Death
Hindi alintana ni Rhoda Genesis ang papabilis na pagtakbo ng sasakyan na minamaneho niya sa gitna ng madilim na kalsada. Luhaan at puno ng sakit ang lumulukob sa kanya habang tinatahak niya ang kalsada.
Bakit? Bakit siya nagawang lokohin at saktan ng dalawang tao na napakaespesyal para sa kanya?
Patuloy sa pag-agos ang kanya mga luha. Nanginginig siya dahil sa pagragasa ng mga emosyon na nagpapalit-palit. Galit..pagkadismya. lungkot..sakit at pighati.
"Hindi ka naman taLaga minahal ni Jason,ako talaga ang mahal niya,Rhoda..nakipagrelasyon lang siya sayo dahil ikaw lang ang paraan para makilala sya ng publiko since you have a big crush on him kaya nga siya ang kinuha mong gaganap na bida sa sinulat mo,hindi ba? And that's a big opportunity for him at pumayag ako dahil mahal ko si Jason," puno ng pagkasuya saad ng stepsister niyang si Devine.
Lalo nanikip ang dibdib niya na maalala ang sinabi iyun ni Devine sa kanya. Balak niyang supresahin si Jason na tatlo taon na niyang nobyo kaya nagpunta siya sa bahay nito pero siya ang nasupresa dahil sa naabutan eksena. Nagtatalik ang mga ito sa salas ng binata.
Jason cheating on her..with her step-sister. At ang masakit pa dun na hindi ikinaila ni Jason ang mga sinabi ni Devine. Na ginamit lang siya para sumikat ang nobyo. Now,her ex-bastard Jason Rason,na sikat na aktor..at dahil iyun sa kanya!
Mga walang utang na loob!
Hindi rin makikilalang sikat na modelo si Devine kung hindi rin dahil sa kanya!
Puno ng poot ng galit ang kalooban niya na pinabilis lalo ang pagpapatakbo ng kotse niya.
She want to die! Pinatay na rin naman siya ng dalawang tao espesyal sa kanya na naging inspirasyon din niya.
She can't bear it. She can't!
Nanlalabo sa mga luha ang mga mata niya at bigla na lamang may kung ano tumawid sa unahan niya kaya mabilis na ibinaling niya pakanan ang manibela at naramdaman niya na tila bumubulusok siya pababa.
She's going to die now. At iyun ang gusto niyang mangyari. Ang mamatay na lang kaysa mabuhay pa siya. Habang humihinga pa siya alam niyang hindi na siya makakamove on pa dulot ng sakit na binigay sa kanya ng dalawang taong espesyal sa kanya.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hinihintay ang papalapit na kamatayan niya.
Malakas siya napahampas sa unahan ng manibela at hapdi at kirot na naramdaman niya dahil sa mga basag na salamin.
Nahihilo siya at nahihirapan na rin siyang huminga dahil malakas na tumama ang dibdib niya. Dama din niya ang pag-agos ng malapot at mainit na likido sa mukha niya.
Namamanhid na rin ang buo niyang katawan. She can't move. Hindi na siya gumagalaw. Alam niyang ilang sandali na lang ay mapupugutan na siya ng hininga.
Ito ba ang gusto niya ang mamatay habang masaya ang mga taong nagdala sa kanya sa sitwasyon ito?
Yes,she want to die.
Unti-unti ng bumabagsak ang mga talukap niya. Ngunit bago pa man siya lamunin ng kadiliman ng kamatayan. May isang bulto na nababalot ng liwanag ang lumalapit sa kanya.
Sinusundo na siya.
Ang huling bagay na namalayan niya ang malakas na pagsabog ng kung ano.
Rest in piece,myself.