Rence POV:
" Birthday wish? Para sa mga bata lang yan na naniniwalang totoo ang santa clause" malungkot na sabi niya habang nakatingin sa kawalan.
"Malay mo, baka this time matutupad ang matagal mo ng gustong mangyari o magkaroon. And, malay mo baka ako pa yong santa claus na padala para sayo"
Parang may iniisip siya, at biglang natigilan dahil sa sinasabi ko.
"halika punta tayo dun? " turo niya sa isang bahagi ng park na parang may lake.
"alam mo bang maganda dito tuwing gabi. May dancing fountain dito pag gabi. Maraming iba't-ibang makukulay na ilaw. Maganda."
Ilang sandali pa at may kinuha siya sa bulsa niya at may inabot sa akin na barya.
"wishing place ba to?" naguguluhan kong tanong.
"hindi" matipid niyang sabi.
"pero kung matutupad ang wish ko dahil dito ko ginawa, magiging wishing place na rin siya in the future. "
Pumikit siya at saka itinapon ang barya.
Sige. Gayahin ko na rin .
"Anong wish mo?"- sabay naming tanong sa isa't isa.
******sab POV:******
"Anong wish mo?"--
"Wish ko? Happiness." At magiging masaya lang ako kapag nakikita kita tay. Naisip ko muli ang aking panaginip kanina. Paano kung yon ang mangyari kapag matagpuan ko siya. Nakakalungkot naman.
"ikaw? Anong wish mo? "
Napangiti siya.
"wish ko? Hinihiling ko na sana kung anuman ang hinihiling mo ay matupad yon. "
Aii!! Di ko gusto ang tabas ng dila niya. Masyadong pa impress, pa cheesy effect. Kaloka.
"halika papicture tayo,. Dapat may remembrance ka sa lugar na 'to. Malay natin one of these days matutupad ang wish mo. At least may babalikan kang alaala. "
Sabagay may punto siya. Kinuha ko na rin celphone ko at nagsimulang kunan ang lugar na pinagtapunan ko ng barya.
"hindi ganyan. Dapat ganito" hila niya sa akin habang inagaw ang celphone ko at nakaakbay pa habang nakasmile. Ginawa naming background ang pond.
" teka sandali" pigil ko sa kanya matapos makailang shots.
"bakit? " takang tanong nito.
"nananantsing ka eh. Alisin mo nga yang kamay mo sa balikat ko. " gagong 'to baka akala niya di ko napapansin.
"masuwerte ka nga dahil naakbayan kita, yong ibang babae nga gagawin ang lahat para lang mapansin ko"
Mayabang pala to. Makaalis na nga.
" sila yon. Huwag mo akong itulad sa kanila. "
" bakit ba allergy ka sa akbay? Walang malisya yon, friendly gestures ko lang yon. Ganito talaga ako. Teka nga- no boyfriend since birth ka siguro noh? '' tanong nito habang nagmamadaling sumunod sa 'kin.
" wala ka na dun" pakialam niya ba.
"nagtatanong lang naman eh, ano bang gusto mo sa lalaki? " curious na tanong nito habang pasalampak na napaupo sa tabi ko.
"wala" tipid kong sabi. Wala naman talaga.
"imposible. Lahat ng babae may ideal man. "
" hindi lahat ng babae meron. "
"eh bakit wala? "
Tinatanong pa ba yon. Ang kulit naman.
"dahil hindi ko gusto. Ayokong magkaroon."
malapit na. Malapit na akong maubusan ng pasensya.
Laurence POV:
Pwede ba yon? Na may mga babaeng walang ideal man? Hard to believe huh?
"Ikaw? " biglang tanong niya sa akin.
"pardon?" bigla siyang lumingon sa akin.
" may ideal woman ka ba? " tanong niya habang nakatingin sa paligid namin.
Ang totoo? Well, lahat ng magagandang katangian sa babae ay yon naman talaga ang gusto ng mga lalaki. Sweet, matalino, maganda, sexy, charming. Iilan lang yan.
Katangian na hindi lahat meron siya. Maganda siya at matalino. Pero charming, and sweet - wala siya.
" marami-dati yon, Pero ngayon sapat na ang isang tulad mo. " sinabayan ko ng ngiti habang nakatitig sa kanya.
Hala. Wala man lang reaksiyon. Hindi ba siya kinikilig?.
"huwag mo nga akong bolahin, tingin mo sa akin basketball court na pwede mong paglaruan?" wika nito at akmang tatalikod na.
"oi, totoo yon...oi,, saan ka pupunta" agad akong napatayo habang humahabol sa kanya.
Patay. Nagalit ata.
Saan na kaya siya? Bilis namang nawala. Ayon.
Mabuti nalang nakita ko siya agad.
Napahinto siya sa mga tinedyer na may dalang gitara na masayang nagkakantahan.
Ang gaganda ng mga boses nila.
Mahilig pala siyang makinig ng love song.
Hmmm. Interesting.
" pwede bang pahiram ng gitara kahit isang kanta lang? " pakiusap ko sa lalaking may hawak ng gitara. Mukhang mabait naman sana pumayag.
"oo bah pero sa isang kundisyon" sagot ng kasama niyang babae. " pahiramin ka lang namin kung ang tugtugin mo yong gusto namin na kanta. Marunong ka ba tumugtug ng "king and queen of hearts by David Pomeranz? "
Tumango ako. Bakit nga ba hindi, sa tuwing maririnig ng mommy ko ang awit na yan, para itong naiihi sa sobrang kilig.
Theme song ng mga magulang niya yon.
" Sakto! tamang-tama ikaw ang tutugtug si ate ang kakanta" napatalon nitong sabi habang itinuro si sabrina na agad namang nanlaki ang mga mata.
"naku huwag ako- di ako marunong kumanta, at di ko kabisado ang kantang yan"
"ayy, may kopya kami dito. Sige na please. Project po kasi namin to sa school. Nagkataon naman na di marunong tong kasama ko. Buti nalang alam ni kuyang pogi na kasama mo. Maawa ka naman sa amin ate turuan mo kami". Paawa effect nito habang si sabrina ay napabuntong hininga.
Gusto kong tumawa. Pwede naman nilang iresearch sa internet yun kung paano kantahin. Bakit mandamay pa ng ibang tao. Sabagay gusto ko naman to.
"hmmm. Ako nalang din ang kakanta. Sorry, mahiyain kasi tong girlfriend ko eh, kaya ako nalang. " sabi ko habang inaadjust sa tamang tempo ang gitara.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni sab. Hindi lang mga mata niya. Pati butas ng ilong.
Hahahaha. Parang sasabog na sa sobrang galit.
" ganun ba? Ganito nalang, pwede kahit sa chorus lang magduet kayo? Kasi kailangan din kasi namin na duet habang kinakanta. " paawa na namang pakiusap nito.
Ok, 5,4,3,2,1
"We're the king and queen of hearts,
Only when the music starts......
All my dreams come true...
When I dance with you........
Promise me you're mine tonight....
I will wait in line tonight....
While the lights are low.....
I'll never let you go.....
********Sab POV:
(Wow ganda ng boses niya!!! ) sabi ng mga taong nakapaligid.
Ang sarap. Sarap pumatay ng tao. Kahit pa siguro bumilang ako hanggang isang libo parang di ko parin magawang kumalma. Bakit ba kasi kailangang titigan pa akong habang kumakanta. Hindi ba pwedeng kumanta nalang siya ng kumanta hanggang sa mapaos siya.
Sabagay, dagdag sa kaguapohan niya. Ayan na oh! Daming babae sa paligid. Kinikilig lang.
Mali to.
Mali.
Nakakahiya.
Bakit ba kasi napakaganda ng boses niya.
" ate be ready chorus na" bulong ng babaeng may pakana. Isa pa to eh. Sarap hilahin ang buhok.
Chorus next 5,4,3,2,1
"Did I dreamed that we danced forever....
In a wish that we made together....
On a night that I prayed would never end...
No its not my imagination...
Or a part of the orchestration..
Love is here at the coronation...
I'm the king and you're the queen of hearts....."
Hindi pwede to parang may mali. Nakatingin pa rin siya sa akin habang kumakanta...
"time will pass and tears will fall.....
But someday we both recall...
Moments made of this...
Golden memories.... "
Di ko namalayan. Chorus na pala. Ipinagpatuloy pa rin niya ang pagkanta ng kahit mag-isa na lang siya.
Wala eh. Nakakadistract ang mga titig niya.
Bakit ganun kabisado niya ang kanta kahit walang kopya.
Hmp. Ganyan mambiktima ang mga playboy..
Tiffany POV:
" Anak, di pa ba dumating ang kuya mo? " si mommy talaga, mag-aalas siyete pa ng gabi. Dati nga madaling araw na kung makauwi si kuya.
" Pauwi na raw siya my, " sagot ko habang abala sa panonood sa youtube.
Hindi nagtagal at may dumating na sasakyan. Sigurado kuya na niya yon.
Aba!! Himala, pakanta-kanta pa siya habang naglalakad papasok ng bahay.
Kailan pa siya naging mahilig sa love song?
In love?? Maybe. Matanong nga..
" Hep,!!!! Stop!!!!"
" Yes my dear gorgeous sister!!! " sabi nito habang pinipisil ang ilong ko.
" sino siya?
" ang alin? " naguguluhang tanong nito.
" alam ko in love ka eh.. Sino siya, sabihin mo na? "
"secret " walanghiya nilampasan lang ako.
" Mommy I'm home"
******
Laurence POV:
"Mommy I'm home"
"I'm in the kitchen anak!! " nakagawian ko na ang humalik sa pisngi ni mommy sa tuwing uuwi ako ng bahay. Pati si tiffany ginagawa din niya ito sa mga magulang namin. Ganito kami pinalaki.
"How's your date son? "
" Masaya, napakanta ako ng wala sa oras. Akalain mo, theme song pa ninyo ni dad ang kinanta ko.. "
" Ganun ba? Favorite din niya yong song"
"hindi mom. May nagrequest lang na kantahin namin"
"mommy, si kuya may bagong girlfriend. Ayaw niyang sabihin ang pangalan niya" sumbong ng kapatid ko habang hinihingal pa.
"ang kulit mo talaga, hindi ko siya girlfriend. Friendly date lang yon. " mas excited pa yata kapatid ko kaysa sa akin .
Hindi ko nga alam kung paano popormahan yon. Mataray. Daig pa si Maricel Soriano kung makairap.
" Why don't you court her son? "
" mahirap ligawan eh. Pakikipag friends nga nahihirapan ako. Manligaw pa kaya. Akyat muna ako mom, shower lang ako"
"Alright honey, let's talk later" sabi nito habang abala sa paghahanda ng veggie salad.
Ito ang pinakamaligayang araw sa buong buhay ko.
End of chapter 8***