Chapter 6- sinusitis

1354 Words
Laurence POV: "Pare chicks alert! Tingnan mo tol may sexy na paparating. " papormang sabi ni philip habang nakatanaw sa babaeng naglalakad. Nakasuot ng maiksing damit na hapit na hapit sa katawan. Dito kami ngayon sa daanan ng mga estudyante. Inaabangan ko siya (sabrina). "Tsk! Wala yan dude, mas maganda pa girlfriend ko dyan. " sabi naman ni James na iiling-iling pa sabay tingin sa babae. "sino ba kasing inaabangan natin dito bro.?" bored na tanong ni Jacob. Palagi na itong seryoso at pinanindigan ang pagiging responsableng kuya sa kanyang dalawang kapatid simula ng tuluyan ng nagkahiwalay ang kanyang magulang. Which is good naman. Sa aming lima ito ang pinaka playboy dati pero ngayon parang wala ng epekto sa kanya ang mga babae. Bakit ba kasi ang tagal niya. Mag-aalas otso nang umaga pero wala pa rin siya. "mauna na ako bro. Nakalimutan ko. Susunduin ko pa pala si Audrey." nagmamadaling paalam ni nick na tinangoan ko nalang. "wow bro. Lumilevel-up na tayo ngayon ah. May pasundo-sundo na tayo ngayon. " pambubuska ni Philip sa kanya. "stop it Philip! We're just friends. Audrey is too young to have a bf. " sabi nito habang nagkasalubong ang mga kilay. "Aha!! Kaya bantay sirado ka muna habang hindi pa pwede. " natatawang sabi ni James habang nakipag-apiran naman kay Philip. Napailing na lang si Nick habang papasok ng kanyang sasakyan. "Tingnan mo tong paparating pare, napakaganda kahit saang angulo tingnan" " Tanga! Boses mo, baka mamaya mawalan ka ng dila sa sobrang daldal mo diyan yan ang inabangan ni Laurence" pabulong sabi ni James. Tss, 'kala nila di ko narinig. "Hi sab! Good morning! " nakangiti kung bati sa kanya. Sino ba naman ang hindi. Bitbit niya ang bulaklak na pinapabigay ko para sa kanya. Di ko alam kong masaya ba siya o hindi dahil nakatanggap siya ng bulaklak. Hirap hulaan kung anong mood meron siya ngayon. "Hmmm, pwede ba tayong mag-usap? " seryoso niyang tanong sa 'kin. "sure!!!! " sabay sagot ng tatlo kung kasama. Mga hudyong 'to. Ako naman ang tinanong ah. Bakit sila ang sumagot. Sarap upakan ng mga gagong to. " In private, sana kung pwede" alanganin niyang sabi. Biglang napaubo ang tatlo ko namang kasama. Talagang nanadya ang mga to. "Oo naman.! " sabi ko at pagkatapos sumunod na sa kanya. " Salamat nga pala sa flowers pero hindi ko kasi to matatanggap. " sabi niya habang pilit ibigay ang bulaklak sa akin. "Ha? Bakit? " "may sinusitis kasi ako kaya bawal sa akin ang mga mababango. Sayang naman kung itatapon ko 'to, kaya mas mabuti pang isauli ko na lang." "kung gusto mo bibilhan nalang kita ng face mask para hindi mo maamoy 'to" paawa effect ko sa kanya. Sayang ang effort kung gumising ng maaga para lang umorder ng bulaklak. First time mangyari sa akin to na magbigay ng bulaklak. Bokya agad. Sandali! Tama ba ang nakikita ko ngayon? Bahagya siyang napangiti. Mas gumanda siya lalo. Kaya lang, hindi man lang umabot ng five seconds muling bumalik sa dating lungkot ang mga mata niya. Bakit ba kasi ganito siya? Walang emosyon na nakarehistro sa mukha niya. Walang liwanag ang mga mata niya. Seryoso. Walang buhay. "Hindi, nagbibiro lang ako. Sapat na sa akin na marinig galing sa'yo na nagagandahan ka. Kaya ok lang kung itapon mo na yan. Sayo na yan di ba? Kaya kung ano man ang gusto mo diyan. Ok lang. " sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Sana balang araw, mapalitan ko ng saya ang lungkot na nakabalot sa kanyang mga mata. ******** Sab POV: First time kong makatanggap ng flowers. Nagdadalawang isip pa akong tanggapin ng iabot to sa akin habang papasok ako sa campus namin. Nakakahiya. