THREE

493 Words
Awake "I-ikaw ba ang sundo ko?" nahihirapan niyang saad. Lumulutang siya sa ere dahil buhat-buhat siya ng isang lalaki na ubod ng gwapo. Ngumisi ito na tumunghay sa kanya. "Hindi,magandang binibini..nandito ako para bigyan ka ng pangalawa pagkakataon na mabuhay," saad nito. Kahit boses nito ay napakagwapo. Nagagawa pa niya humanga sa lalaki sundo niya habang nag-aagaw buhay na siya. "H-hindi..m-mamatay na ko," usal niya. Lumamlam ang magaganda mata ng lalaki. Tila babae ang pilikmata nito dahil mahaba at makakapal iyun. "Hindi mo pa oras,magandang binibini,hindi ka mamatay sa bisig ko," tugon nito bago siya tuluyan kainin ng dilim. Malakas na pagsinghap ang umalpas sa mga labi ni Rhoda kasabay na pagmulat ng kanyang mga mata. Agad na sumilay sa kanya ang kulay puting kisame. Malawanag ang paligid. Nasa langit na ata siya. Masaya siya dahil doon siya napunta hindi sa mainit na lugar kung saan napupunta ang makasalanan na tulad niya. Yeah,isang malaking kasalanan sa Diyos ang kitilin ang sarili buhay. Bumangon siya,gusto niya makita ang totoong langit pero agad din siyang napahiga ng tangkain niya bumangon dahil bigla siya nahilo. Mariin niya ipinikit ang mga mata. Bakit siya nakakaramdam ng pagkahilo? Hindi ba kaluluwa na siya? Muli siya nagmulat at sa pagkakataon iyun sa nakabukas na sliding door natuon ang mga mata niya. May kwarto pala sa langit,eh? Dahan-dahan siya bumangon sa hinihigaan niya. Humugot siya ng malalim na hininga at pilit na tumayo bahagya pa siya nanginginig. Nanghihina siya? Bakit ba siya nakakaramdam pa? Di ba nga kaluluwa na lang siya? Nanatili siya nakaupo sa gilid ng kama. Napakurap-kurap siya ng maramdaman na tumitibok ang puso niya. Umawang ang mga labi niya. Sinapo niya ang sariling dibdib kung saan mabilis na tumitibok ang puso niya. No..no.. Bigla nagreplay ang sinabi ng gwapong lalaki sa kanya bago siya tuluyan namatay. "Hindi mo pa oras,magandang binibini,hindi ka mamatay sa bisig ko," Mabilis siya napapihit sa likuran niya ng makarinig siya ng pagbukas ng pintuan. Nahigit niya ang hininga at lalo dumoble ang pagtibok ng puso niya ng makita ang lalaking sumundo sa kanya sa kamatayan niya. Agad ito ngumiti at tila ba nagliwanag ang paligid niya. "Magandang umaga,Rhoda..maligayang pagbabalik," wholesome nitong saad. Napakurap-kurap siya. Hindi. Hindi niya maintindihan ang nangyayari?! Nanatili nakaawang ang mga labi niya. "Hindi nga ako nagkamali,mas maganda ka ngayon nagkamalay ka na ulit..uh,hindi..muling nabuhay," magiliw nitong saad na lalong nagpagulo sa utak niya. Ano ba ang pinagsasabi nito?! Ngumiti itong muli. Humakbang ito palapit sa kanya at maang pa rin na sinusundan niya ito ng tingin hanggang sa lumuhod ito sa harapan niya. Hala! Lalo nagrigodon ang puso niya! Matiim na pinakatitigan siya nito na agad na nakadama siya ng pagkailang. Ngumisi naman ito. Napasinghap siya ng hawiin nito ang ilang hibla ng buhok niya na tumatakip sa kalahating mukha niya at iniipit nito iyun sa likod ng tainga niya. Nanlaki ang mga mata niya ng haplusin ng likod ng kamay nito ang pisngi niya. "Pale but you are still beautiful,Rhoda.." mangha nitong saad. "A-a-anong nangyayari? B-bakit t-tumitibok pa rin ang puso ko?"maya-maya usal niya habang nanatiling nakamaang sa gwapong lalaki. "Iyun ay dahil buhay ka,Rhoda.." No way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD