The Lucky One

2532 Words
ZAKE NANG magkamalay ako ay nasa hospital na ako. Sina Mark at Tyron ang una kong namulatan. Mamaya ay humahangos na dumating si Mama at umiiyak. Kasunod niya sina Papa at Cyrhel. Thank God I'm still alive! Ang buong akala ko ay hindi ko na sila makikita ulo. Pero nakaligtas man ako sa aksidente, hindi biro ang pinansalang natamo ko. Naka-cast ang buong kaliwang binti ko dahil nagkaroon daw ng mild fracture ang tuhod at bukong-bukong ko. At ayon kay Mark, matatagalan bago ako tuluyang maka-recover at makapaglakad muli nang normal. "Zake Boy, sabi ko naman sayo, alisin mo na ang katangahan sa katawan mo. Tingnan mo tuloy ang nangyari sayo." Sinulyapan ko si Tyron nang matalim. "Gag-! Kung hindi dahil sayo, hindi ako mahuhulog sa hukay. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito." Kung magagawa ko lang makatayo, kanina pa siya nakatanggap ng magkakasunod na kutos mula sakin. "Hay naku, Kuya! Aminin mo na kasi ang katangahan mo. Ang laki-laki ng kalsada para hindi mo makita ang hukay na iyon. Nakakahiya ka. Gwapo ka nga, pero ang laki mo namang tanga!" "Cyrhel!" saway ni Mama. "Huwag mong pagsalitaan nang ganyan ang kapatid mo. Hindi katangahan ang tawag doon. Minalas lang talaga ang kuya mo na mahulog sa hukay." "Ma, pareho lang iyon." "Tumigil na kayong dalawa!" To the rescue sa akin si Papa. "Be thankful that nothing serious happened to him," sabi niya at nangingiting nilapitan si Mama. "Mary my dear, huwag nang magtampo. Alam ko naman na napilitan kang I postpone ang tour mo dahil sa nangyari kay Zake." "Of course not. Bakit naman ako magtatammpo? Natural lang na umuwi ako dahil buhay ng anak ko ang nakasalalay dito." Lihim akong napangiti. Hindi naman pala ako maipagpapalit ni Mama kay Bon Jovi. "Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" Lumapit sakin si Mama at hinalikan ako sa noo. Hindi na sya umiiyak pero patuloy sa pagsinghot. "Dr.Mendoza, sigurado ba kayo na maliban sa fracture niya sa binti ay wala na siyang ibang pinsala?" "Hindi kaya naalog na naman ang ulo ni Kuya Zake at mayroon na naman siyang hindi maalala?" Sabad ni Cyrhel Mabilis siyang pinanlakihan ni Mama ng mga mata. "Actually, kalalabas lang po ng resulta ng brain scan ni Zake at wala naman siyang nakuhang pinsala sa ulo," sabi ni Mark. "He'll be fine soon. Basta tuloy-tuloy lang ang ilang series ng medication at therapy niya, sigurong makakakalakad uli siya." "Kailan makakauwi si Zake?" tanong ni Papa. Muling nagsalita si Mark. "Pwede na po siyang mai-discharge next week o maaaring mas maaga pa. Iyon ay depende sa development ng kondisyon ng anak ninyo. But I suggest that he gets a private nurse to take care of him and also to monitor his condition." "No way!" mabilis kong tutol. I don't like the idea. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang inaalagaan ako na parang bata. "I can take of myself. And, Ma, ayokong umuwi sa bahay. Doon na lang ako sa condo unit ko." "Zake, huwag matigas ang ulo mo!" saway ni Mama. "Doon ka sa bahay uuwi para mabantayan ka namin." "Fine!" Sa bahay ako uuwi pero hindi na ninyo kailangang kumuha ng private nurse para may mag alaga sakin. "It's not for you to decide." Tiningnan ako no Mark na parang sinasabi niya sakin na wala akong magagawa kundi sumang-ayon sa gusto nila. Pakiramdam ko tuloy ay pinagkakaisahan nila ako. "Kung sa ikabubuti naman ni Zake, I agree with you, Dr.Mendoza," pasang-ayon ni Papa na ikinagulat ko. "He needs professional help, especially with his condition. What do you think, dear?" Hindi na ako nagulat nang sumang-ayon din si Mama. Lalo lang tuloy akong nanlumo. "Mark, mayroon ka bang maisa-suggest sanina na maaaring maging private nurse ni Zake?"tanong ni Mama. Iyon ang kinatatakutan ko. Ang hayaan nilang si Mark kumuha ng mag-alaga sakin. "I have a person in mind but I don't know if she's willing. But still, marami naman akong staff dito sa hospital. I can ask them. Sigurado ako na marami ang magkakainteres. "Pa, ang piliin ninyo eh, yong maganda at sexy na private nurse para magka-lovelife na si Kuya Zake," isinama pa nila si Cyrhel? "Who knows? Baka mawala na rin ang katangahan ko." Sa isang iglap ay nadampot ko ang katabing unan at mabilis na ibinato iyon sa kanya. Sapol si Cyrhel sa mukha. "Kahit kailan talaga, pikon ka!" Akmang ibabato niya ang unan pabalik sakin nang pigilan ako ni Mark at binigyan ng warning look. "Cyrhel, sa palagay ko, ikaw ang kailangan nang magka-lovelife," sabad ni Tyron. "Who knows? Baka tumino ka na." "Huwag kang epal! Hindi kita kausap!" Inirapan ni Cyrhel si Tyron at muling binalingan si Mark. "Kuya, may love life kana ba? Deadma lang ang binatang doktor sa pagpapa-cute ng kapatid ko. KARA NANG dumating ako sa pantry, naabutan kung nagkakagulo ang co-nurses ko. May hawak na papel at ballpen ang bawat isa. Kanya-kanya sila sa pagsusulat at pagkatapos, inihilig ang sinulatang papel sa malaking kahon na nasa misa. Ano ito, raffle draw? Palabunutan? Malayo pa ang Christmas Party. "Mare, ano pa ang tinatanga-tanga mo diyan!?" Nilapitan ako ni Mildred at inabutan ng papel at ballpen. "Dali, isulat mo na ang pangalan mo at ihulog mo doon sa box." "Bakit? Ano'ng meron?" "Hindi mo ba nabasa ang nakapaskil sa bulletin board?" Umiling ako. Hindi pa kasi ako nagagawi roon. "May pa-contest ba? Palabunutan? Raffle draw?" "Basta! Isulat mo na ang pangalan mo bago pa dumating si Dr. Mendoza." Si Mark ang may pakana nito? Hindi na ako nagulat sa nalaman. Gusto ko pa sanang magtanong pero masyadong excited ang mga taong nagpaligid sakin. Kanya-kanya silang panalangin na sana ang pangalan nila ang mabunot. Pero feeling ko, isa itong pa-contest. Makakatanggap ng premyo ang mapalad na mabubunot. Pati tuloy ako ay nahawa na sa excitement nila. Nagmamadali kong isinulat ang pangalan ko at bago iyon inihulog sa kahon at tahimik akong nanalangin. Sana ako ang mabunot. Anuman ang premyong nakalaan, premyo pa rin iyon. Sana cash na lang. Pero mas okay kung bakasyon sa Boracay o kaya sa Palawan. Ilang sandali ay pumasok si Mark sa kuwarto. Lalong nagkagulo ang mga kasamahan ko. Doon ko lang napansin na lahat pala kami ay nga babae. Ahh...for the girls only ang pa-raffle na iyon. "Everyone..." Awtomatikong tumahimik ang lahat nang mag-umpisang magsalita si Mark. "I know that is this kinda weird. Pero ito lang ang naisip kung paraan para maging fair sa inyong lahat. Sinuman ang mabubunot ko ang siyang magiging private nurse ng isa kung pasyente." Biglang gumuho ang excitement ko. Kung kanina ay hanggang ulo ang energy ko, ngayon ay bumagsak sa talampakan ko. Bakit ba kasi hindi muna ako nagtanong bago sumali sa kalokohan na ito? "Mare, kinakabahan ako," narinig kung bulong sakin ni Mildred. Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang ang kagustuhan nila na maging private nurse. Dahil kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin kung manatili sa hospital dahil mas maraming nangangailangan ng tulong namin doon. "Pwede pa ba akong mag-back out?" naisip kung itanong kay Mildred. Mabilis siyang lumingon sakin. "Sira ka ba? Bakit ka naman magba-back out?" "Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na palabunutan ito ng mga desperada." "Sino ba naman ang hindi magiging desperada kung saksakan naman ng gwapo ang magiging pasyente mo?" Namilog ang mga mata ko sa narinig. " Saksakan ng gwapo? Hindi nga?" Inirapan ako si Mildred. "Di you think magkakagulo kaming lahat kung hindi?" "Sigurado ka ba talaga na gwapo?" Gusto kung makasigurado. "Oo nga sabi. At hindi lang siya basta gwapo, mala-Adonis pa ang katawan. Parang nai-imagine ko na habang pinapaliguan siya," kinikilig na sabi pa niya. Muling bumalik ang energy at excitement ko. Lagpas pa hanggang ulo. Kung gwapo at mala-Adonis ang katawan ng pasyenteng aalagaan, para na rin akong nanalo ng grand prize. Binalot ng katahimikan ang buong paligid. Naka-focus silang lahat sa harap. Nag uumpisa na pala si Mark sa pagbunot. Napa-ohh silang lahat nang itaas ni Mark ang nabunot na papel. Naki-ohh na rin ako. Halos hindi kami humihinga habang hinihintay na i-announce niya ang masuwerteng pangalan. "And the lucky one is... "Sinadya pang i-suspense ni Mark ang sasabihin. Shemay! Lalo lang niya kaming pinae-excite. ZAKE KANINA pa kami naka-focus ni Tyron sa may pinto. Hinihintay na magbukas iyon. Nakasalalay kasi roon hindi lang ang kaligayahan ko kundi pati na rin ang future ng love life ko. Heavens! Para na rin akong nasa langit kung isang maganda at sexy na nilalang ang mag-aalaga sakin. Ngayon pa lang ay gusto ko nang pasalamatan si Mark dahil sa pagsa-suggest niya na magkaroon ako ng private nurse. Sabay kaming napasinghap ni Tyron nang biglang pumihit ang doorknob. Ilang sandali ay isang magandang dalaga ang iniluwa ng mahiwagang pinto na iyon. "Ang swerte mo, bro!" sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa papalapit na nurse. "Good evening. Itse-check ko lang po ang vital sign ng pasyente," she said while wearing a smile. I smiled back. Okay lang sakin kahit habang-buhay pa niya akong alagaan. "Miss, ikaw ba ang magiging private nurse ng kaibigan ko?" excited na tanong ni Tyron. Inuunahan na naman niya ako. But to my dismay, umiling ang magandang dilag. "Sana nga po, ako na lang. Pero ibang pangalan ang napili ni Dr. Mendoza." Na naman! Ito na ang panlimang nurse na pumasok sa kuwarto ko. At lahat sila, magaganda at sexy pa. Pero kahit isa sa kanila ay walang napili si Mark na maging private nurse ko. Ano ba ang qualification na hinahanap ng mokong na iyon? Bigla tuloy akong kinabahan. Paano kung kabaliktaran ng inaasahan ko ang pinili niya? "Zake, I have a bad feeling about this. Don't expect too much. Parang hindi mo kilala si Mark." May punto di Tyron. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Mark ay kilalang-kilala ko na siya... Lalo na pagdating sa kalokohan. Hindi ko na mabiling kung ilang bears na niya akong nabiktima. Gayunpaman ay nagpatuloy pa rin kami ni Tyron sa pag-aabang sa muling pagbukas ng pinto. "Inaantok na ako, Zake Boy!" sabay hikab. Kaninang umaga ko pa kasama si Tyron. Nakonsinsya siguro ang loko kaya nag-volunteer na bantayan ako. "Umuwi ka na. Kaya ko na ang sarili ko." "Gustuhon ko man, hindi rin naman ako matatahimik hangga't hindi ko nakikita kung sino ang babaeng nurse na mag-aalaga sayo. Iyon, eh , kung babae nga siya. Paano kung lalaki pala ang pinili ni Mark? And worst, binabae pala." "Hindi naman siguro." Pero kinilabutan ako sa sinabi niya. Napatuwid ang likod ko nang muling pumihit ang doorknob. Ilang sandali pa ay isang nurse na naman ang iniluwa ng pinto. "I think she's the one." Lumingon sakin si Tyron at ngumisi. "May balat ka talaga sa puwit!" Awtomatikong napangiwi ako. Why? Bukod sa mapalad na katawan ay may edad na ang babae. Sa palagay ko, hindi nagkakalayo ang edad nila ni Mama. Katulad ng sinabi ng mga naunang nurse, itse-check lang daw niya ang VS ko. Every five minutes, kailangan I-check? "Miss..." tawag ni Tyron. Hindi nawawala ang nakakalokong ngiti sa mukha niya. "Ikaw ba ang magiging private nurse niya?