbabantay sa lalaki base sa ngiti sa mga labi niya. Cute ka diyan! Nakasimangot na sinundan ko ng tingin ni Iya. Lihim na nagsisintir ang kalooban ko. "WHO ARE you? Ano'ng ginagawa mo dito?" Iyon ang bungad sa akin ni Zake nang pumasok ako sa kuwarto niya. Sa kabiglaan ay na-freeze ako sa paghakbang. Hindi ko iyon inaasahan. Ano bang klase ng memorya meron ang lalaking ito? "Magsasalita ka ba o tatawag ako ng security?" I couldn't seem to find my voice. NAGUGULUHAN ako sa nangyari. Bigla na lang tumawa si Zake sa pagkamangha ko. "I'm just joking! It's my way of greeting you a happy morning." Shit ka! Muntikan na iyong lumabas sa bibig ko kung hindi ko kaagad napigilan ang sarili ko. Tama bang pagtripan ako, lalo na ngayong wala ako sa mood? Nakasimangot na dumeretso ako sa bedside at padabog na inilapag ang bitbit na tray. "What is in your tray?" Halos humaba ang leeg niya sa pangtanaw. Napilitan akong sumagot. "You're breakfast." Nagdudang tiningnan iyon ni Zake. "Sigurado ka?" "I also brought your medicines." "I-injection-an mo na naman ba ako? Gusto kung matawa sa nakitang reaksiyon niya. Naisip kung gumanti. Kung siya naman kaya ang pagtripan ko? Pero agad na nagbago ang isip ko. Saka na lang siguro. Iipunin ko muna ang atraso niya sa akin hanggang sa mapuno ako. "Don't worry, oral medicinee ang dala ko." Ipinakita ko pa iyon sa kanya. Nakita ko ang relief sa mukha ni Zake. "Kung palagi kang ganyan, magkakasundo tayong dalawa." "Malabo nang mangyari yon." "Na magkasundo tayo?" "Malabo nang mangyari ang iniisip mo. Hindi lahat ng gamot, kailangang i-take orally. May mga gamot na kailangang i-inject para mas mabilis na umepekto." Sumimangot si Zake. "Hindi ba pwedeng injection-an mo ako kapag tulog na ako?" "Pwede rin naman. Iyon, eh, kung palagi kang tulog sa oras na kailangan kitang bigyan ng shot," hindi lumilingon na sabi ko habang abala sa pag-aayos ng tubo ng suwero sa kamay niya. Napuna ko ang pananahimik niya. Na-conscious tuloy ako. Mataman kasi siyang nakatitig sa akin. "Kara, maganda ka rin pala." "Is that a compliment?" nakaangat ang kilay na tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay iniinsulto niya ako. "Oo naman. Swerte mo dahil bihira akong magandahan sa isang babae." Parang utang-na-loob ko pa sa kanya na nagagandahan siya sa akin. Kung injection-an ko kaya siya sa mga mata? "Kahit hindi mo sabihin, matagal ko nang alam na maganda ako." Tinawanan ako ni Zake. Tawang nakakainsulto. Kung hindi ko lang siya pasyente, kanina ko pa siya pinektusan. Tumalikod lang ako para sana mag-back out. "Hey! Bago mo ako iwan, tulungan mo muna akong dyumingle. Sige ka! Baka dito pa ako magkalat." "Ikaw naman ang mamamanghi at hindi ako!" Gayunman ay walang kibo na pumasok ako sa banyo at lumabas na may bitbit na urinal. Mabilis ko iyong inabot sa kanya. "Ano ito? Parang pitsel lang. Huwag mong sabihing dito ako iihi?" Diyan ka nga iihi sa pitsel na yan. Pagkatapos inumin mo. Baka sakaling tumalas ang memorya mo. Hambog!" Akala mo naman kung sinong gwapo! Hmp! Dere-deretso ako sa pinto nang bigla iyong bumukas. "Ano ba? Bakit ka ba nanunulak? asik ni Tyron. "Ikaw kaya ang nanulak diyan! Ganting asik ng isang maliit na babae. "Ako ang naunang dumating sa'yo." "Pero ako ang naunang nagbukas ng pinto." "Bakit, sinabi ko ba na ipagbukas mo ako ng pinto?" "Hindi ko binuksan ang pinto para sa'yo. Asa ka pa!" Pumihit si Tyron at parang nagulat pa siya nang makita ako. "H-hi, Kara!" "Tumabi ka nga diyan!" Bigla itong itinulak ng kasama nitong babae. "Hello, Miss Prettyful?" Sabi ko na nga ba at siya yong makulit pero cute na nagtanong sa akin kahapon. "Don't tell me na ikaw ang private nurse ni Kuya Zake?" nanlaki ang mga mata na tanong niya. "Cyrhel, bakit nandito ka? Akala ko ba grounded ka? And you!" baling ni Zake kay Tyron. "Ang sabi mo sa akin kagabi, may practice game ka ngayon. Bakit nandito ka rin?" Pero parang walang narinig ang dalawa at hindi pinansin si Zake. "I feel sorry for you, Miss Prettyful. Malas mo lang at ang kapatid ko ang naging pasyente mo. Wala kang future sa kanya. Magpalit ka nalang ng ibang career at-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang bigla na lang siyang hilahin ni Tyron palabas. "Ang ingay-ingay mo, alam mo ba yon? Panira ka ng moment!" "Pakialam mo ba?! Teka, bakit mo ako pinapalabas?" Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa. Para silang mga batang paslit na nagtatalo. "Hinahanap ka nga pala ni Mark. Nakasalubong ko siya kanina. Ibinilin niya sa akin na pupuntahin daw kita sa office niya kapag nakita kita." Nagliwanag bigla ang mukha ni Cyrhel. "Talaga? Bakit daw?" Ngumiti si Tyron. "Kailangan niya ng magdo-donate ng dugo." Bago pa makapag-react ang dalaga ay mabilis nang isinara ni Tyron ang pinto at ini-lock iyon. "Wala nang maingay at istorbo." Sa pagpihit ng binata ay may iniabot siyang mga bulaklak sa akin. "For you." Hindi ko alam kung san nanggaling iyon. Parang wala naman siyang bitbit kanina. Napilitan akong tanggapin iyon. "T-thank you." "Kung magliligawan kayong dalawa, doon kayo sa labas!" masungit na utos ni Zake na napalingon sa aming dalawa. "Nakakaistorbo kayo sa taong gustong magpahinga!" "Zake Boy, kagigising mo lang, magpapahinga ka na naman?" pang-asar ni Tyron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD