Sabrinas POV:
Shit.
Shiiit.
Shiiiiiiit. .
Naisahan ako.
Tsk!
Erase.
Remove.
Delete.
Ughhhhhhh.
Nakakainisssss.
Sinong di maiinis.
Ninakawan ba naman ako ng halik.
(flashback!!! )
" Nag-enjoy ka ba?" tanong niya habang nagtatanggal ng kanyang seatbelt.
Hindi. Nahihiya ako sa kantahan portion kanina.
" Yong totoo?, hindi. Nakakahiya ang ginawa natin. "
" Cute mo nga eh, akalain mo. May magandang boses ka palang tinatago. Sa susunod one on one videoke tayo." sabi nito habang inalalayan ako pababa.
Parang may sakit lang eh no?
" Wala ng susunod dahil diba nagkasundo tayo? Hindi mo na ako dadalawin dito and di na rin tayo magkikita kailan man"
" Meron bang ganun sa kaibigan? Diba ang magkaibigan ay magkikita, at magbonding kahit paminsan-minsan?"
Di ko maiwasan mapahimas sa sentido. Habit ko to eh. Lalo na pag gusto kong manapak ng tao. Hinga sabrina. Pikit mata. Inhale. Exhale.
" Binabawi ko na. Ayoko nang makipagkaibigan ng kahit sinuman" patapos kung sabi habang naglalakad palayo.
Sino ba kasing may sabi na magkaibigan kami? Parang wala akong matatandaan. Diba siya pa ang dahilan kung bakit di na ako allowed sa library. Nakakaloka.
Teka sandali. Andito na ako sa loob. Bakit nakabuntot pa rin siya?
" Salamat sa paghatid makakaalis ka na? " taboy ko.
"Teka sandali. Ano ba yang nakalagay sa table mo?
Sa table ko? Napalingon ako sa tinutukoy niya. Wala naman akong ibang nakikita kundi ang regalo niya na nakapatong. Bigla akong napalingon sa kanya.
" Wala nam-"
Tsup!
Tigagal ako. Hinalikan lang naman niya ako pero wrong timing nga lang dahil imbes sa pisngi ko mapunta sa mga labi ko ang landing.
Kanina pa ako nagpupuyos sa galit. Inuubos talaga ang pasensya ko.
" Oops sorry, sa pisngi lang sana yun kaya lang ang likot mo eh" taas kamay nitong sabi.
Nanginginig akong itinuro ang pintoan.
" Bye sab, dream of me tonight" pakindat nitong sabi habang nakaflying kiss pa.
(end of flashback )
Sarap ipakulam. Bakit ako pa ang napili niyang paglaruan?
Teka. Mabuksan nga ang regalo niya.
Isang mamahaling kuwentas na may heart pendant. Mabuksan kaya to? Masubukan nga.
Ay ano to? Picture niya? Naku di ko to matatanggap. Sandali may note na nakalakip.
" pag ito itapon mo ibig sabihin... Di mo ako kailangan sa buhay mo...
Pag ito itago mo ibig sabihin.... Lihim mo akong minamahal
Pag ito isauli mo ibig sabihin...sayo na ang puso ko at habambuhay akong nakabuntot sayo.
Pag ito isinuot mo, that means .... Akin na ang puso mo. "
May pagpipilian ba ako? Puro to pabor sa kanya. Maliban na lang kung itapon ko. Sayang naman. Mukhang mahal. Puwede ko itong isangla sa cebuana pawnshop pag nagipit ako.
Bahala siya...
******* Kinabukasan sa school***********
Maraming studyante sa hallway. Umagang-umaga abala agad sa celphone. Siguro busy na naman sa f*******:, i********:, twitter, snapshot, paltalk, chathour, skype, mico, at kung anu- ano pa dyan. Palibhasa free wifi sa school namin.
Teka, nakakapanibago. Dati kapag naglalakad ako wala ni isang may tumitingin sa akin. Bakit ngayon lahat ng estudyanteng madadaanan ko tinitingnan ako?
At ang facial expression nila, paiba-iba. Yong iba parang nagagalit, yong iba naman parang nagugulat at naka bukaka pa ang mga bibig habang tinitingnan ako. Ang iba naman parang napaka friendly at nginitian pa ako.
Isip. Isip. Ano bang nagawa ko? Wala naman ah.
" Sabrina right? " tanong ng isang babae habang may pahawak-hawak pa sa braso ko.
Tinangoan ko siya habang hinihintay kung anuman ang kanyang sasabihin. May mga kasamahan siyang babae pero tingin ko parang friendly naman.
"From now on we will accompany you wherever you go for your safety purposes. Pero bago ang lahat ako nga pala si trexie, at ito mga kaibigan ko si blah, blah, blah.
Really?! Di ko magets eh. Bakit nagkaroon ako ng instant tagapagtanggol.
Tiningnan ko sila. Isa-isa.
Kumalma ka sabrina. Inhale. Exhale. Close your eye. Ayan. Oops may nakalimutan ka. Pisil sentido. Yan....
"Bakit? Kanino nyo ako ipagtanggol? Sabihin nyo? At ipapakulam ko. " mahinahon kung sabi. Pero ang totoo? Gustong - gusto ko ng sumigaw. Pero hindi. Mali yon. Nakakawala ng poise.
"Expected na yan, lalo na kapag nalaman ng lahat na boyfriend mo si Lau-"
"Sino? " medyo tumaas bigla boses ko pero kunti lang naman.
"Yan na pala siya, " turo ng taong tinutukoy niya. "Siya na lang mag-explain sayo ha? Malalate na kasi kami. Bye sab.. "
Tiningnan ko ang tinutukoy niya. Hanep. Kung titingnan mo walang ginagawang mali.
Ito palapit na siya.
"Bibigyan kita ng limang segundo para ipaliwanag ang kaguluhang 'to" sabay turo sa mga taong nakapalibot sa amin.
"wala yon-"
"5"
"kuwan"
Bagal magpaliwanag
"4"
"hey" putol niya
"3"
"2"
Wala pa rin. Wala siyang balak magpaliwanag.
"Time's up! "
Naglalakad siya palapit sa 'kin.
" Huwag.mo.akong.lapitan.hawakan.-lumayo. Ka. Hindi. Ko. Kaya. Ayokong. Makulong " mahinahon kong sabi habang nakapikit ang mga mata.
Akmang lalapit muli.
"Dyan ko lang" sabi ko habang naglalakad palayo.
"ok babe! Dito lang ako. See you on lunch time. Take care honey "
Pahabol nitong sabi habang kumakaway.
Nababaliw na siya.
************
Laurence POV:
"Grabe dude! di mo man lang sinabi hihihihi nagbago ka na pala ng taste pagdating sa babae. Anong nangyari sa sweet and nice plus charming woman na ideal mo. Kabaliktaran ang nakikita ko. " napailing sabi ni Jacob. Habang pa-krus na nakapatong ang kamay sa dibdib nito.
"tss, nabigla lang yon. Masyadong private ang buhay niya. Ayaw niyang maging center of attraction. Tsaka di na man talaga kami lovers. Di pa sa ngayon." dahil di ako titigil hanggat di sya bibigay.
" Seryoso pare? Tinamaan kana sa kanya? wow heavy!!!!!!" di makapaniwalang tanong ni Philip.
" Bakit, anong masama if I love her? " upakan ko to eh.
" hirap paniwalaan tol, hahaha. Goodluck!!! "
****
Sabrina's POV:
Lunch time:
See me on lunch break huh. Pwes, asa ka pa na magkita tayo. Asan nga ba ako? Well, dito lang naman ako sa ilalim ng punongkahoy na kung saan may mesa at upuan na nasa likurang bahagi ng campus. Kaharap ito ng oval ground ng Lorenzo University. Wala masyadong estudyante kaya mag-isa akong nakaupo.
"Kanina pa ako naghahanap sayo dito ka lang pala. " di ko na kailangan pang lumingon dahil alam ko na kung sino ang nagmamay-ari nito.
"Pati ba naman dito, guguluhin mo ako. " mahinang sabi ko. Napilitan akong ligpitin ang mga pagkain na nasa harapan ko.
"Di ba sinabihan na kita, na magkita tayo during lunch time? Pero anong ginawa mo? Nagtago ka? " sabi nito habang kinuha ang panyo sa kanyang bulsa. At pagkatapos lumapit sa akin.
"huwag kang malikot, may sauce sa bibig mo" sabi nito habang abala sa pagpupunas.
Pakiramdam ko bumagal ang ikot ng mundo. Mali. Parang huminto sa pag-ikot ang mundo. Bakit parang naiilang ako sa tuwing matitigan ko ang mga mata niya na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
"huwag kang sobrang sweet" sabi ko habang inilayo ko ang mukha sa kanya. Bigla kasi akong nakaramdam ng kaba. Parang binabayo ang dibdib ko.
"bakit? Natatakot ka ba na mainlove sa akin?"
Oo. And I don't like to fall in love. Siyempre di ko yon sasabihin sa kanya.
"Paano mo 'ko nahanap? " pag-iiba ko ng paksa.
" I have my own ways, so tell me, bakit ayaw mo akong maging sweet sayo? "
" Dahil hindi ako sanay sa mga sweet-sweetan effect. Para akong nasusuka. " daming tanong. Nakakairita.
"nasusuka o kinikilig ka lang? " sabi nito habang hinahawakan ang mukha ko paharap sa kanya.
" Aminin mo kasi, tayong dalawa lang naman amg nandito" tss. Wagas kung makatitig.
Binigyan ko siya ng fake sweet smile. Habang nakipagsukatan ng titig sa kanya. Akala niya siguro paapekto ako sa presence niya.
"Hindi nakakakilig ang ginawa mo. Ok?, ginugulo mo ang buhay ko. Alam mo ba yun? Kaya please lang, leave me alone. " pabulong kong sabi.
"Bakit? Inaano ba kita? Eh kung tutuusin nga wala pa akong ginagawa. Bakit ba kasi ayaw mong sabihin na may gusto ka rin sa akin. Walang namang problema dahil gusto naman kita. Mahal na nga kita" pabulong sabi nito pero nakangiti. Kunting galaw nalang at pakiramdam ko maghahalikan na kami dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
" Ang sarap mong sampalin" I swear. Ang sarap niyang upakan.
"Ang sarap mong halikan " sagot nito habang pinapout pa ang mga labi.
Tikhim sa likuran..
Sabay kaming napalingon.
Save by the bell. Kung sino man siya dapat akong magpasalamat.
" Sorry sir Laurence, naiwan nyo po kasi sa rooftop ang celphone nyo, ibibigay ko lang sana kasi tumawag po ang daddy nyo. "
Tumango ito habang kinuha ang kanyang celphone.
This is my chance to escape habang may tinatawagan pa siya.
Paalis na ako ng pigilan niya ako.
"Don't leave me here cos we need to talk" bossy nitong sabi habang sinenyasan ang taong lumapit na pwede na siyang umalis.
"I'm sorry dad, I can't come for our lunch today. Opo dad. Please kiss mom for me. I love you too dad. Bye.
Hmm. Natural lang pala talaga sa kanya ang pagiging sweet...
********* end of chapter 9*******