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante dahil sa bulaklak na hawak ko. Gusto ko talagang isauli 'to dahil alam kong marami siyang tagahanga at ayokong kamuhian ng mga yon. Nakakakunsensya naman talaga kung itatapon ko lang. Bakit ako paapekto? Hindi ko kailangan to. Kaya dapat itapon... ******* Alcantara's residence : Laurence POV: Sabrina Domingo - not found... Sab Domingo-not found…. Rina Domingo- not found... Hindi ba siya active sa social media? Kanina pa ako type ng type sa pangalan niya. Pero wala akong makita. " Hoy kuya! Sinong ini-stalk mo dyan? May bagong girlfriend ka na naman? " panghuhuli ni tiffany habang nakatingin na rin sa aking desktop. "why are you here? " takang tanong ko habang nakatingin pa rin sa aking monitor. May lumabas na kapangalan niya pero nakakafrustrate dahil ibang imahe ang nakikita ko. " Dinner is ready and mom ordered me to inform you. You know, she can't eat without her favorite son." maarte nitong sabi habang naka-rolled eyes. "Arte mo talaga" sabi ko habang ginugulo ang buhok niya. "Whatever, dyan ka na nga" nakaismid nitong sabi. " Hey, wait for me! You know I'm just kidding" tawag ko habang nagmadaling sumunod sa kanya. Ganito na talaga ang kapatid niya siguro may hiningi na naman ito kay mommy na hindi pinagbigyan kaya may tupak na naman. " Hi mom! " bati ko sabay halik sa kanyang pisngi. Kakarating lang nila ng daddy galing ibang bansa for business. Hindi naman talaga mahilig si mommy sumama kay dad sa mga business trip kaya lang mapilit si daddy. "Si daddy? " "May conference meeting pa siya kaya nauna na akong umuwi. Sumasakit kasi ang ulo ko." " Ako bang pinag-uusapan ninyo? "sabi niya ng biglang sumulpot mula sa pintoan. "Musta ang pakiramdam mo? Tanong niya kay mommy habang nakayakap sa likuran. "still the same. " matamlay nitong sabi na parang walang gana sa pagkain. "Gusto mo bang tawagan ko ang family doctor natin? Malambing nitong tanong habang hinahalikan si mommy. "eww, dad! Stop acting like we're not around" nakaismid nitong sabi. "Tiffany!! " suway ko sa kanya. "I'm sorry kids! You know I just really love your mom. " kibit-balikat nitong sabi. " So tell me the reason princess? You looks so upset tonight. " "Eh kasi naman dad eh, alam mo naman ang totoong dahilan diba? Kailan ba ako magkaroon ng bagong kotse?" maktol nitong tanong. Kaya naman pala. Gusto niyang magkaroon ng Ferrari tulad ng mga friends niya. At dahil nagkaroon lang ako kaya siya nagtatampo. "Buti pa si kuya meron na siya. Ako wala" "At alam mo naman kung bakit nagkaroon si kuya rence mo ng bagong sasakyan di ba? Dahil nagtatrabaho siya sa kumpanya every weekend. Pera niya ang pinambili niya. And my goodness tiffany ang bata mo para sa ganyang luho. You're only seventeen while your kuya rence is turning twenty one. " mahabang litanya ng mommy sa kanya habang hinihimas ang kanyang sentido. Siguro sumasakit lalo ang kanyang ulo sa inasal ng kapatid ko. " Ok ganito nalang, pahiramin nalang kita or ihahatid kita everyday sa school niyo. Pwede na ba yon? " pampalubag loob ko sa kapatid ko. Hindi ko siya kayang tiisin pag ganyan na ang pagmumukha niya na parang maiiyak. "No thanks! Magkakagulo lang ang mga friends ko dahil sa presence mo." sabi nito habang pinagpipiyestahan ang pagkain na nasa harapan. " Sige na nga lang, magtatrabaho na ako just like kuya rence. " biglang sabi niya sa parents namin. "Pero hindi sa company natin. Gusto ko mag modelo" sabi nito habang sumubo ng pagkalaking hiwa ng crispy pata. "Ano? " sabay kaming tatlo na napasigaw. Bigla akong napaubo. " Ano namang klaseng product ang i-indorse mo? Baka gusto mong mag-indorsyo ng hotdog tender juicy tapos sabay sabi "he loves me, he loves me not" or, baka gusto mo na rin idagdag yang hinahawakan mong crispy pata" Bigla namang natawa sina daddy at mommy. " Magpapapayat ako noh. Sige kuya sabihin mo na ang gusto mong sabihin. May araw ka rin, kung makapagsalita ka parang pinapalabas mo na napaka-dabyana ko na. Chubby lang ako noh pero hindi ako mataba. Napaka pintasero mo talaga". Nakairap nitong sabi. "Oh siya sige, papayagan lang kita kapag slim body ka na. Pero dapat mataas pa rin ang mga grades mo. So from now on, stop eating fatty foods" sabi ng mommy habang isa-isang inilayo sa kanya ang paborito niyang pagkain. "Yaya Caring, please prepare veggie salad for Tiffany. " Mapapasubo ata ang kapatid ko nito ah. ******end of chapter 6****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD