[Getting to know each other]
Sabrina's POV:
"Pumasok ka na, naghihintay na siya sa loob. " sabi ng isang nakangiting secretary. Minamasdan ko ang bawat sulok ng opisinang dinadaanan ko. Malawak ito at may modernong gamit pang opisina.
Nahagilap ng aking paningin ang isang nakatayong lalaki na nakatingin sa labas. Dahan-dahan itong napalingon at napatingin sa 'kin. Bakas pa rin ang pagiging matipuno at ang mestisohing pagmumukha sa kabila ng kanyang edad. Mga mata niya na tila nang-aarok habang nakipagtitigan sa akin.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Ang yakapin ba siya bago magpakilala, o magpakilala muna bago siya sugurin ng yakap.
Napatikhim siya. Bigla akong napahinto sa aking iniisip.
"Sino ka? Anong kailangan mo? " malamig ang kanyang boses.
"I'm Sabrina Domingo. I'm- I'm your daughter." nabubulol kung sabi.
Lumakad siya palapit. Napahinto sa aking harapan at bahagyang nakayuko para magpantay ang aming mga mukha.
"Don't fool me young lady" pabulong niyang sabi habang naniningkit ang kanyang mga mata.
"Wala akong anak sa labas" sabi niya habang naglalakad papuntang pintoan.
"Nina Domingo- siya ang nanay ko. Kung gusto nyo magpa DNa test tayo para -"
"Enough!!! ---
Katahimikan.
"Wala akong anak sa labas. Get out of my office before I'll call my security to drag you away."
"maniwala ka, anak nyo ako.. Nagsasabi ako ng totoo. Anak mo ako. Tayyyyyyyy!!!! " tawag ko sa kanya habang may humila sa akin palayo..
Itayyyyyyyyyyyyy!!!!!!!
"tay! -" napahingal ako. Panaginip. Nanaginip lang pala ako. Pero parang totoo. Bigla kung naramdaman ang luha kong malayang dumaloy sa aking pisngi.
Totoong luha? Ano ba yan, kahit panaginip lang pero bakit gusto kung umiyak at humagulhul.
Nakakalungkot naman.
Napabalikwas ako ng may kumatok.
" akala ko Kung anong nangyari sayo. Kanina pa kasi ako dito. Balak ko na sanang pumasok, mabuti nalang at nabuksan mo bago ko masira ang pinto nitong apartment. Teka, umiiyak ka ba? "
"anong ginagawa mo dito? " kunot-noo kung tanong sa taong kaharap ko.
"dinadalaw ka, akala ko ba friends na tayo. Di ba normal lang naman na dalawin ko ang isang kaibigan. Siyanga pala, may dala akong regalo para sa birthday mo. Kaya dapat, ilibre mo rin ako bilang kapalit. Ayos ba? " pakindat niyang sabi na ngayon nakaupo na sa pang isahang sofa.
"ang yaman mo pero nagpapalibre ka? Hindi ako nagcecelebrate ng birthday. "
Lokong 'to. Feeling close lang? Kailan pa? Demanding.
"Masamang habit yan, paano kung last birthday mo na 'to at kunin ka na ni lord? Di ka man lang nakapagpasalamat o nakapag-enjoy. Kaya mintras may buhay pa, sulitin mo na" kibit balikat nitong sabi habang naka dekwatro ang mga paa.
Huwag naman sana. Di ko pa nakikita ang tatay ko.
"sige pagbibigyan kita sa gusto mo basta pagbibigyan mo rin ako sa gusto ko"
"bakit ano bang gusto mo?
"ang huwag ng pumunta pa dito"
"bakit? Galit ka ba sa akin? "
"Di ko lang gusto. Magbibihis lang ako " sabi ko at pagkatapos tumalikod na.
***********
Rence POV:
"Magandang araw po aling Rosie. Pabili ng paborito kong streetfood bale dalawang pakete . " nakangiting sabi ni Sabrina sa nagtitinda mukhang kilalang kilala na siya ng babae.
" Anong gusto mo sweet sauce or spicy? "
"I prefer spicy sauce"
"pakisamahan na rin po ng dalawang spicy sauce aling Rosie. At saka mineral water ho. "
"Anong softdrinks ang gusto mo? " biglang tanong niya.
"Ayoko na rin ng softdrinks, tubig nalang".
"palagi ka ba dito? " tanong ko habang hinihintay ang inorder namin.
"Dito ako nagtatrabaho noong first year college pa ako. Napahinto lang dahil lumipat ako ng inuupahang apartment. Medyo mahal kasi kaya naghanap ako ng mura na malapit sa school. "
"Rina, andito na ang order ninyo" tawag ng kausap niyang babae kanina.
"Ito po ang bayad ko Aling Rosie" sabay abot sa dalawang supot at tuluyan na kaming nagpaalam.
*******
Luneta park:
Rence POV:
First time kung makarating sa lugar na ito. Noong mga bata pa kami, di kami namamasyal sa ganitong publikong lugar dahil muntikang makidnap si Tiffany. Mula noon, palagi kaming lumalabas ng bansa para lang mamasyal.
Sa amerika din ako nag-aral ng first and second year college. Napilitan lang akong lumipat ng school at dito ipinagpatuloy sa pilipinas ang aking pag-aaral dahil gusto ng daddy na sanayin ako sa kumpanya.
Dahil sa kanya, nakarating ako sa lugar na 'to. Hindi ko alam, maganda pala dito. Kanina ko pa pinagmamasdan ng palihim si Sabrina. Tahimik lang ito habang kumakain ng streetfood. Unang beses din akong mapakain ng ganito. At ngayon ko lang nalaman na masarap pala.
Hindi ko alam kung bakit ako ganito sa kanya. Unang beses ko pa lang siyang nakita noon pero di siya mawala sa aking isipan.
Kasama ko pa nun si Margaret, girlfriend ko sa mga panahong yon. Galing kaming party pero dahil sa hindi pagkaintindihan namin ay minabuti namin na umuwi nalang. Pero nagkabati din kami agad. Hanggang sa pareho kami nakaramdam ng pagkagutom. At nagkasundo kami ma kumain sa isang food chain. Doon ko nakita si Sab. Abala si Sabrina sa pagsusulat ng order namin pero ni sulyap sa akin ay hindi siya nag-abala. Tanging si Margaret lang ang tinatanong niya. Siguro kung ibang waitress pa yun ay marahil panay ang pacute nito. Na siyang madalas na pinag-aawayan namin ni Margaret sa tuwing kumakain kami sa labas. Bumalik ako pagkatapos ng isang linggo pero hiwalay na kami ni Margaret. Saka naman nalipat si sabrina bilang cashier. Mula noon di ko na siya makausap at hanggang tingin nalang ako mula sa dining area.
Napabalikwas ako bigla ng biglang iwinawagayway ni Sab ang kanyang pagkain sa harapan ko. Di ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon. Matinik ako sa mga babae pero sa kanya taob ako.
"masarap ba? " tanong niya habang ngumunguya.
Napatango ako. Unang beses na may nanlibre sa akin. Nagbibiro lang naman ako kanina. Di ko alam na seryosohin niya. Kung ako lang, balak ko siyang dadalhin sa mamahaling kainan.
"masarap siyempre, lalo na't libre "sabi ko habang kininditan siya.
" bakit ayaw mong dinadalaw ka?" Pag-iiba ko ng topic.
Nagkibit balikat siya habang kumakain ng isaw.
"What's the point anyway? Having connections to someone is not my type. Ayoko ng ganun. Kuntento na ako sa buhay na meron ako. School, trabaho, bahay, walang bonding with friends. I hate socialization. Para lang yon sa mayayaman. Gusto kong mamuhay based on reality. Lumaki ako na ganito. Loner. Walang kaibigan. Ayoko na maging dependent sa iba"
"masaya ang may kaibigan lalo na pag may problema ka. Nakakagaan yun ng pakiramdam" sabi ko habang nakatitig sa kanya.
"may kanya-kanya tayong pananaw at prinsipyo sa buhay at kadalasan kung ano man ang pananaw natin base yon sa ating karanasan simula ng isinilang tayo hanggang sa nagkaroon na tayo ng wastong kaisipan. " makahulugang sabi nito habang nakatingin sa malayo.
Bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha.
" bakit gusto mo dito mamasyal? Bakit hindi sa mall or sa beach?"
" I hate window shopping. Hindi rin ako marunong lumangoy kaya ayaw ko sa dagat. " sabi nito habang nakatingin sa mga bata na naghabulan habang tinitingnan ng kanilang magulang. Titig na titig siya sa nagtatawanang pamilya.
"maganda dito sa park dahil dito mo makikita ang isang pamilya na buo at masaya tulad nila" sabay turo sa pamilyang pinagmamasdan niya. "Dito, di mo na kailangang gumastos ng malaki para lang maging masaya. Kung pakikibonding lang ang pag-uusapan, mas gusto kong gawin yon with the family. Not with friends or with peer groups. Pero malas ko lang dahil kahit ang magkaroon ng buong pamilya ay wala ako" sabi nito habang pinupunasan ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.
Napatingin ako sa kanya. Blanko. Walang bakas ng anumang emosyon. Siguro namiss lang niya ang kanyang parents dahil kaarawan niya ngayon at nagkataon na malayo siya.
"Huwag kang mag-alala, makakasama mo rin sila kapag nakauwi ka na. " pampalubag loob kong sabi sa kanya.
Napatingin siya bigla sa akin. Ilang sandali pa at napangiti siya pero bakit ganun? Kahit nakangiti siya, malulungkot pa rin ang kanyang mga mata.
***** Sab POV****
Di ko maiwasang di makaramdam ng inggit sa tuwing may nakikita akong pamilya na magkasamang masaya. Simula pagkabata, wala akong ibang hinihiling na sana magkaroon ako ng isang buong pamilya. May tatay may nanay. Tulad ng ibang mga bata. Iyong may masusumbungan ka sa tuwing may mambubully sayo. Iyong may bumubuhat sayo sa tuwing may masakit ka sa katawan. Iyong may nagpapalakas sayo sa mga oras na nawawalan ka ng pag-asa. Iyong pumupunta ka ng simbahan na kasama ang mga magulang mo habang hawak nila ang mga kamay mo.
"Teka, ano bang birthday wish mo? " tanong ng taong kasama ko ngayon. Di ko alam kung bakit magtiyaga siyang makasama ako. Ang sabi nila, ako na ang pinakaboring na tao sa mundong ibabaw.
Ano nga ba ang wish ko? Well, pang twenty years ko na 'tong hiling na sana maging buo ang pamilya ko, not included my christmas wishes, pati na rin sa pagkakataong makakita ako ng fallen stars. Pero wala. Hirap maniwala na sa bawat hiling mo ay may katuparan ito.
Napangiti ako. Mapaklang ngiti.
" Birthday wish? Para sa mga bata lang yan na naniniwalang totoo ang santa clause"
End of chapter 7********