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang isasagot ng babae. "Sayang nga po pero hindi ako ang nabunot ni Dr.Mendoza," malungkot na sabi niya. Saka lang ako nakahinga nang maluwag. "Nabunot?" Nagtatakang tumingin sakin si Tyron nang makalabas ng kuwarto ang nurse. "Ano iyong palabunutan! Raffle draw?" Nagkibit-balikat ako. Malay ko ba kung ano'ng kalokohan ang naisip ni Mark sa pagpili ng mag-aalaga sakin. Mahabang sandali ang lumipas. Nakatulog na nga sa tabi ko si Tyron. Ang loko, gusto pa akong tabihan sa kama. Sa laki niyang iyon, siguradong hindi kami magkakasya. Ayaw naman akong dalawin ng antok kaya nanood na lang ako ng TV. At kung kailan naman hinihila na ako ng antok ay saka naman biglang bumukas ang pinto. Awtomatikong namilog ang mga mata ko nang makita si Kara na pumasok. "You're here!" Hindi ko maitago ang excitement. Hindi ko inakala na dito pa sa hospital muling magkukrus ang landas namin. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Kara at nakasimangot na dumeretso sa bedside table. "Where have you been? Ang sabi ni Mark, nagbakasyon ka raw." Hindi siya sumagot pero nakaangat ang kilay na lumingon sakin. Na para bang sinabi niya na, close ba tayo? "Actually, gusto talaga kitang makita. I-I mean, gusto kitang makausap. After our meeting at the airport, may mga bagay akong gustong itanong sayo." "Katulad ng?" Napalitan ng pagtataka ang reaksiyon ni Kara. "Kung ikaw ba-" "Hindi ako ang Kara na first love mo at matagal mo nang hinanap. Hindi ako siya." Paano niya nahulaan? "May itanong ka pa?" "Ikaw ba ang magiging private nurse ni Zake?" sabad ni Tyron na gising na pala. Isang tipid na ngiti lang ang isinukli ni Kara. Pero katulad ng mga naunang nurse na dumaan sa kuwarto ko ay tsinek din niya ang vital sign ko. Ibig sabihin, hindi siya ang napili ni Mark. "Siya kaya? What do you think?" halos pabulong na tanong sakin ni Tyron habang sinusundan namin ng tingin ang bawat kilos no Kara. Pagkatapos ay lumapit ang dalaga sa bedside table at may kinuha sa tray na ngayon ko lang napansin. Nanlaki ang mga mata ko at halos mapalundag nang humarap siya sakin. "P-para saan ang mga iyan?" "This one is a pain reliever. Siguradong kikirot ang injury mo mamaya and the other one is your second anti-rabies vaccine. Nakagat ka ng aso, remember? I can also give you a shot of depressant kung gusto mo nang magpahinga." Para akong mawawalan ng ulirat anumang oras. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang takot ko sa syringe na hawak niya. Hindi lang basta isa kundi tatlo pa. Ano ba ang kasalanan ko at bakit ako pinaparusahan nang ganito? "Pakihawakan po ang pasyente," utos ni Kara kay Tyron. "Subukan mo lang. Ikaw ang tatamaan sa akin!" banta ko sa kaibigan ko nang tangka niya akong hahawakan. "Zake Boy, parang kagat lang iyan ng langgam. Iyon nga lang, napakalaking langgam." "Kung sayo ko kaya iturok yan?" angil ko. "Zake, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Kung gusto mo, pumikit ka na lang para hindi mo makita ang injection." Mabilis na lumipad ang mga mata ko kay Kara. "Kapag ba pumikit ako, hindi ko mararamdaman ang sakit?" "Ano'ng gusto mo, padapain uli kita at injectionan sa puwit? Tyron, hawakan mo siya," muling utos ni Kara na sinunod naman ng kaibigan ko. Hindi man lang niya ako kinampihan. Sa kagustuhan kong makaiwas ay nagpumiglas ako at aksidente kong naigalaw ang may pinsalang binti. "Ahhhh!" Namilipit ako sa sakit. Pagkatapos ay tatlong sunod-sunod na parang kurot sa balikat ang nararamdaman ko. "We're done!" Huh? Tapos na? O nagbago ang isip niya? Nang lumingon ako kay Tyron ay parang timang lang siya na tawa nang tawa. Habang si Kara naman ay nagliligpit na ng mga gamit. "Kung may kailangan ka, pakipindot na lang ang panic alarm button," she said coldly at humakbang na palabas. Malapit na siya sa pintuan nang pumihit siya paharap sa amin. "By the way, I'm Kara Davis and I will be your private nurse from now on."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD