Amuse
Paulit-ulit na umeere sa telebisyon at radyo ang pangalan Rhoda Genesis at ang aksidente na kinasangkutan nito na humantong sa pagkamatay nito.
Mataman na pinanuod ni Constell ang binabalita sa television at pinapakita roon ang wasak at sunog na kotse ng sikat at kilalang writer na si Rhoda Genesis.
Ayon sa mga awtoridad kasama sa nasunog ang writer sa loob ng kotse at ayon sa step-sister nito na si Devine Gracia,lasing di umano ang writer na umalis ng gabing iyun at pinipigilan naman daw ito ng huli pero hindi daw nagpapigil ang writer.
Ayon naman kay Jason Rason,ang nobyo ng pumanaw na writer. Galing ito sa bahay ng lalaki para daw bumili ng makakain kahit nakainom na ito dahil kasulukuyan daw silang tatlo na nagbabonding na palagi daw nila ginagawa. Nagsisisi si Jason na hinayaan niya ito umalis na nakainom.
Nagdadalamhati ang lahat sa pagpanaw ng sikat na manunulat.
Pinatay niya ang telebisyon ng magsawa sa balitang iyun. Bumuga siya ng hininga. Kampante siyang nakaupo sa pang-isahan sofa niya sa salas. Sumulyap siya sa isang pintuan na nakasarado.
Isang linggo na. Isang linggo na mula ng dalhin niya roon sa silid na iyun ang sikat na writer.
Rhoda Genesis.
Tumayo siya at pinuntahan ang silid na iyun. Wala pa rin itong malay.
Nakabukas ang sliding door sa balkonahe habang mabini na tinatangay ng hangin ang manipis na kulay puting kurtina. Mula sa liwanag sa labas na tumatama sa kabuoan ng dalaga na mahimbing na natutulog sa malapad na kama.
Humalukipkip siya habang nakasandig sa gilid ng nakabukas na pintuan.
Maganda ang babae. Maputi. Matangos ang ilong,mahaba at makapal ang mga pilikmata nito. Her lips. Iyun na ata pinakasexy labi na nakita niya sa buong walang hanggan na buhay niya.
Maputla man pero alam niya kasingpula iyun ng mansanas.
She's not just beautiful talentado din ito. Inalam niya ang lahat na tungkol sa dalaga na binigyan niya ng pangalawang buhay. Beauty and brain. Maraming achievements na natanggap dahil sa mahusay nitong pagsusulat.
Napangisi siya sa sarili. Namamangha siya sa angkin kagandahan ng babae. Akala niya sa Starry temple lang meron ganun na babae. Tulad ng babaeng bituin na nagugustuhan niya pero...mas maganda ang babaeng tagalupa na nasa harapan niya ngayon.
He sighed. Siguro isa sa dahilan ng ibang bituin kung bakit pinipili nila manatili dito dahiL may hihigit pa sa paghanga nila rito kaysa sa pinanggalingan nila.
But not to him. Hindi siya matutukso na gayahin ang mga iyun. May paninindigan siya. Hindi niya ipagpapalit ang walang haggan na buhay niya sa kamatayan dahil lang sa mga taga-lupa.
Muli mataman niya ito tinitigan.
Nang makita niya ito na malapit ng mapugutan ng hininga at balot ng dugo. May kung anong damdamin ang bigla umusbong sa kalooban niya. Awa,galit at pag-aalala na hindi normal sa isang tulad nilang mga bituin.
Muli siya napabuga ng hangin. Marahil siguro hindi lang niya inaasahan na makita sa ganun kalunos-lunos na sitwasyon ang babaeng nakatadhana sa kanya para buhayin niyang muli.
Iyun nga lang ba ang dahilan?